KABANATA 9:
NATIGILAN ako at parang may nararamdaman akong kakaibang pakiramdam ng sabihin niya sa akin. 'Ikaw lang ang bestfriend ko at mahal na mahal kita, Maxine'. Bumilis ang t***k ng puso ko at kaya humiwalay ako ng yakap sa kanya. Nakatitig siya sa akin kaya pinalo ko siya sa braso niya. "Pero iniwasan mo ako! I hate you, Zion!. Baliw ka!"
Ngumiwi siya. "Kahit may gasgas yang braso ko at masakit, sige suntukin mo ako"
"Sorry" hingi ko ng paumanhin sa mga gasgas niya sa braso. Biglang may nag-ring na cellphone at alam kong hindi yun sa akin.
"Si Mommy na yan" sabi niya at tinuro sa akin ang bag niya. "Paki-kuha please?" Kinuha ko ang bag niya at kinuha ko na rin ang cellphone niya. "Paki-sagot na rin" ngiti niya. Tinignan ko siya ng masama at pinindot ko na ang answer button.
"Hello!" sagot ko.
"Sino 'to?"
"Tita, si Maxine po ito" sagot ko.
"Akala ko iniiwasan ka ni--, well! Thanks God that you are there for Zion. Kamusta na siya?"
"Maayos na po siya, Tita. Gusto nyo po ba siyang kausapin, gising naman po siya" ngisi ko kay Zion na nilalakihan ako ng mata.
"Yes, please" inabot ko kay Zion ang cellphone niya.
"I'm okey, Mom" sabi niya. "Umiiling-iling siya habang nakikinig sa cellphone. Sigurado ako pinapagalitan na ito ng ina. "Mom!. Don't do that. Promise, hindi na ako magda-drive ng motor. Just don't do that, okey?" ikot ng mata niya. Napailing na lang ako at naupo.
"Ano na naman yun, Mom?. Kapag ikaw nagplano delikado ako" kamot niya. "Mom!. Yeah, I like her. Pero sigurado ka ba na gagawin mo 'yun para sa akin?" nakita ko ang mga ngiti ni Zion. 'Sino yung gusto niya?' Baka si Lucy dahil madalas silang magkasama ng mga nagdaang araw. Tyka mukhang kinuwento niya pa kay Tita yung taong gusto niya.
"Mom, ayokong nangengelam ka sa buhay ko pero gusto ko yang sinasabi mo" ngisi niya at tumingin sa akin. "Tawagan mo na siya, Mom" may pilyong ngiti si Zion habang nakatingin.
"Mom!. May priority pa kaming pareho, okey?. Gusto ko nang magpahinga, Mom. Salamat sa pagtawag"
'May priority silang pareho? Ibig bang sabihin 'nun, alam na ng taong gusto ni Zion, na may gusto si Zion dito?'. Parang may biglang tumusok sa dibdib ko na biglang kumirot. Napailing ako at nilibot ko ma lang ang paningin ko sa paligid.
"Love you too, Mom. Bye!" sabi ni Zion at inabot niya sa akin ang cellphone niya. "Take me a picture, gusto ni Mom na makita ang mga sugat ko"
"Mama's boy ka talaga" asar ko sa kanya at kinuha ko ang cellphone para kuhaan siya ng picture. Binalik ko na sa kanya at mukhang sine-send niya kay Tita ang picture niya. Nang ilapag niya ang picture ngumiti siyang nakatingin sa akin. "Magpahinga kana"
"Sige. Salamat nandito ka, ganda" umayos na siya makahiga. Inalalayan ko siyang humiga at inayos ko ang unan niya. Ang makahiga na siya, nakatingin pa rin siya sa akin. May nag-uudyok sa akin na magtanong sa babaeng nagugustuhan niya.
"Zion" tawag ko sa kanya at tinaas niya lang ang mga kilay niya. "Zion, magpahinga kana" sabi ko kahit hindi naman yun ang gusto kong sabihin.
"Sige, babantayan mo ba ako?"
"Oo, wala naman magbabantay sa'yo dito eh! Matulog kana nga" tumango naman siya at pumikit.
ILANG oras na akong nagbabantay kay Zion at agad na nag-ingay ang cellphone. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag si Tita Gabby ang may-ari ng apartment na tinutuluyan ko. "Hello po" sagot ko sa tawag.
"Hello, Max. Pwede mo bang ayusin yung isang kwarto sa tinutuluyan mo, may mag-uupa kasi doon"
"Po?. Paano po ako? Ang ibig ko pong sabihin--"
"Yung kwarto lang naman sa tinitirhan mo ang uukupahan niya, wag kang mag-alala mabait naman daw ang makakasama mo. Bukas na bukas rin ka daw ang lipat niya"
"Sige po, Tita. Aayusin ko po" napatingin ako sa oras ng cellphone ko. 6:45 PM.
"Salamat, Iha. Bye!" paalam niya. "Bye po"
"Sinong kausap mo?" tumingin ako kay Zion na nagtanong. "Si Tita, may pinapaayos siya sa akin, sorry hindi kita mababantayan" yuko ko.
"Pwede na naman daw akong lumabas, pwede bang doon muna akong makitulog sa apartment mo? Wala kasing mag-aalaga sa akin doon" he gave me a puppy eyes look. Huminga ako ng malalim at tumango. "Really? Ouch!" angal niya at humawak siya sa braso niya.
"Magdahan-dahan ka. Punta lang ako sa labas para maasikaso na yung paglabas mo" paalam ko at tumango naman siya.
BINUKSAN ko na ang pinto ng apartment at inalalayan ko si Zion na makapasok. Pinaupo ko muna siya sa sofa at pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. Nakita ko ang pinamili ko kanina at bigla kong naalala ng makita ko si Shawn. Napangiti ako at uminom, para biglang nawala ang pagod ko ng maalala ko si Shawn.
"Anong ngiti yan, Max?" napalingon ako sa pinangalingan ng boses. Nakatingin sa akin ng masama si Zion habang nakaupo sa sofa. Maliit lang naman ang tinitirhan ko kaya madaling magkakitaan. Nakaharap pa sa kinauupuan niya ang kusina kaya huling-huli talaga ako.
"Wala may naalala lang ako kanina. Tubig?" may ngiti pa rin sa mga labi ko habang papalapit sa kanya. Nilapag ko ang basong hawak ko at agad niya rin kinuha at ininom. "Bakit ang sama ng tingin mo?" tanong ko dahil ang talim ng tingin niya sa akin habang umiinom.
Malakas ang pagkakalapag niya ng baso kaya napangiwi ako. "Sinong nagpapasaya sa'yo ng hindi mo ako kasama?"
"Sila Alice at Ruby?. Social media?" sabi ko at nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ko si Shawn na ini-in-stalk ko. 'Hindi niya na dapat malaman pa yun'
"Yun lang?" paninigurado niya.
"O-Oo no?" nautal ko pang sagot. 'Sinungaling ka kasi'. "Tara na nga doon kana sa kwarto ko, maglilinis lang ako ng kwarto"
"Pero nagugutom na ako" parang batang reklamo nito. Kahit ako rin biglang nakaramdam ng gutom.
"Magluluto muna ako, dyan ka lang" tumango lang siya at bumalik sa kusina para makapag-luto.
Nang matapos akong magluto niyaya ko na agad siyang kumain para makapag-pahinga na rin siya. Magkaharapan kami habang kumakain kaya nakikita ko ang mga ngiti ni Zion. "Anong nangyayari sa'yo?" hindi ko napagilan ang sarili kong tanungin siya.
"Wala, masaya lang ako. Kain ka lang" turo niya sa pagkain ko at ngumiti. Kaya napailing na lang ako at kumain kahit naweweirduhan ako sa kanya.
"Bakit ka nga pala nag-aral magmotor?"
"Gusto ko lang matuto, para kapag natuto na ako isasakay sana kita kung magkabati na tayo"
"Hindi naman tayo nag-away diba? sabi mo nga kanina ikaw ang hindi namansin sa akin. Tyka ayoko rin na sumakay sa motor no, kaya wag kung matuto ka man magmotor... Ayokong sumakay"
"You don't trust me?"
"Hindi sa wala akong tiwala sa'yo ayoko lang talagang sumakay sa motor, tricycle pwede pa" sabi ko sabay subo ng kanin.
"May tiwala ka sa akin?"
"Oo, may tiwala ako sa'yo"
"Sabihin mo nga sa akin kung sino crush mo?" ngisi niya.
"Wala ko 'nun" pagsinungaling ko. Si Shawn ang crush pero syempre ayokong sabihin sa kanya. Baka asarin niya pa ako kay Shawn kapag bigla kaming magkita o pwede rin sabihin niya kay Shawn na crush ko ito.
"Kahit na gagwapuhan sa school wala kang nakikita" lapit niya sa mukha niya sa akin at medyo ikinailang ko.
"Oo na, gwapo kana. Wag mo nang ilapit yang mukha mo sa akin, pero sa ngayon panget ka sa paningin ko.Dami mong sugat sa mukha"
"Alam ko sa sarili kong gwapo ako kahit may mga bangas 'to no?"
"Yabang nito, panget ka pa rin sa paningin ko" nginisian lang niya ako at kumain.
TAPOS na kaming kumain ni Zion at pinagpahinga ko na siya sa kwarto ko kahit nagpupumilit siyang tulungan ako. Kaya pinapili ko siya, tutulungan niya ako pero sa dorm siya matutulog o sa dito sa matutulog at magpapahinga na siya. Pumunta agad siya sa kwarto ko at hindi na nagpumilit pang tumulong.
Alas nuebe na ng gabi at medyo konte lang naman ang lilinisin sa kwarto dahil wala naman nakalagay na gamit doon. Mga alikabok at konteng sapot ng gagamba dahil kapag wala akong ginagawa nililinis ko rin iyon. Pasalamat na lang at isang subject lang kami bukas at hapon pa dahil yung isang professor namin pupunta sa Manila. "Salamat, tapos rin" hilata ko sa may sopa para makapagpahinga. Kinuha ko ang cellphone at ang earphone ko para makinig sa boses ng taong nagpapa-relax sa akin.
Nagsisimula na si Shawn maggitara ng may napansin akong nakatingin sa akin at nang makita ko kung sino ang nasa frame ng pinto ng kwarto ko. "Sino yang tinitignan mo kanina ka pa nakangiti" sabi niya. Naglakad siya papalapit sa akin kaya agad ko naman sinapara ang cellphone ko gamit ang power button.
"Ayy! Namatay na yung cellphone. Tss!" arte ko. "Napapangiti lang ako sa mga kalokohan na post no?. Akala ko natutulog kana?"
Umiling siya at tumabi sakin. "Alam ko kasing may ginagawa ka pa kaya hindi ako makatulog. Tapos kana?" tango lang ang sagot ko. "Pumunta kana sa kwarto mo, dito nalang matutulog"
"Ako na lang dito, matulog kana na doon. Maglilinis lang muna ako ng katawan, kaya matulog kana doon" tayo ko.
"Doon kana sa kwarto mo, okey na ko" higa niya sa sopa at pumikit.
"Bahala ka, good night na" kaway ko at tumalikod na sa kanya. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at nilapag ang dala ko sa kama ng makapasok na ako. Kumuha ako ng damit at pumunta na sa banyo na nasa labas ng kwarto. Napansin ko rin na kailangan ayusin ang banyo dahil nakakahiya sa taong makakasama ko sa apartment, nakakahiya kay Tita Gabby kapag nangyari yun.
--
===Elainah ME===