KABANATA 13

1533 Words
KABANATA 13: WEBES ng gabi kami umalis para linggo ang uwi namin, kahit ilang beses ng kinausap ni Zion si Alice hindi ito pumayag na sumama ito. Ang paalam kasi ni Alice babae lang ang dadalhin niya sa vacation house ng tita niya sa Batangas. May ilang kasambahay naman doon kaya maalalayan sila sa mga kailangan nila. Hindi lang kaming tatlo dahil kasama pa namin ang ilang close na classmate namin na masayang kasama. Bali siyam kaming lahat sampu kasama ng driver. "Picture-an mo ko, Ms. Photographer" "Sige" hawak ko ang camera na binigay sa akin ng ina ni Zion. "Next post" "Patingin" pinakita ko kay Ruby ang mga kuha ko sa kanya at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha ni Zion na nakapikit. "s**t! Ang gwapo" mahinang sabi ni Ruby. "Buti talaga hindi ka na iinlove sa lalaking yan" mahinang sabi niya. "Kasi kung ako kasama ko siya sa iisang bahay at ganyan ka gwapo. Baka iwan ko na boyfriend ko" "Friends lang kasi ang turing namin sa isa't-isa" "Wala na bang hihigit doon?" "Bestfriend. Tyka may girlfriend na si Zion at ang pagkakaalam ko. Mahal na mahal na yun. Base sa kwento n'ya sa akin" napangiti ako. Kahit hindi ko alam kung yung babae ba na kinwento ni Zion ay ang babaeng girlfriend niya ngayon. Pumunta na kami sa magiging kwarto namin, at kaming tatlo nila Alice ang magkasama sa isang kwarto. Nagpahinga muna kami dahil medyo malayo rin ang biyahe. Napatingin ako sa cellphone ko dahil bigla umilaw. Kinuha ko sa stand night para tignan kung sino ang nagtext. "Si Zion" : Zion; Ingat, Ganda. Text ka kapag nandyan na kayo. Wag magpapaligaw. Nakarating na ba kayo? Magtext ka naman. Pls. Thank you. Hindi ko sure? Nandito na kami, nagpapahinga muna. Nagtext na ko. Okey kana? Sunod-sunod na reply ko at napangiti. Kinuha ko ang camera para tignan ang mga picture, mabilis kong nilipat ang mga picture sa mukha ni Zion na tulog. Na sakto naman tumunog ang cellphone ko. : Zion; Sige, magpahinga ka muna. Tawagan kita mamaya. Wag kang magpapaligaw magagalit si Tita. Ayos lang kay Inay. Cge, na matutulog muna ako. Txt mo gf mo wag ako. Katxt ko s'ya ngaun. Pero magpapahinga dw muna s'ya. Mamaya ko na lang s'ya tatawagan. Magpahinga kana... BAWAL MAGPALIGAW!? Sleep well!? Haha!? Inisa-isa ko muna ang mga kuha ni Zion at agad ko ring pinatay ang camera. Umayos akong humiga at natulog para makapag-pahinga. NAGING masaya ang bawat araw namin sa vacation house, at marami akong nakuhang magagandang larawan sa paligid. Habang nasa harapan ako ng laptop ni Ruby para ipasa sa kanila ang mga picture na nanggaling sa camera ko. Isa-isa kong pinasa sa kanila ang kanya-kanya nilang picture para mailagay nila sa kanilang mga social media. Nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko at lumabas ang pangalan ni Zion. : Zion; Mamayang gabi ang uwi nyo diba? Oo, mamayang gabi. Pero bka mdaling araw na kmi makarating. Dala ko na rin ang pasalubong mo kung ayun ang iniisip mo?✌ Ikaw ang inaalala ko hindi pasalubong. Dumating ka lang ng maayos, ok na ako. Txt mo ko kapag paalis na kau dyan. Napangiti ako sa text niya at parang nag-init ang pisngi ko. "Ayie! Lumalandi kana pala, Max ha?" napatingin ako kay Ruby at halos lahat ng nasa kwarto may mga pang-aasar na tingin at ngin. "Hoy! Ruby! Issue ka ha?. Si Zion lang ang ka-text ko" "Si Bestfriend nya lang pala. Bestfriend nga lang ba?" asar pa ni Alice. "Kayo!" turo ko sa kanila isa-isa dahil lahat kami nasa iisang kwarto. "Kapag nakarating 'to sa school. Hay! Naku!. Friendship over na!" sabi ko pero tinawanan lang nila ako habang inaasar. "Baka isang araw malalaman na lang namin kayo na ni Zion. Kapag nangyari yun babalik tayo rito. Kasama na mga boyfriend nyo" sabi ni Alice. "Kailangan muna pala magka-boyfriend ako" "Sus! Isang tawag mo lang sa bestfriend mo, pupunta agad 'yun" asar naman ni Ruby kay Alice. "Ruby manahimik ka!." "Ikaw, Ruby. Baka kapag nagsalita kami ni Alice--" "Libre ko kaya, milk tea?" agad na sabi nito. "Sorry, girls. Sila lang dalawa ililibre ko. Baka mabuko nyo ang sekreto ko" tawa pa nito habang nakaabkbay na sa amin ni Alice. "Plastic!" sabi ko. "Dali, sino nang susunod kong papasahan?" "Ako!" sabi ni Ynez at lumapit sa may kamang inuupuan ko. "Max, sabi mo may girlfriend na si Zion. Taga saan school s'ya?" basag ni Ynez sa biglang katahimikan. "Hindi ko natanong si Zion. Tyka hindi ko pa nakikita yung girlfriend niya" "Baka naman sabi-sabi lang yun ni Zion" sabi naman ni Ruby. "Kasi saksi kami ni Alice na may gusto siya sa isang girl na nakita namin kasama siya. Sobrang close nila tyka parang may sila, kapag magkasama sila. Diba, Alice?" "Yes, kaya nga nagtataka ako na may girlfriend siya?" "Bakit naman magsisinungaling sa akin si Zion?. Sino naman yung sinasabi nyo babaeng kasama n'ya? Hindi ko pa s'ya nakikita?" "Hindi namin alam yung pangalan. Pero sigurado kami hindi s'ya yung girlfriend ni Zion ngayon" sabi naman ni Alice. "Baka naman, nangbabae lang si Zion" sabi ni Eunice. "Maraming magagandang babae na lumalapit sa kanya, alam mo naman ang mga lalaki?" ikot pa ng mata niya. "Hoy! Eunice, wag mong igaya si Zion sa ex mong shrimp. Si Zion gwapo at siya ang nilalapitan ng babae. Yung ex mong shrimp, feeling gwapo at ang lakas mangbabae" sabi ni Ruby. "Wag mong idadamay ang shrimp, masarap yun. Ang ex ko hindi" sabi naman ni Eunice na kinatawa nang iba. Habang ako iniisip ko pa rin kasi ang sinabi nito na mangbabae si Zion. 'Hindi ko pa naman nakikitang nangbabae si Zion, lumalapit na babae sa kanya? oo, pero mangbabae s'ya hindi pa'. "Max!" rinig kong tawag ni Eunice sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit?" "Sabi ko, kung nakita mo na bang nangbabae si Zion?" "Hindi pa naman, pero tulad nga ng sinabi ni Ruby, si Zion ang nilalapitan ng babae" "At kinakausap niya. Parehas lang yun, nangbabae pa rin siya." "Mabait kasi si Zion, alam niya halos may crush sa kanya yung mga babae sa school. Sino ba naman ang hindi siya crush? Pero sinasabi niya naman na may tao siyang gusto at loyal daw s'ya dito kahit hindi pa nagiging sila. Narinig ko lang yung nasa library ako at nakita ko siyang may kausap na babae" paliwanag ni Ruby. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi niya naikwento sa akin ang pangyayaring yun. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila isa-isa. "Tama na, girls. Tama nang pag-usapan si Zion, kung may girlfriend man siya o wala. Irespeto na lang natin siya, at wag na nating pakialam man ang personal na buhay niya. Kung kayo si Zion, ayaw nyo rin naman pag-usapan ng iba ang buhay nyo diba?" "Tama! Stop na 'yan. Baka kumakain si Zion at nabubulunan na yung tao dahil kanina pa natin siya pinag-uusapan" tumango-tango lang ang iba at nagsimula na naman silang magkwentuhan ng kung anu-ano. NAILAGAY na namin ang mga gamit namin sa van. Kakain muna kami ng hapunan para nakabyahe na kami pauwi. "Sana kapag may trabaho na tayo magawa natin 'to." sabi ni Alice. "Oo nga, kaso may isa d'yang mag-aabroad" sabi naman ni Ruby habang nakatingin sa akin. "Hindi pa naman sigurado yun. Tyka kailangan ko pa ng experience dito no? Kaya kung mangyari man kuhain ako ng Tita ko, mangyayari muna ang ganitong bonding natin. Cheers para sa susunod na kabanata!" ngiti ko at nagsitaasan naman sila ng mga baso na naglalaman ng juice. Napatingin ako sa cellphone ng mag-vibrate ito. Si Zion. Tatlong text agad ang dumating mula sa kanya. : Zion; Hindi ka nagreply. Umalis na ba kau? Pls. Reply? Ng-dinner pa kmi. Pero paalis na rin Pls, update me, ok? Oo na... Kumain kna? Napangiwi ako sa huling text ko sa kanya na gusto kong burahin pero alam kong nabasa niya na. 'Ano bang ginagawa mo, Maxine?!' : Zion; Yes, kumain na ako.? Miss u na, Ganda. Napangiti na lang ako at pasimpling umiling. Ang sarap kasi mabasa na miss kana ng taong gusto mo na rin makita kahit ilang araw palang kaung hindi nagkikita. Nagsitayuan na kami mg matapos na kaming makakain, na-double check na rin ng driver ang sasakyan matapos nitong maunang matapos sa aming kumain. Isa-isa na kaming pumasok sa van at dahil malaki naman ang sasakyan tatlo kami sa bawat isang row ng upuan. "Si Maxine ang una nating ihahatid sa kanila, tapos si Eunice at Ynez. Tapos tayong lima kanila Joudi matutulog, dahil siya ang pinakamalapit na bahay sa school. Let's pray for our safety ride, girls" sabi ni Ruby at siya na rin ang nanguna na magdasal. Nang matapos kaming madalas, kinuha ko ang cellphone ko para itext si Zion. To: Zion; Bumabyahe na kmi, bka di kita matxt kc mattulog ako Sige, ingat kau. I'll wait for U? Matulog kna, wag muna akong hntayn. Nope! hihintayin kita. Kahit anong oras ka dumating. Bahala ka, sige na... tulog muna ko okey po? ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD