KABANATA 14

1626 Words
KABANATA 14: "MAX" rinig kong tawag sa akin kaya napadilat ako. "Nandito kana sa labas ng bahay nyo" sabi ni Ruby. Tumango lang ako at tumingin sa paligid, medyo nahihilo ako at nakakaramdam ako ng kung ano sa sikmura ko. Tinignan ko ang bintana ng sasakyan at lahat sarado. "Umulan kasi kanina kaya sinara, masama ba pakiramdam mo?" tumango ako. Binuksan ni Alice ang pintuan ng sasakyan at lahat kami nagulat sa taong nasa harapan ng pinto. Si Zion. Nakatingin siya sa akin at tinignan ang mga kasama ko. "Okey ka lang, Ganda?" umiling ako. "Palabasin na natin si Max baka biglang sumuka yan dito, mayayari ako kay Tita" sabi ni Alice habang nasa labas na ng sasakyan. Tamayo na ako sa kinauupuan ko habang si Zion naman hinawakan ang kamay ko para alalayan lumabas. Lumabas na rin si Ruby at naglakad papunta likod ng van. "Ito ang gamit niya, Zion." abot ni Ruby sa dalawang bag ko kay Zion. "Sige na, pumasok na kayo. Aalis na kami" "Ingat na lang kayo" sabi ni Zion at inalalayan akong maglakad. Nasa kanang bewang ko ang kanang kamay niya, habang nakasabit ang dalawang bag ko sa kaliwang braso niya. Nang makapasok kami ng bahay agad akong tumakbo papuntang banyo para doon sumuka. May kumuha sa mga buhok ko at hinawakan niya ng isang kamay niya habang inaalo ang likod ko. Nang matapos na akong masuka, pina-flush ang bowl. Naghilamos ako habang hawak pa rin ni Zion ang buhok ko. Huminga ako ng malalim at kinuha ang pagkakatali ng buhok na nasa kamay niya. "Salamat" ngiti ko sa kanya. "Okey na ang pakiramdam mo?" "Oo, ganito talaga ako kapag aircon ang sasakyan nagsusuka. Sinara daw kc nila Alice yung bintana kasi umulan" "Pagtitimpla kita ng kape para mainitan ka" sabi niya at agad na lunabas ng banyo. Sumunod naman ako sa kanya. Umupo ako sa sofa at naglagay ng unan sa hita ko. "Kamusta kana ditong mag-isa?" "Laging miss ka, tapos hindi ka pa nagtetext kapag hindi ako unang nagtetext, pwera lang kanina" sabi niya habang papalapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko na halos magkatikit na kami, inakbayan niya ako at napasandal ang noo sa leeg niya. "Ganito muna tayo na miss talaga kita" yakap niya ng mahigpit sa akin na agad naman lumuwag. Napapikit naman ako habang naamoy ang natural niyang amoy na para sa akin nakakagaang ng pakiramdam. "Nagdala ka ng babae dito?" "Hindi" "Kaibigan? Girlfriend?" "Hindi. Hindi. Tayo lang dapat dalawa dito, bawal ang ibang tao" "So, bawal akong magpapunta ng kaibigan dito na minsan ko ng ginawa noon" "Sinong pinapunta mo dito, may lalaki ba?" "Oo, tyka sila Alice at Ruby pa lang naman" "At sino naman ang pinapasok mo ditong lalaki noon?" "Minsan kusa lang siyang pumapasok dito" tingala ko sa mukha niya at nakita ko ang pakunot ng noo niya. "Ikaw lang naman yun, Zion" tinignan niya ako at ngumiti. "Buti ako pala. Inumin mo muna yung kape mo" tumango naman ako at lumayo sa kanya para inumin ang kapeng gawa niya. Nang matapos akong mainom ang kape, tumingon ako kay Zion ay nakatingin lang rin siya sa akin. Lumapit ako sa kanya binalik ko ang pwesto namin kanina. "Bakit ang bango mo?" "Matagal na akong mabango, Ganda. Wala pa akong pabango n'yan ha?" "Kamusta na kayo ng girlfriend mo?" hindi siya sumagot kaya napalayo ako sa kanya, dahil naalala ko na may karelasyon pala ito. "Sorry" "Maxine, paano kung nagsinungaling ako sa'yo?" "Anong kasinungalingan ang sinasabi mo?" taas ko sa kilay ko. "Tungkol sa girlfriend ko." umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Maxine, wala akong girlfriend. Sinabi ko lang 'yun kay Niña para hindi na niya ako guluhin" sabi niya. Hindi ko alam pero parang masaya ako sa sinabi niya, alam ko kasi sa sarili ko na may gusto ako kay Zion. Sino ba naman hindi magkakagusto sa kanya kung sobrang caring niya, pero pinipilan ko ang sarili ko na hindi mahulog sa kanya. Kahit sobrang hirap, kahit sarili kong katawan gustong mapalapit sa kanya tulad na lang ng nangyari kanina. Masarap ang pakiramdam na malapit sa kanya pero alam kong mali. Sobrang mali, dahil magkaibigan lang kami. "Ganda..." hindi ko nalamayan na nakatitig lang pala ako sa mga mata niya. "Ha?. S-So? tama nga si Ruby? Wala kang girlfriend" tingin ko uli sa kanya ng may maalala ako na sinabi ni Ruby. "Sinabi sa akin ni Ruby na nakita ka daw n'ya na kasama mo yung taong hinihintay mo. Bakit ako, hindi ko nakikita? Baka naman tinatago mo s'ya sa akin?" turo ko sa kanya at tumawa lang siya. "Buti pa sila sinabihan mo at nakikita na nila kayo, samantala ako hindi pa!" "Oo, tama si Ruby, lagi kong kasama s'yang kasama. Pero wala akong sinabi sa kanila kung sino yung taong hinihintay ko, baka napansin lang nila." ngiti niya na medyo kinainis ko. "Napansin?. Bakit ako hindi ko napapansin? Ang sabihin mo, tinatago mo siya sa akin. Bestfriend pa naman tingin ko sa'yo tapos hindi mo siya sa akin pinapakilala" tumayo ako. "Kasi ikaw---" napatingin ako sa kanya."Kasi ikaw, hindi mo napansin" tinignan ko siya ng masama at nakatingin lang siya sa mata ko. "Malalaman mo rin yun, kapag handa kana" ngiti niya. Tumayo na rin siya at nilapitan ako. "Magpahinga kana, may pasok ka pa bukas" Huminga lang ako ng malalim at tinalikuran siya. Agad na akong naglakad papunta sa kwarto ko. "Good night, Ganda" sabi niya ng saktong isara ko ang pintuan. Bigla kong naalala yung dala kong bag kaya binuksan ko uli yung pinto at nagulat ako ng makita ko si Zion na nasa harap ng pinto ko habang hawak ang dalawang bag ko. Mabilis na naman ang t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Pumasok siya sa kwarto ko ng walang sabi-sabi at nilapag ang dalawang bag ko. "Salamat" sabi ko. Tumango lang siya at lumabas na sa kwarto. Napabuntong hininga na lang ako at humiga na sa kwarto ko. NATAPOS na ang klase namin pero tinatamad pa akong umuwi kaya tumambay muna kami sa may kubo habang pinagkwe-kwentuhan namin ang maikling bakasyon namin. "Ang sweet ni Zion no?" ulit na naman ni Ruby kahit kanina pa niya yun sinasabi kaya tinignan ko siya ng masama. "Naku, kung hindi ko alam na may girlfriend, baka inisip ko na may crush yun sa'yo" sabi naman ni Ynez na halos kakarating lang dahil bumili siya ng pagkain sa canteen. "Crush ako 'nun" biro ko. "Pero bestfriend n'ya ako kaya ganun 'yun, wag kayong ma-issue. Tama na ang paulit-ulit na topic na bumabalik sa akin at kay Zion" salong babae ko at pumikit habang pinakikingan ang mga sinasabi nila. "Si Shawn" mahinang sabi ni Alice na ikidilat ko. Bumilis ang t***k ng dibdib ko, nakatingin siya sa akin kaya mabilis akong umayos ng upo. Agad na alis ang tingin ko sa kanya ng may humarang sa unahan nito. "Hi po! Sino po sa inyo si Maxine?" tanong ng babaeng laging kasama ni Shawn. Agad naman akong tinuro ng mga kasama ko at tumingin naman ang babae sa akin. "Ako po si Britney, ito po yung ticket na binili ni Zion. Sa'yo ko daw ibigay" abot niya sa akin. "Sige, abot ko na lang sa kanya. Salamat" ngiti ko. "Ayan ba 'yung Concert for a cause nyo, Shawn?" tanong ni Eunice. "Opo" ngiti niya. Bigla na lang nag-init ang pisngi ko kaya napatingin na lang ako sa ticket at kunyari binabasa ko. Isa talaga ang taong 'to sa biniyayaan ng killer smile o sabihin na na nating kilig smile. Kikiligin at napapangiti ka kapag nakikita mo siyang nakangiti. "Nakabili na kami n'yan ng ticket na 'yan. May naglibot sa dorm for a cause daw kaya bumili kami. Sabay-sabay tayo punta ha?" sabi ni Ruby at nagsisang-ayunan naman silang lahat. Habang ako tahimik lang dahil wala akong ticket na binili at tyka sa presyo pa lang ng ticket 200 pesos hindi ko ma mabibili. "Hello!" napatingin ako kay Zion na nakatingin sa akin. "Nasa girlfriend mo na yung ticket" rinig kong sabi ni Britney na kinalaki ng mata ko. Pati na rin ang mga kasama ko nagulat sa sinabi nito. "H-Hindi niya ako girlfriend" sabi ko at inabot kay Zion ang ticket niya. Pasimple ko siyang tinignan ng masama at pasimple rin tumingin kay Shawn na nakatingin sa akin. "Ayy! Sorry" "Okey lang yun, mukha naman silang may relasyon" sabi ni Alice na sinamaan ko rin ng tingin pero tumawa. nag- "Ayiee!" ang iba. "Sorry, uli. Alis na po kami. Salamat, Zion" ngiti ni Britney kay Zion at tumango lang ito. "Bye po." sabi ni Shawn habang nakangiti. Pinipilit kong maging seryoso ang mukha ko at habang nakatingin sa kanya na napasulyap rin sa akin. Nang makaalis na ang dalawa lumapit sa akin si Zion at naupo sa tabi ko. "Grabe yung ngiti ni Shawn, nakakamatay sa kilig" sabi ni Ynez. "Si Max, halatang pinipigilan yung ngiti pero titig na titig kay Shawn" sabi ni Alice. "Hoy! Hindi ha?" agad na sabi ko. "Crush n'ya kasi si Shawn" sabi naman ni Ruby. "Hindi ha?. Issue kayo ha?" pero parang hindi nila ako pinapakingan dahil inaasar pa rin nila ako at kung anu-anong gawa-gawang kwento ang sinasabi nila. "Kaya pala kanina yung ngumiti si Shawn, kunyari binabasa niya yung ticket" asar naman ni Eunice. Tumingin ako kay Zion para manghingi ng tulong pero parang madilim ang aura nito at mahigpit ang hawak niya sa ticket kaya kinalabit ko siya. Tinignan niya ako, hindi pala tingin kung hindi titig na titig siya sa akin. "Anong problema mo?" wala akong sagot na nakuha sa kanya dahil nakatingin lang siya sa akin. ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD