Sophia POV
Isang linggo na ang nakakalipas ay hindi pa rin nakahanap ng trabaho si Sophia. Hindi na kasi sya bumalik sa pinapasukang club.
Habang tinitignan ang perang hawak na natira sa ibinigay ng binata sa kanya ay bigla syang napaisip. Mauubos na ang pera ngunit wala pa rin syang nahanap na trabaho. Napaoperahan na ang tatay niya at nakalabas na rin ng ospital ngunit kailangan pa rin ng maintainance na gamot para hindi na ulit bumalik ang sakit ng kanyang tatay. At yun ang kanyang problema ngayon kung saan kukuha ng pangsuporta sa pamilya.
“Haay! Ang hirap naman maghanap ng trabaho.” Pagod na sabi nya sa sarili.
Kagagaling nya lang sa paghahanap ng trabaho. Maghapon na naman syang naghanap ng mapapasukan ngunit wala pa rin syang mahanap. Ibabalik na sana nya ang pera sa kanyang wallet ng may biglang nahulog. Dinampot nya ito at nakita nya ang calling card na bigay ni Terrence pala ang nalaglag. Naalala nya ang sinabi ng binata.
“Kapag kailangan mo ng trabaho pumunta ka lang sa opisina.”
Nagdadalawang isip pa sya kung pupuntahan nya ang opisina ng binata. Kung sya lang kasi ang masusunod ay ayaw na nyang magkita pa sila muli nito. Ngunit wala na syang ibang pagpipilian dahil hirap na hirap na syang makahanap ng mapapasukan. Kaya nagpasya syang puntahan ito.
Kinabukasan, maaga pa lang ay naghanda na sya para sa pagpunta nya sa opisina ni Terrence. Nang makarating na sya sa kompanya ng binata ay may kaba sya sa kanyang dibdib na tiningala ang gusali. Napaka taas nito at puro salamin and nakapalibot dito.. Kitang kita mula sa ibaba ang malaking pangalan ng kompanya “LOPEZ GROUP OF COMPANIES.” Hindi nya maiwasan na isipin muli ang binata na magkikita na naman sila. Hindi na nya lang yon binigyan ng pansin pa dahil trabaho naman ang sadya nya rito.
“Good Morning Ma’am. Anong pong maitutulong ko?” nakangiting bati sa kanya ng receptionist.
“ Good Morning din. Nandiyan ba si Mr. Terrence Lopez?” nakangiting sabi ko.
“ Meron po ba kayong appointment sa kanya?” balik na tanong nito sa kanya.
“ Wala e.” tugon ko.
“Naku ma’am hindi po kasi tumatanggap ng bisita si boss kung walang appointment.”
“ Ganoon ba? Sige salamat.” Nanlulumong tugon nya sa babaeng kausap.
Wala syang nagawa kundi umalis na dahil hindi naman sya papasukin dahil wala naman syang appointment sa binata.
Terrence POV
“Get out!!” Sigaw ni Terrence sa kausap nyang empleyado.
“Wala na kyong ginawang tama.”
Isang linggo na syang palaging mainit ang ulo. Hindi nya alam kung anong nangyayari sa kanya.
Isang linggo na din nyang hinihintay si Sophia kung pupunta sa kanyang kumpanya ngunit hindi ito pumupunta.
Marahil ay nakahanap na ito ng mapapasukang trabaho ang naisip nya.
Naupo siya sa kanyang upuan at nahilamos nya ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Bigla syang napalingon sa mga monitor ng mga cctv na naka kabit sa kanyang opisina ng may bigla syang nakitang pamilyar na mukha.
Agad agad syang lumapit dito upang makita ng malapitan ito. Biglang bumilis ang tibog ng kanyang puso ng makilala nya ito.
“Sophia?”
Agad agad nyang tinawagan ang receptionst ng makita nyang papaalis na ang babae.
“Hello! Habulin mo yung babaeng kausap mo kanina. Tanungin mo kung Sophia ang pangalan at papuntahin mo sa opisina ko.” Utos nya sa receptionist.
“Sige po Boss” tugon ng receptionist.
“Ma’am! Ma’am!” tawag ng receptionist kay Sophia.
Napalingon si Sophia ng tawagin sya ng receptionist.
“Ma’am kayo po ba si Ms. Sophia?” tanong sa kanya ng receptionist.
“Oo ako nga. Bakit?”
“Pinapapunta po kyo ni boss sa opisina nya. Tugon sa kanya ng receptionist.
Itinuro sa kanya ng receptionist kung paano pumunta sa opisina ni Terrence. Nagpasalamat sya dito. “Salamat!..” nakangiting wika nya dito.
Nagtungo sya s elevator at pinindot ang button na TF na ibig sabihin ay Top Floor nandoon daw ang opisina ni Terrence.
Ilang minuto din ang nakalipas bago marinig nya ang pagtunog ng elevator hudyat na nasa tamang palapag na sya. Pagbukas pa lang ng elevator ay nakita na nya ang mga empleyado na mga abala sa kanilang mga gawain. Hindi naman sya nahirapang hanapin ang opisina ni Terrence dahil mayroon naman nakalagay na pangalan nito sa isang pintuan.
Kumatok muna sya ng ilang beses bago nya binuksan ang pinto nito. Hindi nya alam pero bigla tumambol ang dibdib nya. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ng binata.
“Akala ko hindi ka na pupunta.” Sabi ng binata sa kanya.
“Marami pa kasi akong inaasikasong kailanga ng pamilya ko.” Pagsisinungaling nya dito.
Ayaw naman nyang sabihin ang totoong dahilan na ayaw na sana nyang magkita pa ulit ang binata.
Tinawagan ni Terrence ang HR upang ipaalam na meron na syang nakuhang secretary.
“Hello! Wag na kyong maghanap ng bago kong secretary meron na akong nakuha.” Sabi nya sa kausap.
“Secretary!?” Gulat at tanong ko kay Terrence.
“Bakit? Ayaw mo ba?” tanong nito kay Sophia.
“Hindi naman sa ayaw ko kasi wala akong alam bilang isang secretary. Hindi pa akong nakakapagtrabaho bilang secretary.” Paliwanag nito.
“Wala bang iba?” kahit clek lang o kay janitress okay na ako dun.” sabi nito sa binata.
Ngumiti lang ang binata sa kanya.
“Hindi naman mahirap ang maging secretary ko. Ituturo naman syo ang mga dapat mong gawin at saka walang ibang opening sa ngayon kung hindi ang pagiging secretary ko.” Tugon sa kanya ng binata.
Wala na syang magawa kung hindi tanggapin ang trabaho dahil kailangang kailangan nya na talaga ito. Pag-aaralan na lang nya kung ano ano ang ginagawa ng isang sekretarya.