KABANATA 31: After Two Years MAGKASAMA kaming kumakain nila Alice at Ruby sa canteen ng kompanyang pinagtatrabahuhan namin, swerte kami dahil magkakasama pa rin kaming tatlo sa kompanyang kung saan kami naging practicum trainee. Dahil nakitaan kami nang dedikasyon at pakikisama, nirekominda kami ng naging Superior namin ng nangailangan ng tao. Hanggang sa sabay kaming tinawagan pagkatapos namin, mag-exam at mag-interview ng ilang beses. "Ano na naman yang mukha mo, Max? Nag-away ba kayo ni Zion?" tanong ni Ruby at umiling lang ako. Hindi naman ayaw ang tawag sa nangyari sa amin kaninang umaga. Nagpaalam lang naman ako sa kanya na sasama ako sa dinner treat ni Ms. Cesil at sinabi ko rin na kasama si Stephen na pinagseselosan niya. Tinignan lang niya ako at hindi niya ako sinagot hanggang

