Chapter 4

663 Words
Sophia POV Nagising si Sophia na mayroong mabigat na nakadagan sa kanyang tyan. Nang tignan nya ay ang nakayakap na braso ng binata. Hindi nya mapigilan na titigan ang binata habang mahimbing itong natutulog. Magkaharap sila habang yakap sya nito. Napaka-amo ng mukha nito at hindi nya maipagkakaila na sobra syang nahuhumaling sa binata. Ang matangos na ilong at naalala nya ang mapupungay na mata nito idagdag pa ang may kapulahan nitong mga labi. At bahagyang nag-init ang mukha nya ng maalala kung gaano kasarap humalik ang mga labing yon. Mga halik na hindi nya mahindian at kusa na lang gagalaw ang katawan nya para gumanti sa halik ng binata. Idagdag pa ang morenong kulay nito. Lalaking lalaki talaga. Bigla syang napangiti ng maalala nya ang nangyari sa kanila kagabi ng binata. Wala syang pinagsisihan na dito nya binigay ang virginity nya. Hindi nya alam kung bakit wala syang pagsisi. Dahan dahan nyang tinanggal ang brasong nakayakap sa kanya upang hindi ito magising. Tatayo na sana sya ng maramdaman nya ang p*******t ng parte ng nasa gitna ng kanyang hita napangiwi sya sa sakit. Pero kailangan na nyang umalis wala na syang balak na kausapin pa muli ang binata. Pinulot nya ang nagkalat nyang damit at nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan. Paglabas nya ng banyo muli nyang sinulyapan ang binata bago sya umalis. Paalis na sana sya ng biglang kumalam ang sikmura nya. Naalala nya pala na hindi pa sya naghahapunan kagabi. Bagamat tinanong siya ng binata kung kumain na sya ay nahihiya naman syang at sa sobrang tensiyon ay hindi na rin nya kayang kumain. Nagdesisyon syang kumain muna bago umalis. Siguro naman hindi pa yun magigising maaga pa naman. Sa isip isip nya. Ipaghahanda na rin nya ito ng sandwich. Ham and egg sandwich na lang ang gagawin ko. Sabi nya sa isip Kumuha sya ng mga kailangan sa Refrigirator. Buti na lang at meron stock. ang sabi nya. Bigla syang nagulat habang nagluluto sya dahil may biglang…. “Eheemm! Napatingin sya bigla sa binata. “Sorry pinakelaman ko na ang laman ng Ref. mo nagugutom na kasi ako.” “It’s okay.” Sabini Terrence. Sa taranta ay bigla na lang nyang natanong ang binata. “Coffee?” “Please! ani ‘to na naka ngiti” Dali dali nya itong pinagtimpla ng kape at ibinigay dito pati na rin ang ginawa nyang sandwich. Pinaupo na rin sya nito at sabay silang kumain. Habang kumakain ay pasulyap sulyap na tinitignan ni Sophia ang binata. Nabigla na lang sya ng bigla itong magsalita. “Uhmm! Ang sarap! ng sandwich mo parang ikaw.” Natatawang sabi ng binata. Pinamulahan sya ng mukha dahil sa tinuran ng binata. Nang matapos na silang kumain ay hinugas na muna nya ang pinagkainan nila at bago sya magpaalam na aalis na. “Aalis na ko salamat.” Sabi ni Sophia “Wait! Aalis ka na? Yung cheke mo? “ Hintayin mo muna ako dyan sa living room.” Sabi ng binata. Wala na syang magawa kung hindi maghintay sa binata dahil hindi pa nya hawak ang perang pinag usapan nila kahit na ayaw na sana nyang makasama pa ito ng matagal. Nagulat pa sya ng biglang lumabas ang binata sa kwarto nito. Naka suit na kasi eto. “s**t! Lalo syang naging gwapo sa suot nya.” “Halika na ihahatid nakita sabay abot ng sobreng me lamang cheke.” “Hindi na! baka malate ka pa sa pagpasok magtataxi nalang ako.” “No! I insist! Kahit malate ako okay kahit anong oras pwede akong pumasok.” Wala ng nagawa si Sophia kaya nagpahatid na lang sya sa bangko para ipadala sa mga magulang ang pera. Nang huminto na ang kotse sa tapat ng isang banko ay dali dali nya ng tinanggal ang seatbelt nya at lalabas na ng sasakya. Palabas na sana sya ng bigla syang hinawakan sa kamay ng binata. Nagulat sya at biglang napatingin sa binata. “Kapag kailangan mo ng trabaho pumunta ka lang sa opisina.” Sabay abot sa kanya ng calling card ni Terrence Inabot naman nya ito sabay sabi ng “Salamat!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD