KABANATA 33: "BAKIT mo naman ako iiwan?" pasalit-salit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Zion at makikita naman sa mukha ni Sean na namomoblema ito. "Sagutin n'yo ko" nanginginig na ang boses ko dahil sobrang kinakabahan na ako. 'Hindi ko alam kung bakit ako iiwan, may problema ba s'ya?' "Hindi mo pa sinasabi sa kanya hanggang ngayon?!" sambunot ni Sean sa buhok niya habang pailing-iling at tinaas niya ang kamay niya na parang sumusuko. Tinignan niya si Zion at bumaling rin siya sa akin. "Ayokong na ako ang magsabi sa kanya, Zion. Kung hindi ka pa aalis papuntang Canada, sila Tita Ynna mismo ang magsusundo sa'yo. Para rin 'to sa kaligtasan mo, gumagawa na kami ng paraan para mahuli na siya pero kailangan nasa ligtas na lugar ka" "Ayoko, ayokong iwan si

