KABANATA 8

1591 Words
KABANATA 8: ISANG buwan ang nakalipas at enrollment na para sa second semester. Nasanay na ako na makakasalubong na lang kami ni Zion na para hindi kami magkakilala. Hindi na rin ako pumunta sa birthday party niya kahit niyaya ako nila Alice at Ruby na invited. Nagpasabay na lang ako ng regalo ko at naghintay ng text message niya pero wala. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang nangyari sa pagkakaibigan namin. 'Sa simpleng nakalimutan ko lang ang birthday niya pati friendship namin nakalimutan na rin'. Sinabi rin sa akin nila Alice at Ruby na hindi naman daw sila Zion at Lucy, dahil ng tanungin nila si Zion magkaibigan lang daw sila. 'So? may new bestfriend na siya at goodbye na sa bestfriend na nakalimutan ang birthday n'ya.' "Kawawa naman yang baboy" rinig kong sabi ni Alice. "Ano bang iniisip mo? Yung ex mo?" tinutukoy niya si Zion na ex-bestfriend ko na daw. Kahit kasi sila na nahalata ang pag-iwas nito sa kanya, wala na ako pake pero kapag naiisip ko ang dahilan ng friendship over namin naiinis pa rin ako kay Zion. Gusto ko siyang kausapin pero laging kasama niya si Lucy kaya hanggang sumuko na lang ako na makausap siya. "Wag nyo nang paalala sa akin ang isang na 'yon. Kung friendship over na, wala na. Tutal ga-graduate na naman siya, hindi ko na siya makikita. Sana graduation day na nila" dasal ko. "Kain na lang tayo". Nakita ko si Shawn na walang kasama habang papasok ng canteen. Bigla ko tuloy na alaala kung paano ako gumawa ng dummy account ng f*******: para ma-stalk siya. Sobrang dami niyang cover ng kanta at ang galing niyang kumanta. "Si Ex mo oh?" sabi ni Ruby. Napatingin ako kay Zion na tumabi kay Shawn, nakatingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. "Wag nyo na lang tignan, dalian nyo kumain ng makaalis na tayo dito" sabi ko. Hindi ko alam, pero na iinis na talaga ako kay Zion. Pero mas madalas namimiss ko yung kakulitan niya at yung paglalabing niya. Kaso, wala na yung friendship namin baka hindi na nga talaga mababalik. GABI na at nandito na ako sa kwarto ko, sinearch ko ang pangalan ni Shawn para panuoorin at pakingan siyang kumanta. Sobra akong kinikilig kapag naririnig ko siyang kumanta tapos makikita ko pa ang mga ngiti niya. Ito na lang siguro ang ginagawa tuwing gabi bago ako matulog ang pakingan ang mga kanta niya hanggang sa nakatulungan ko na. Ang boses na ni Shawn ang nagpapawala minsan sa mga naiisip ko o kaya minsan kapag nalulungkot ako. Kung minsan kasi naalala ko kung bakit ganun na lang ang nangyari sa friendship namin ni Zion. Minsan sinisisi ko ang sarili ko kung bakit kinalimutan ko ang birthday niya. Minsan umiiyak na lang ako at nakatulog dahil sa kasisi ng sarili ko. Kunyari baliwala lang sa akin si Zion kapag kasama ko sila Alice pero kapag mag-isa na lang ako, naiisip ko yung mga pinagsamahan namin. Pinunasan ko ang luha ko na bigla na naman pumatak at pi-play ko na lang ang kanta ni Shawn. Perfect by Ed Sheeran. "I found a love for me Darling just dive right in And follow my lead Well I found a girl beautiful and sweet I never knew you were the someone waiting for me" "Cause we were just kids when we fell in love Not knowing what it was I will not give you up this time But darling, just kiss me slow, your heart is all I own And in your eyes you're holding mine" "Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms Barefoot on the grass, listening to our favorite song When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath But you heard it, darling, you look perfect tonight" Dumilat ako at tumingin sa mukha ni Shawn na nakapikit habang kumakanta. 'I think I like him'. "Well I found a woman, stronger than anyone I know She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home I found a love, to carry more than just my secrets To carry love, to carry children of our own We are still kids, but we're so in love Fighting against all odds I know we'll be alright this time Darling, just hold my hand Be my girl, I'll be your man I see my future in your eyes" "Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms Barefoot on the grass, listening to our favorite song When I saw you in that dress, looking so beautiful I don't deserve this, darling, you look perfect tonight" "Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms Barefoot on the grass, listening to our favorite song I have faith in what I see Now I know I have met an angel in person And she looks perfect I don't deserve this You look perfect tonight" Tinanggal ko na ang headset ko at nilapag ang cellphone ko sa stand night. Pumikit na ako at nagdasal pagkatapos ay nnatulog habang may ngiti sa labi. NAKATULALA lang ako habang nakatingin sa kawalan. Isang linggo na nag-start ang klase ng second semester, hindi ko na nakikita si Shawn at sa f*******: ko na lang inaalam kung anong nangyayari sa kanya. May mga On-the-job training na kasali sila at ilang buwan na lang ga-graduate na sila. Minsan hinihiling ko na makita ko siya, namimiss ko kasi yung mga ngiti niya na hindi ko lang sa picture nakikita. "Max, pupunta na agad kami sa dorm masama pakiramdam ni Alice" sabi ni Ruby. "Okey. Alice, magpahinga ka at uminom ka ng gamot. Uuwi na rin ako, medyo masakit rin ang ulo ko" ngiti ko. Tumayo na kami sa upuan namin at lumabas ng room. 2:30 pa lang tapos na ang huling subject namin. Pumunta muna ako sa grocery store para bumili nang konteng grocery dahil nagpadala sa akin si Inay para sa budget ko. Pumasok ako sa grocery at kumuha ng mga kailangan ko at nang masigurado kuna na nabili ko na ang pangangailangan ko, pumunta na akong counter para magbayad. Nang lumabas ako at naglakad-lakad napansin ko ang isang gitara na nakalagay sa likod ng nagbubuhat. 'Si Shawn?' bulong ko sa sarili ko na inimagine ko lang naman na sana si Shawn. Pero nanglaki ang mga mata ko at nanlamig ang kamay ko ng makita ko kung sino ang tao na may buhat ng gitara pagkatapos umandar ng sasakyan na nakaharang sa kanya. Si Shawn nga. Napahinto ako habang nakangiti, malayo siya at alam kong hindi niya ako makikita. Sobrang saya ko lang ng mga oras na yun ng makita ko siya na may ngiti sa labi. 'I miss his smile'. Hindi ko na inabala ang sarili ko na pumunta pa sa kinaroroonan niya, masaya na akong makita siya. Umuwi ako ng bahay na masaya ang pakiramdam ko at parang nawala ang sakit ng ulo ko na kanina iniinda ko. Biglang nagvibrate ang cellphone ko at tinignan ko kung sino ang nagtext sa akin. : Ruby; Nasa hospital si Zion Bakit anong nangyari sa kanya?. Saang hospital? Yung malapit sa school. Naaksidente daw sa motor. Pupunta na ako. Agad kong pinasok sa ref yung mga pinamili ko at nilagay lang sa lamesa. Agad akong tumakbo papunta sa may tricycle-lan at nagpadala sa hospital na malapit sa school. Nakita ko ang isang classmate ni Zion pagkapasok ko ng ospital at agad ko itong nilapitan. "Nasaan si Zion?" "Nandoon, ginagamot. Tara, samahan na kita" sabi niya at tumango naman ako. "Ano ba kasing nangyari? Malala ba?" "Okey naman siya, masama lang ang lagay ng mukha niya" ngiwi nito at napailing. Hindi ko alam kung bakit kung anu-anong larawan ng mata niya ang pumapasok sa utak ko. "Zion, may bisita ka" sabi nito. "Alis na rin ako" Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang totoong kalagayan niya. Hindi naman kasing lala na nasa isip ko nang nagdaang minuto. Lumapit ako sa kanya habang nakahiga siya. "Anong nangyari sa'yo?" gusto kong hawakan ang mga gasgas niya at sugat niya sa mukha pero alam kong iindahin niya yun. Umupo siya habang nakatingin sa akin. "Sinubukan ko lang magmotor hindi ko--" "Sinubukan!" pagputol ko sa sinasabi niya. "Tignan mo yung nangyari sa mukha mo sa gasgas mo sa katawan!. Bakit ka ba kasi nagmotor?!" hindi ko na kinaya ang pag-aalala ko kaya napa-iyak na lang ako. "Dapat di kana nagmotor kung--" bigla niya akong niyakap. "Sssh! Sorry na po, Ganda. Hindi ko na uulitin" yakap niya pa rin sa akin. Humikbi ako at patuloy pa rin na umiiyak, namiss ko siya ng sobra. Lalo na ang patawag niya sa akin ng 'Ganda'. "Tahan na" Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pingi ko. Tinignan ko siya at sobrang daming gasgas ng mukha niya. Nakahawak siya sa magkabilang braso ko habang nakangiti. "I really missed you, Ganda ko" hawak ng hinlalaki niya sa pisngi ko habang nakatingin sa mata ko. "Sorry, sa pag-iwas ko sa'yo. Sorry sa lahat, Maxine" tumulo na naman ang luha ko habang tumatango. Ako na mismo ang yumakap sa kanya ng mahipit at ganun rin naman siya sa akin. "Sobra miss na rin kita, Zion. Please? wag kanang umiwas sa akin. Okey lang na hindi na ako yung bestfriend mo basta, pakiusap lang wag mo na akong iwasan" "Hindi na, promise!. Ikaw lang ang bestfriend ko at mahal na mahal kita, Maxine" sabi niya. ===Elainah ME===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD