Chapter 13

892 Words
Simula ng may nangyari ulit sa kanila ng binata ay naging mas sweet ito sa dalaga. Kung minsan ay sinusundo pa sya sa apartment upang sabay silang pumasok kung minsan naman ay nagpapaorder ito ng lunch nilang dalawa at sabay din silang kumakain. Hindi na tuloy maintindihan ng dalaga kung anong meron sa kanilang dalawa ng boss. Hindi naman ito nagpapahayag ng panliligaw sa kanya. Ayaw naman nyang pangunahan na may relasyon na ba sila. Hindi na lamang nya pinansin kung anong nangyayari sa pagitan nilang dalawa ng boss. Baka kasi makasira pa sa kanyang trabaho kailangan pa naman nya ng pagkakakitaan para sa pamilya na nasa probinsya. Kasalukuyan silang nasa canteen at nagmemeryenda ng kasamahang si Clare. “Alam mo ba simula ng ikaw ang naging sekretarya ni boss ay ang laki na ng pinagbago ni boss?” ani Clare “Talaga, bakit mo naman nasabi yan?" hindi makapaniwalang komento ng dalaga. Simula kasi ng magtrabaho siya sa kompanya ay wala naman syang kakaibang nakikitang inuugaling masama ng binata maliban sa pagiging moody nito paminsan minsan. Madalas nga itong nakangiti kapag magkausap sila. “Naku! Alam mo ba na hindi marunong ngumiti yan si boss parang kasalanan sa kanya kapag ngumiti sya. Wala rin araw na hindi yan nagagalit kahit maliit na pagkakamali ay hindi nya pinapalagpas. Napaka istrikto rin nyan sa oras ayaw ng meron nalalate Nakita mo naman na maaga kaming pumapasok kapag naunahan ka ni boss sigurado HR ka na agad.” Pagkwekwento pa nito sa dalaga. “Pero napapansin naming na madalas kayong magkasabay pumasok ni boss hindi ba talaga kayo na ni boss? usisa pa nito. Sasagutin na sana ni Sophia ang kaopisina ng biglang.. mayroon tumikhim sa tapat ng mesa nilag dalawa. “Eheem” ‘BOSS!” gulat at sabay pa nilang sabi. “Are you finish your meal?” tanong ng boss nila. “Yes sir! Sorry sir akala ko hindi pa matatapos ang meeting nyo kaya bumababa muna ako para magmeryenda.” Mahababg paliwanag ng dalaga. “It’s okay, nagugutom rin kasi ako wala ka sa table mo kaya nagpunta ako dito ba kasi nandito ka.” “Sir upo po kayo” alok ni Clare sabay tayo at paalam na din na mauuna ng bumalik sa opisina. “Sir ano pong gusto nyo ioorder ko na po kyo.” Tanong nito sa boss “Tara sa labas merong bagong bukas na restaurant dyan sa tapat.” Pag-aaya ng binata sa kanya. Tumayo ito at hinawakan ang kanyang kamay para hatakin sya palabas ng canteen. Hiyang hiya sya sa ginawi ng boss dahil sa marami ang nakakakita sa kanila ng boss dahil oras yun ng kainan at maraming empleyado ngayon na nasa canteen. Parang wala namang pakialam ang kanyang boss kung merong makakita sa kanila. Nakabalik na ulit sila sa opisina at nag-uumpina na ulit magtrabaho ang dalaga ng may dumating na isang napakagandang babae na animo ay isang diyosa sa kagandahan. Nang tumapat sa kanyang kinauupuan ang dalaga ay pinigilan nya ito sa pagpasok sa opisina ng boss. “Excuse me Ma’m,” pagtawag pansin nya sa babae. “Do you have an appointment with Mr. Lopez?” tanong ni Sophia sa kausap. Lumingon sa kanya ang dalaga at nagtaas pa ito ng kilay bago siya sagutin nito. “I did not know na kailangan ko na ngayon humingi ng appointment kapag makikipagkita ako sa husband ko.” Mataray na sagot nito kay Sophia. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga sa narinig na sagot ng babae sa kanya. Halos hindi sya makagalaw at makapagsalita sa kinatatayuan. Parang naging matigas na yelo ang kanyang buong katawan. “H-Husband?” pag-uulit nya sa salitang husband, “Yes! he is my husband. Kung sabagay ay mukhang bago ka pa lang dito at hindi mo pa ako kilala.” Inis na sabi pa nito. “Sorry! Ma’m, sige po pasok na po kayo sa loob. Pasensya na po.” Paghingi pa nito ng paumanhin sa asawa ng boss. Nanghihina siyang napaupo sa kanyang silya ng makapasok na ang nagpakilalang asawa ng boss. Nabigla pa siya ng nasa harapan na nya si Clare. “Na meet mo na pala ang mataray at maarteng asawa ni boss? Akala mo kung sino asawa lang naman.” inis na chimis nito sa kanya. “Hndi ko alam na sya pala ang asawa ni boss hindi ko sana pinigilan na pumasok.” Malungkot na sabi ng dalaga. “Matagal ng hindi nagpupunta yan dito ang balita naming ay nasa abroad yan.” Chika pa nito. Nagulat silang dalawa ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ng boss. Nagtatakbong bumalik si Clare sa kanyang upuan. Lumabas doon ang boss at ang asawa nito na nakahawak pa sa braso ng binata. Napatingin naman ang dalaga sa dalawa. “Cancel all my appointment today.” Walang emosyong utos nito sa sekretarya. “Yes sir.” Tanging nasagot na lamang niya. Nang makaalis na ang boss ay hindi na rin sya nakapagtrabaho pa ulit. Kung ano ano kasi ang pumapasok sa kanyang isipan. Naiinis sya sa sarili kung bakit hindi nya inalam kung ano ang istado ng boss nya at kung bakit sya pumayag ulit na merong mangyari sa kanila. At pinayagan pa nya itong maging malapit sa kanya. Nagdesisyon syang mula bukas ay iiwasan na nya na mapalapit sa boss at trabaho na lang ang maglalapit sa kanila. Hindi na hinintay ng dalaga ang oras ng uwian. Nagpasya syang umuwi ng maaga dahil sa biglaang pagsama ng kanyang pakiramdam. Hindi na rin naman sya makapagtrabaho dahil sa magulo nyang pag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD