Nagising si Sophia na nasa malambot at mabangong kama. Hinimas himas pa nito ang ibabaw ng kama at inamoy amoy pa. Natigilan sya at nagmulat ng mata ng maramdaman nyang hindi ang kanyang silid at kama ang kanyang tinulogan. Napabalikwas sya at tinignan ang silid. Bigla niyang naalala ang nagyari sa kanilang dalawa ng boss kaya hindi sya nakauwi ng kanyang apartment. Tatayo na sya ng maramdaman nya ang p*******t ng buong katawan. Napangiti na lang sya ng maalala kung paano sya paulit ulit angkinin ng binata na naging dahilan ng p*******t ng kanyang katawan at ng nasa pagitan ng kanyang binti. Hindi na nya alam kung ilang beses syang inangkin nito ang alam nya ay nakatulog na lang sya sa sobrang pagod. Hindi nya inakala na ganoon katindi ang resistensya ng binata pagdating sa pakikipagtalik dahil noong unang may nangyari sa kanila ay isang beses lang sya inangkin nito.
Hinanap ni Sophia ang kanyang mga damit upang makapagbihis ngunit hindi nya ito makita. Kaya ang sinuot na lamang nya ay ang nakitang polo ng binata at panty nya na nakatapon sa carpeted na sahig.
Lumabas ang dalaga upang hanapin ang boss dahil hindi na nya nakita ito sa silid. Magpapaalam na sya rito para umuwi para makapagayos papasok ng opisina. Nakaamoy sya ng napakabangong nilulutong pagkain kaya pinuntahan nya ang kitchen. Nasisigurado nyang nandoon ang binata at nagluluto. Papasok na sya sa kitchen ng mapahinto sya ng makita ang binata. Nagluluto ito at tanging boxer short at apron lang ang suot nito. Pasipol sipol pa ito habang nagluluto. Hindi nya maiwasan na pagmasdan ito kahit na nakatalikod ito ay makikita ang kakisigan nito. Bigla nyang naalala ang matigas na dibdib nito ang mga barasong yumayakap sa kanya. Nagulat na lang sya ng may biglang magsalita.
“Are you done staring at me babe?” nakangiting tukso ng binata.
Pinamulahan ng mukha ang dalaga dahil sa nahuli sya ng binata na nakatulalang nakatingin dito. Nag-iwas na lamang sya ng tingin dito.
“Good Morning Babe.” Sabay halik sa noo ng dalaga.
Tinignan ng binata ang dalaga mula ulo hanggang paa nito. Nang mapansin ng dalaga ang pagtingin nito sa kanya ay naiisip nya na dahil sa suot na polo nito. Baka nagalit ito dahil sinuot nya.
“Sorry, hindi ko kasi makita yung mga damit ko kaya sinuot ko ‘tong polo mo.” Nahihiyang paumanhin nya sa binata.
“No, it’s okay. You look hot in my shirt kaya hindi ko maiwasan tignan ka.” Nakangiting sabi nito. At bigla siyang niyakap ng binata.
“breakfast is ready. Kain na tayo baka hindi ako makapagpigil ikaw ang makain ko.” Nakakalokong turan ng binata.
Dahil sa sinabi ng binata ay muli na naman pinamulahan ng mukha ang dalaga. Bago pa sya humiwalay sa pakakayakap ng binata ay kinurot muna nya ito sa tagiliran.
“Ouch! Masakit ha!” daing ng binata.
“p*****t!”
Habang kumakain ay nagpaalam ang dalaga na uuwi muna upang magpalit ng damit.
“Terrence, malalate lang ako ng pasok uuwi muna ako para makapagpalit ng damit.”
“No lets go together, I will take you in your house and wait for you.”
“ Hindi na, mauna ka na sa office maabala ka pa baka merong mga importanteng kailangan kang pirmahan o approval mo.” pagdadahilan ng dalaga sa boss.
“They can wait. I will take you in your house it final. Okay.”
Hindi na nakipagtalo pa ang dalaga sa sinabi ng boss. Alam nyang kapag sinabi na nito ay hindi na mababago kaya pumayag na lang siya.
Nagulat pa ang dalaga ng pagbukas nya ng pinto ng apartment ay makita ang kaibigan na nag-aalmusal pa lamang. Ang akala nya ay natutulog na ito. Dahil pagkagaling nito sa club na pinapasukan ay agad itong natutulog.
Gulat pang tinanong ni Zoila ang kaibigan.
“Ngayon ka lang umuwi? Ngunit ng makita ni Zoila ang nasa likuran ng dalaga ay napangiti na lang sya at tumahimik na lamang alam na kasi nya kung bakit ito ngayon lang umuwi.
Hindi naman nakasagot ang dalaga sa tanong ng kaibigan dahil hindi nya alam ang isasagot at nahihiya sya. Tuloy tuloy lang siya sa pagpasok ng bahay. Pinaupo muna nya ang boss sa salas.
“Upo ka muna. Sandali lang ako.” Sabi nya sa boss. At nagmamadaling nagtungo sa kanyang silid upang mg-ayos ng sarili.
Inalok nama ni Zoila ang boss ng dalaga ng maiinom.
“Coffee Juice or water?”
“No thanks! We already finished our breakfast.” Pagtanggi ng binata.
“Hintayin mo na lang sya sandali lang yun. But if you want pwede mo rin naman sundan sa taas.” Nakangiti at makahulugang sabi ni Zoila.
“No, baka lalong magtagal kapag sinundan ko pa.” Nakatawang sabi naman ng binata.
Nagtawanan na lang ang dalawa sa pag-uusap nila.
Nang makababa na ang dalaga ay binulungan pa sya ng kaibigan bago sila lumabas ng bahay ang boss.
“Girl! Parang madami ka ng kwentong utang sakin.” Makahulugan sabi nito at tumawa pa.
Mabuti na lang pagdating nila sa opisina ay wala ng empleyado na naghihintay sa harap ng elevator malamang na pagtitinginan na naman sila at machichismis. Nagpunta sila sa VIP elevator at doon sumakay. Pagkasara pa lang ng lift ay nagulat na lang ang dalaga ng biglang hapitin ang kanyang bewang ng binata halos magkayakap na sila tuloy dito. Kanina pa ito sa kotse habang papasok pa lang sila ay hindi binibitawan ng binata ang kanyang kamay habang nagmamaneho ito.
Biglang tumunog ang elevator hudyat ng paghinto nito at may sasakay dahil wala pa naman sila sa floor ng kanilang opisina. Ang pagkakaalam nya ay mga boss at VIP lang ang pwedeng sumakay dito. Nagulat siya ng makita ang VP na kaibigan ng boss. Nakangisi ito ng makita sila ng boss na nakapulupot sa kanyang bewang ang kamay nito. Akmang lalayo siya sa binata pero lalo siyang hinawakan ng binata wala ng nagawa ang dalaga kung hindi manatili na lang sa tabi ng boss.
“Where are you going?” walang emosyon na tanong ng binata sa kaibigan.
“At your office, kanina pa ako tumatawag walang sumasagot sa phone nyo. I have something to discuss with you. Kaya pala wala pa kayo. Tuloy tuloy na sabi nito.
Where have you been?” tanong pa nito
“None of your business!” seryosong sagot nito.
Napatawa na lang ang kaibigan dahil sa sagot nito sa kanya.
Nang makarating na sa floor kung nasaan ang kanilang opisina ay hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa kanya ng binata. Tinangka nyang iwaksi ang kamay ng binata ngunit ayaw itong bitawan. Kaya tinawag na lang nya ito at nakiusap upang bitawan sya. Marami na kasing makakakita sa kanilang mga empleyado at ayaw naman nyang magkaroon ng hindi magandang masasabi sa kanya ang ibang empleyado doon.
“Terrence, please”
Saka lang tinanggal ng binata ang pagkakahawak sa kanya.
“We will talk later babe.” Babulong na sabi ng binata bago siya maiwan sa kanyang pwesto.
At tuluyan ng pumasok sa opisina ang boss kasama ang kaibigan.
Dahil sa narinig na pagtawag ni Terrence sa sekretarya ay tinawag din ng kaibigan na babe ito.
“See you later BABE!” may diin at mapang-asar na sabi ng kaibigan at talagang pinarinig pa sa kaibigan dahil medyo malakas ang pagkakasabi nito.
“MARK!” bulyaw ni Terrence sa kaibigan.
Tatawa tawa lang si Mark sa naging reaksyon ng kaibigan sa kanya.