Chapter 16

2095 Words
Nagising ang dalaga na wala ang binata sa kanyang tabi. Kung sabagay ay hindi niya rin alam kung katabi nga niya ito matulog dahil pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi ay agad siyang nakatulog. Nagpasiya na siyang lumabas ng kanyang silid, ngunit nag-ayos muna siya ng kanyang sarili dahil ang suot niya lang ay ang t-shirt ng binata. Binihisan pa pala siya nito hindi na kasi niya alam ang mga nangyari pa. Paglabas niya ng silid ay agad niyang tinungo ang sala kung saan natulog ang binata upang tignan kung natutulog pa ito. Ngunit wala na doon ang binata maayos narin ang sala at walang bakas ng pinagtulugan, lumabas din sya upang tignan doon ang binata pinuntahan din niya ang sasakyan nito na nakaparada sa tapat ng kanilang bakuran, ngunit wala rin ang binata roon. Nagpasya na lamang siyang pumasok ulit sa kanilang bahay. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay nakarinig siya ng mga kaluskos sa bandang kusina kaya minabuti niyang pumunta duon nagbakasakaling ang binata ang nanduon. Ngunit ang kanyang ina ang nadatnan sa kusina. “O anak gising ka na pala? Kamusta naman ang pagtulog mo? Mukhang hindi ka kaagad nakatulog kagabi nakakarinig kasi kami ng mga kaluskos sa silid mo. Ano bang ginagawa mo pa kagabi anak?” walang patid na tanong ng ina sa kanya. Hindi malaman ng dalaga kung anong isasagot sa ina, naririnig pala sila nito. “Aaa nanibago lang po ako nay, kaya hindi po ako nakatulog agad, pero nakapagpahinga naman po ako ng mabuti.” maikling sagot niya sa ina. “Nay, nasaan po si Ter… si boss?” tanong ng dalaga sa ina. “Ay ayun sumama sa tatay mon a mangisda.” “Naku! bakit niyo pinayagan sumama, hindi naman po yun sanay sa pangingisda, baka kung mapano yun dun.” nag-aalalang sabi ng dalaga. “Nagpupumilit sumama sa tatay mo gusto daw maexpirence ang pangingisda kaya ayun sinama na rin ng ama mo. Wag ka ng mag-alala baka pauwi na rin naman yun.” Wala ng magawa ang dalaga kung hindi hintayin ang pag-uwi ng tatay at ng boss. Tumulong na lamang siya sa ina na naghahanda ng kanilang agahan. Maya-maya ay narinig na niya ang pagsigaw ng nakababatang kapatid. “Ate! parating na sila tatay.” sigaw ng kapatid mula sa labas. Agad agad naman siyang nagtungo sa may pintuan ng bahay upang makita kung parating na nga ba ang mga ito. Natulala pa siya ng makita ang binata sa ayos. Naka rift maong jeans ito at walang pang-itaas na damit, pawis na pawis din ito at may daladalang dalawang timba sa magkabilang kamay. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang napakagandang katawan nito, ilang beses na rin naman niya itong nakita kapag may nangyayari sa kanila ngunit hindi parin niya maiwasan tignan ito. Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam dahil sa naiisip. Pumasok agad ang dalaga upang kumuha ng tuwalya upang ipamunas ng binata sa pawisang katawan. “Tay, bakit niyo po sinama ang boss ko? hindi namn po sanay yan sa ganyang gawain.” may pag-aalala at inis na tanong ng dalaga sa ama. “Ay naku anak hindi ko nga aakalaing taga Maynila at anak mayaman itong boss mo, hindi ko na tinuruan kung paano mag-itsa ng lambat sa dagat. Kaya ayun napakarami naming nahuling isda at Malaki-laki rin ang kinita ko ngayon. At mukha naman na nag enjoy itong boss mo, hindi bai ho?” pagmamalaking kwento ng ama. “Opo tay, best experience” sagot at pagmamalaki ng binata. Wala ng nagawa pa si Sophia sa sagot ng boss nag enjoy naman pala ito. Pero ng maalala ang itsura ng boss na walang pang-itaas na damit ay bigla niya itong tinigna lalo na sa parteng balikat nito. Nangangamba siya na may makakita ng marka ng kagat niya rito kagabi. Nahalata naman ng binata ang pagtingin ng dalaga sa kanyang balikat. “Wag kang mag-alala tinakpan ko ng t-shirt ko, masakit nga lang medyo malalim ang sugat, pero okay lang masarap naman.” pabulong at pilyong sabi nito sa dalaga. “Gusto mo yan e, kasalanan mo kaya ka may sugat.” sagot ng dalaga at pinaikutan pa niya ito ng mata. Tatawa tawa naman ang binata dahil sa reaksyon ng dalaga sa sinabi niya. Inabot naman ng dalaga ang tuwalyang kinuha para sa binata. “O ayan maligo ka na para makapag breakfast na tayo.” na aasar na turan ng dalaga. sabay abot sa tuwalya. Sabay sabay silang nag-agahan ng pamilya at ng binata ng matapos na itong maligo at makapag-ayos ng sarili. “Tay? anong oras po tayo pupunta sa bayan?” tanong ng binata sa ama ng dalaga habang kumakain. “Ay kung gusto mo pagtapos nating kumain ay magtungo na tayo sa bayan ng hindi pa mainit.” sagot naman ng ama ng dalaga. Nagkunoot noo ang dalaga sa pinag-uusapan ng ama at ng binata. wala kasi siyang alam na may balak na magpunta ang mga ito sa bayan. “Bakit kayo pupunta sa bayan? Anong gagawin niyo dun?” nagkasunod na tanong ng dalaga. “Bibili ng feeds at patuka sa bayan si tatay, sasamahan ko na para merong sasakyan.” sagot ng binata sa dalaga. “Tay, hindi po pwede marurumihan po yung sasakyan ng boss ko hindi po yun panghakot ng mga patuka at feed.” pagpapaliwanag ng dalaga sa ama. “No, it’s okay Beb--- Sophia. Pwede naman ipa-carwash kapag nadumihan. sayang din naman kung aarkila pa si tatay kaunti lang din naman ang bibilin kasya na yun sa likod. at saka gusto ko rin makapasyal sa bayan.” pagpapaliwanag ng binata. “ O yun naman pala, okay naman pala sa boss mo. Bakit hindi na lang sumama ka sa amin ng makapamasyal ka na rin at baka meron ka ring nais na bilihin.” pagyaya pa ng tatay niya sa kanya. “Kuya, pwede po ba akong sumama?” tanong ng bunsong kapatid sa boss nya. “Oo naman, kasyang kasya kayo sa sasakyan kahit pati pa si nanay pwedeng sumama.” sagot ng binata sa bunsong kapatid ng dalaga. tumingin pa ang binata sa dalaga sabay kindat. Wala ng nagawa pa ang dalaga kung hindi sumama sa mga ito sa bayan, baka kasi kung ano pang gawin ng binata doon. Naglibot libot sila sa bayan at namili na rin ng pwedeng ipasalubong sa kaibigang si Zoila at mga kaopisina ang dalaga. “Ate, pwede mo ba akong bilihan nito?” “Get it, I’ll pay, if you want get the big one bunso.” sabi ng binata. Ngunit pinigilan siya ang dalaga sa pagbabayad at kinausap ang bunsong kapatid. Ayaw kasi ng dalaga na gumastos ang binata para sa pamilya. “Terrence, ako na ang magbabayad at saka yung gusto na lang niya kanina, ayoko kasi siyang masanay sa mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanila. I hope you understand.” “Yaah, I understand.” nakangiting sagot nito sa dalaga. “Pero kain muna tayo bago tayo umuwi, nagugutom na kasi ako, and this time ako ang taya. wag ka ng tumangi babe.” “Okay, tawagin ko lang sila tatay” sagot ng dalaga. Habang kumakain sila sa isang fastfood merong biglang lumapit sa kanilang isang babae. “Sophia my friend? ikaw na ba yan? ang ganda mo, I mean mas lalo kang gumanda. Kelan ka pa dumating?” sabi nito at napatingin pa sa nakatabing boss niya. “Ella! long time no see friend. Noong isang araw lang ako dumating, dinalaw ko lang sila tatay simula kasi ng maospital si tatay ngayon lang ako nakauwi, medyo busy kasi.” sagot ng dalaga sa kaibigan.” “Ganoon ba, e sino naman yang katabi mo?” sabay nguso sa katabi niyang boss. “Jowa mo?” Tumingin mo na si Sophia sa katabing boss bago ito sumagot sa kaibigan. “ ahhh, hindi boss ko sa Manila.” “Sir, friend ko dito si Ella.” Inilahad naman ng binata ang kanyang kamay para makipagkamay dito. “Hi! I’m Terrence, Sophia’s boss” pagpapakilala pa nito. Kinamayan naman ng kaibigan ni Sophia ang boss nito. Napansin ng dalaga ang malalagkit na pagtitig ng kaibigan sa boss niya. Nang hindi agad bitawan ng kaibigan ang kamay ng boss ay tumikhim ang dalaga upang makaagaw ng pansin sa dalawa. “Siya nga pala Sophia birthday ni nanay ngayon punta kayo ng boss mo. paniguradong matutuwa si nanay kapag nakita ka. Alam mo naman yun para ka na rin anak nun.” pag-iimbita ng kaibigan “Sige tanungin ko kung gusto niyang sumama, kapag hindi ak… “We will go, both of us.” putol ng binata sa sasabihin ni Sophia. Wala ng nagawa pa ang dalaga kung hindi isama ang boss sa birthday party ng nanay ng kaibigan. Ayaw na sana niyang isama ito dahil nakakahiya naman dito na kung saan saan pa niya ito isinasama. Naging agaw pansin pa ang kanilang pagdating sa bahay ng kaibigan dahil sa dala pa nila ang sasakyan ng boss kahit na malapit lang naman ang kanilang pupuntahan. Ayaw kasi nitong iwan na lang ang sasakyan at maglakad na lang sila. Mapapagod lang daw ang dalaga kung maglalakad gayoong meron naman daw sasakyan bakit pa sila maglalakad. Hindi na nakipagtalo pa ang dalaga dahil alam naman niyang hindi siya mananalo, kaya sa huli pumayag na rin ang dalaga na dalahin ang sasakyan ng boss. Hindi pa sila nakakababa ng sasakyan ay sinalubong na sila ng kaibigang si Ella. Nagmamadali naming bumaba ng sasakyan ang boss ni Sophia upang pagbuksan at alalayan siya nito. Hinila na agad ng kaibigan ang kanyang boss papasok sa bakuran ng kaibigan, ni hindi man lang siya pinansin nito. Hatak hatak sa isang kamay ang boss niya habang ipinakikilala sa mga bisita animo na parang siya ang kaclose ng binata. Pagkatapos bumati ni Sophia sa nanay ng kaibigay ay pinaupo sila sa isang bakanteng lames ana nakalaan para sa kanila. Hindi na rin pinansin ni Sophia ang boss dahil parang kinalimutan na siya nito at parang nag eenjoy sa pakikipagkwentuhan sa iba, lalong lalo na sa kaibigang si Ella. Naiinis man siya ay wala siyang magawa, itinuon na lang niya ang pansin sa mga nagkakantahan sa videoke. Pero makakakitaan mo pa rin ng pagkainis ang mukha ng dalaga. Napansin ng binata ang pagtahimik nito at ang lukot na mukha nito. Kaya nilapitan niya ito at kinausap kung bakit ganoon ang itsura nito. “Are you jealous babe?” pilyong bulong nito sa dalaga. Lumayo pa ng konti ang dalaga at tinignan ang binata bago sinagot, “Bakit naman ako magseselos? Pagod lang ako kaya wala ako sa mood.” sagot ng dalaga sabay taas ng isang kilay. “You are, kanina mo pa ako hindi pinapansin at kinakausap.” giit ng binata. “Paano kita kakausapin e nag eenjoy ka sa pakikipag har… kwentuhan sa mga babae dyan” pagtataray pa nito sa binata. “Nagseselos ka nga, hindi ako nakikipagharutan sa kanila, syempre nakikipag-usap sila sakin alangan naman hindi ko sila pansin, baka sabihin naman nila napakasuplado ko naman.” “hindi ba? suplado ka naman talaga ha. pero dito para kang nangangampanya lahat gusto mong kamayan.” Dahil sa pagmumukmok ng dalaga ay inilapit na ng binata ang inuupuang silya sa dalaga ay walang sabing hinapit ng binata ang baywang ng dalaga. “Ano ba Terrence baka me makakita sa atin baka kung ano pang isipin nila.” naiinis na sabi nito sa boss. “So what! pero gusto mo uwi na tayo para masolo mo na ko.” pilyong sabi nito sa dalaga. “ang kapal ng mukha mo at saan naman tayo uuwi?” “sa bahay niyo saan pa? pero kung gusto mo uwi na tayo ng Manila dun na tayo sa condo ko.” nakangising saad nito. “ewan ko talaga syo, dami mong alam SIR.” “Speaking of uwi, Babe pwede bang umuwi na tayo? I have an important meeting schedule.” “Mauna ka na, hindi pa tapos yung vacation leave ko.” pang-aasar na sagot niya sa boss. “Okay if you don’t want to go home early I will cancelled the meeting. gusto ko kasing sabay tayong umuwi.” nalungkot na sagot ng binata. “Okay okay, uuwi na po. kasi naman e sumama ka pa kasi dito, inayos ko nga lahat ng mga meeting mo bago ako nagleave.” asar pang sabi ng dalaga. “Kasi naman hindi mo ako pinapansin.” nakangusong sagot ng binata sa dalaga. “Oo na uuwi na po tayo sir.” pang-aasar pa niyo ulit sa boss. “Thank you Babe!” sabay flying kiss “Babe mo mukha mo!” Natatawa na lang ang dalaga sa boss dahil sa pang-aasar niya dito. Sasama naman talaga siyang umuwi na dito. Wala na rin naman kasing rason para iwasan pa niya ito dahil nagkaayos na sila at pumayag pa siya na magpanggap na girlfriend nito sa harap ng ex-wife nito. Gusto lang kasi niya itong asarin dahil ngayon niya lang nakita ang another side ng binata. At natutuwa siya na nakita niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD