KABANATA 10:
NANG magising ako agad akong lumabas ng kwarto para maghilamos at tignan si Zion kung kamusta na ang lagay nito. Napahinto ako sa tapat niya habang natutulog pa rin siya sa sofa na halatang pinagkasya niya ang sarili niya. Habang nakatingin ako sa mukha na kahit niyang maraming gasgas, makikita pa rin ang kagwapuhan niya. Na may makapal nakilay, may malalantik na pilik-mata, matangos na ilong at may manipis na medyo kissable na labi niya. Matangkad rin ito at para sa akin maganda rin ang pangangatawan niya bilang isang lalaki at hindi kalakihan yung katawan. Iyon ang sexy para sa akin sa lalaki. Gwapo rin ang ugali nito, mabait, makulit at masarap kasama. 'Anong ba pinag-iisip?'. Bakit bigla-bigla ko na lang inilalarawan ang taong nasa harap ko?. Napatakip ako ng bibig dahil kung anu-ano na lang ang tumatakbo sa utak ko.
"Tapos ka na bang sa pagpapantasya sa akin, Ganda?" pilyong ngiti niya habang nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at parang lahat ng dugo umakyat na sa ulo ko. Nag-iinit na rin ang pisngi ko na alam kong makikita niya ang pag-iiba ng kulay ng pisngi ko kaya tumalikod ako at pumunta sa lababo para maghilamos.
Narinig ko siyang tumawa habang pinapagalitan ko naman ang sarili ko sa ginawa ko. Naghilamos na ako at hindi ko pa rin maalis ang hiya ko kaya hindi ako makalapit sa kanya.
"Ganda!" tawag niya sa akin. Huminga ako ng malalim at agad na lumapit sa kanya. Kita ko sa labi niya na may sinusupil siyang ngiti habang nakatingin sa akin. "Ano?!"
"Good morning, Ganda ko" ngiti niya.
"Walang good sa morning!"
"Wag mainit ulo, Ganda. Ang aga-aga eh!" sabi niya habang nakangiti. Bigla naman may kumatok sa pintuan kaya agad ko siyang iniwan. Nang buksan ko ang pinto, namangha ako sa nakikita kong tao sa harap ko. Mukha siyang isang model na nakikita ko sa mga mall. Gwapo, makinis ang mukha at wala akong makitang pores sa mukha niya. Matangos ang ilong maganda ang mata na kulay hazel brown at manipis ang labi. Matangkad at moreno na naging mas gwapo para sa akin.
"Hello, ako nga pala si Sean. Ikaw ba si Maxine?" tanong niya at tumango lang ako. Lalaking-lalaki rin ang boses niya.
Napatingin ako sa dala niyang maleta at nanlaki ang mata ko. "Ikaw ba ang titira dito?" tanong ko.
"Sinong kausap--Sean?. Anong ginagawa mo dito?"
"Magkakilala kayo?" tanong ko.
"Pinsan ko s'ya" sagot ni Sean. "Hindi ako titira dito, siya" turo nito kay Zion na nasa likod ko.
"Ha?" takhang tanong ko at tumingin kay Zion. "Ikaw?" turo ko sa kanya.
"Disappointed, Ganda?" tanong niya at tumingin kay Sean nasa tingin ko tinapunan niya ng masamang tingin. "Bakit ikaw kasi ang nagdala ng gamit ko?"
"Pasok ka at maupo ka muna" sabi ko.
"Kinausapan ako ni Tita, bago ako umalis papuntang Siargao tulungan muna daw kita sa paglilipat mo. Tyka, lutuan ko daw kayo ng pagkain. Okey lang ba na makialam ako sa kusina mo?" tingin sa akin ni Sean at tumango lang ako. Seryoso lang ang mukha ni Sean at hindi alintana ang tingin ni Zion sa kanya ng masama. Naglakad ito papuntang kusina at nilapag ang dala niyang plastic. "Dito rin muna ako ng isang araw, aayusin ko yung kwarto mo"
"Bakit ikaw ang mag-aayos?" tanong ni Zion.
"Bakit kaya mo?. Sabi ni Tita tulungan kita, bakit gusto mong ipagawa kay Maxine?" lingon nito sa amin at tumingin pa sa akin. Yung mga tingin niya para nakakatunaw kaya mabilis ako umiwas ng tingin.
"Pwede naman akong kumuha ng mag-aayos, bakit ikaw pa inutusan ni Mom?" alam na alam kong iretado na si Zion pero hinayaan ko lang siya.
"Itanong mo kay Tita" upo nito sa sofa. "Pwede mo ba akong tulungan sa paghihiwa?"
"Masugat ako--"
"Maxine? Ako nga pala si Sean" abot nito sa kamay niya sa akin. "Maxine--Zion!" nakangiting inabot ko ang kamay ko pero hinablot ni Zion palayo ang kamay niya kaya tinignan ko siya ng masama.
Tumayo na kami ni Sean at para ayusin ang mga dala niya. "s**t!. Hindi na nakakatawa yang ginagawa mo, Sean!"
"Ano bang ginagawa kong masama sa'yong, Bro? Ipagluluto pa nga kita, diba Maxine?" ngiti ni Sean.
"Oo nga naman, Zion. Buti nga tutulungan ka ni Sean na mag-ayos ng kwarto mo, tyka bakit hindi mo sa akin sinabi na ikaw pala ang magre-rent dito"
"Ngayong ko lang nalaman" iwas niya ng tingin at naglakad papunta sa sofa.
"Sinungaling!" sabi ni Sean at tumawa lang ako habang tinitignan ang nakabusangot na mukha ni Zion. "May boyfriend kana ba, Maxine?"
"Wala pa" simpleng sagot ko at sabay sulpot naman ni Zion sa likod ko.
"Bakit ka nagtatanong sa kanya ng ganyan? Gusto mo siyang ligawan?"
"Manahimik ka nga, Zion!. Nagtatanong lang yung tao ang OA mo"
"Subukan mo lang, Sean. Nabubwisit na talaga ako sa'yo!"
"Chill!. Hindi ko aagawin" ngiti ni Sean na ikinanganga ko. Ang gwapo niya talaga kaso. 'Ang harot!'. "Walang nanliligaw sa'yo?"
"Wala rin" sagot ko.
"Bakit maganda ka naman ha? Siguro may hinihintay ka no?" sabi nito.
"Ha? Wala no?. May priority lang talaga ako, gusto kong makatulong muna sa nanay ko" sabi ko habang hinihugasan yung mga dala niya sa lababo.
"Paano kung manligaw sa'yo si Zion?, sigurado ako, hindi mo s'ya sasagutin" natawa lang ako sa sinabi niya. Halatang-halata na talaga na inaasar niya si Zion dahil nanlilisik na ang mata nito sa galit habang nakatingin sa pinsan nito.
"Tama ka, kasi mag-bestfriend kami... Tyka hindi ang katulad ko ang type n'ya, diba Zion?" tingin ko sa kanya at nakatingin lang siya sa akin. Kita ko ang ngiti sa labi niya pero kapansin-pansin ang may lungkot sa mga mata niya. Bumalik na siya sa sofa at kapansin-pansin ang biglang pagtamblay niya. Nakita ko ang pag-iling ni Sean at nagsimula nang magluto para sa agahan naming tatlo.
MABILIS naayos ang gagamiting kwarto ni Zion dahil na rin sa tulong ni Sean at nang dalawang tauhan na pinapunta ng ina ni Zion. Buti na lang rin nagtext sa akin si Alice na wala na kaming klase dahil umalis rin ang Professor namin sa isang subject na lang na araw na yun, kaya nakatulong rin ako kay Sean kahit papaano.
Habang nagpapahinga kami, marami kaming pinagkwentuhan namin ni Sean at tungkol yun kay Zion na puro kalokohan. Magaang siyang kausap at magdaling makabiruan, mukha lang pala siyang masungit. Habang nagku-kwentuhan kami si Zion, tahimik lang na nakatingin sa amin at mas madalas sa akin. Ilang beses niya rin pinagtatabuyan si Sean na umalis pero tinitignan ko siya ng masama at agad rin naman tumitigil.
"Mag-grocery tayo, Max" aya ni Sean habang nakaupo kami sa sofa. "Sinabi kasi ni Tita na ipag-grocery ko si Zion, samahan mo ako"
"Sama ako" taas kamay ni Zion.
"Hindi pwede, dito ka lang. Ako na ang sasama kay Sean, baka ma-impeksyon pa yang sugat mo" sabi ko at tumayo sa sofa. "Wait lang magbibihis lang ako" ngiti ko kay Sean. Nang lumingon ako kay Zion masama ang tingin niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Wag na kayong mag-grocery, marami pa naman pagkain dyan. Tatlo lang naman tayo dito, at aalis ka rin naman bukas. Ako na lang ang mag-grocery tutal ako naman ang kakain ng bibilin nyo, marami akong ayaw na kainin. Magpapahinga na ako" tayo ni Zion at pumunta sa kwarto niya. Nagkatinginan kami ni Sean at ngumiti--ngumisi lang siya.
"Sige, kayo na lang ang mamili. Ito yung pera--"
"Sa kanya mo ibigay yan, ayokong humawak niyan" lumapit siya sa akin. Hinawakan ang kamay ko at nilapag sa kamay ko ang brown na sobre. "Aalis ako ng maaga bukas, ikaw na ang magbigay"
"Kakain pa naman tayo ng hapunan, ikaw na"
"Please?. Samahan mo na rin siya sa pamimili baka puro beer bilhin ng isang 'yun." huminga ako ng malalim at kinuha ang sobre. "Thanks, magluluto na ako ng hapunan natin"
"Sige, maliligo na ako. Ikaw na bahala dyan" ngiti ko sa kanya at tumango naman siya habang nakangiti. 'Ang gwapo!'. Naglakad na ako papunta sa kwarto at nilingon ko ang kwarto ni Zion na nasa harap lang ng kwarto ko. Nagkibit-balikan lang ako at pumasok sa kwarto, nilagay ko sa drawer yung sobre na binigay ni Sean. Kinuha ko na yung mga gagamitim ko sa paliligo at lumabas sa kwarto ko patungo ng banyo.
Habang kumakain kami tatlo, tahimik pa rin si Zion at halatang nahihirapan siyang kumain dahil sa sugat sa braso niya. "Kanin ba?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya. Lumapit ako ng konte sa kanya at nilagyan siya ng kanin pati na rin ng ulam. "Kumain ka, tapos inumin mo yung gamot mo" umayos ako ng upo. Nakita ko ang ngisi ni Sean na agad rin yumuko ng tumingin sa akin. Binalik ko ang tingin ko kay Zion at kita ko ang pamumula ng mukha niya kaya lumapit ako sa kanya para hawakan ang noo niya.
"Masama ba pakiram--" Hinawi niya ang kamay ko kaya medyo nagulat ako. "Ayos lang ako, kumain kana" medyo nag-init ang pisngi ko dahil para akong napahiya. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at kinuha ang gamot ni Zion. Inabot ko sa kanya. "Ako ang maghuhugas ng pingan, iwan nyo na lang dyan sa kwarto muna ako" nagmartya na ako papunta sa kwarto ko.
===Elainah M.E===