KABANATA 32: KAKATAPOS ko lang maglinis ng katawan at pumunta na ako sa kwarto ko. Napakunot ang noo ko ng makita kong nakaupo si Zion sa kama ko. "Bakit hindi ka pa natutulog?" "Gusto kong tumabi sa'yo, inaantok na ako pero hindi ko mapigilan hindi mag-isip sa trabaho kaya hindi ako makatulog" sabi niya na kinabuntong hininga ko. "Please, Baby ko?" tumango na lang ako at umupo sa kama ko. "Thanks, Baby ko" lapit niya sa akin at niyakap niya ako. Nasa likod ko siya habang nasa tiyan ko ang dalawang kamay niya. "Umayos ka, wag kang maghilik baka hindi ako makatulog" tingin ko sa kanya at ngumiti naman siya. "Alis na dyan matutulog na ako, wala akong pasok bukas kaya wag mo na akong gisingin ng umaga" Lumayo naman siya sa akin at nahiga naman ako sa kaliwang bahagi ng kama ko. "Ako rin,

