Katatapos lang nyang magretouch ng sarili at inaayos naman nya ang mga file na nasa table nya. Hinihintay na lang nya ang pag-uwi ng boss at susunod na rin sya sa pag-uwi dito. Araw-araw ay ganoon ang routine nya sa opisina hinihintay muna nyang makauwi ang boss bago sya uuwi. At kung mag oovertime man ito ay itinatanong nya dito kung kailangan nya pang hintayin sya o pwede na syang maunang umuwi.
“Babe!”
Nagulat sya sa biglang pagtawag nito sa kanya ng ganoon. Nagpalinga linga pa sya bago ito tinignan.
“Bakit mo ako tinawag ng ganya? Baka me makarinig syo.” natatakot na tanong nya sa binata.
“So what kung merong makarinig.” nakatawang sagot nito.
“Nakakahiya kung merong makarinig. Meron na ngang mga chismis na may relasyon daw tyo tapos tatawagin mo pa ako ng ganyan.” naiinis na sagot ni Sophia
“Let them be! Ako na ang bahala sa kanila.”
“Meron ka bang lakad ngayon? Pag iiba ng tanong ng binata sa kanya.
“Bakit? Wala naman uuwi na ako.”
“I want you to invite for a dinner sa condo lang naman. I will cook dinner pang bawi naman sa mga breakfast mong dinadala sakin. Ang lungkot din kasing kumain mag isa malamang hindi na naman ako magdidiner pagwala akong kasama. Kaya Please pumayag ka na.” Derederetsong sabi nito na nagpapaawang boses at nakalabi pa.
Natatawa niyang tinignan ang binata dahil sa itsura nito. Sa tinagal tagal nilang nakasama ito ay ngayon lang nya nakita itong parang nagmamakaawa.
Wala rin naman syang gagawin at kadalasan ay nagtatake out o kaya ay kumakain lang sya sa mga fastfood bago umuwi dahil wala rin naman syang kasabay kumain. Kadalasan kasi ay wala na ang kaibigang si Zoila sa apartment na tinitirahan nila. Kaya mag isa na lang siyang kumakain kaya kadalasan din ay hindi rin siya kumakain dahil tinatamad na rin sya.
“What’s so funny?” tanong ng binata sa kanya.
Hindi na sinagot ni Sophia ang binata hinatak na lang nya ito paalis ng opisina.
“Tara na BABE!” pang-aasar na pagyaya nya dito at talagang idiniin pa ang salitang babe.
Pagdating nila sa condo ng binata ay hinubad lang nito ang kanyang coat at nililis hanggang siko ang sleve ng kanya polo at nagtungo na agad sa kitchen.
Sinundan naman ito ng dalaga at naupo sa kitchen table.
“Can I help?” sabi ni Sophia.
“No, it is Okay, Just sit and relax. You want some red wine or coffee? Sabi ng binata
“Later na lang pag katapos kumain.” Sagot nya.
Nakatawang pinagmamasdan ng dalaga ang boss habang nakaupo malapit dito. Napakasexy nito sa suot na apron. Mukhang alam na alam nito ang kanyang ginagawa na animoy parang isang chef. Na miss din ng dalagang titigan ito. Kung hindi sya nagkakamali ang huling matagal nyang pagtitig dito ay noon mahimbing itong natutulog kapakatapos ng may nangyari sa kanila. Winaksi ng dalaga sa kanyang isipan ang kanyang naiisip.
“Marunong ka palang magluto?” tanong ng dalaga
“Yes, It is one of my favourite things to do. Nakangiting sagot ng binata.
“Buti ka pa marunong mag-luto ako pritong itlog at hotdog lang ang alam kong lutuin. Malamang iwan ako ng mapapangasawa ko dahil wala syang kakainin kung hindi hotdog at itlog.” Natatawang kwento ng dalaga.
Marunong naman talaga syang magluto. Binibiro lang naman nya ang binata. Noon kasing nasa probinsya sya ang nag-aasikaso sa kanyang mga kapatid sya ang nag-luluto para sa mga ito dahil ang kanyang mga magulang ay parehong nagtratrabaho sa bukid.
“I can teach you how to cook if you want?”
“But honesty a woman as beautiful and sweet like you malabong iwanan. If Am that guy it is imposible” Sabi ng binata.
Pinamulahan ng mukha si Sophia sa sinabi ng binata.
“Are you blushing?” nakangiting sabi ng binata.
“NO! Go away! Tapusin mo na ang niluluto mo nagugutom na ako.” Nakatawang pagtataboy nya sa binata dahil sa kahihiyan.