Katatapos lang naming sa isang client meeting sa labas actually pangatlong meeting na naming pala ito at ito na rin ang huli.
“What a streessful day!” Sabi ng boss nya.
Sir! Kung gusto po nyo sir umuwi na po kayo para makapagpahinga na po kyo. Ako na lang po ang babalik sa office natin.” Suwestiyon nya sa boss.
Lumingon sa kanya ang boss at.
“I think we both need a stress reliver. Meron ka bang alam na puntahan or gawin para makapag unwind tayo?” tanong nito sa kanya
Wala syang maisip na pwedeng gawin o puntahan. Pero ng maisip nya ang lagi nilang ginagawa ng kaibigang si Zoila ay nagkaroon sya ng idea ngunit papaya kaya ito. Sa mga katulad kasi nito ay Malabo itong pumunta sa mga mall.
“Sir, nanonood po ba kayo ng sine? Nag aalinlangan nyang tanong dahil alam naman nya na sa busy nito at bihira sa mga lalaki ang mahilig manood ng sine.
“Sine?” kunot noong balik tanong ng binata sa kanya.
“Sige po sir kung ayaw nyo po okay lang wala po kasi akong alam na ibang pwedeng gawin. Yun po kasi ang stress reliver naming ng kaibigan ko.” Pagpapaliwanag pa nito sa binata.
“No it okay, sobrang tagal ko ng hindi nanonood ng sine. Ang pakakatanda ko pa ay bata pa ako ng huli akong manood ng sine at kasama ko pa ang yaya namin.
Dahil nasa bandang Pasay sila ay sa Mall of Asia na lang sila nagpunta para manood ng sine. Nagyaya rin munang kumain ang binata dahil nagugutom na daw ito. kung sa bagay ay mag aalasais na rin kasi ng gabi ng makarating sila dito. Pumunta sila sa isang Seafood House Restaurant upang kumain. Pagpasok nila sa restaurant isang waiter ang lumapit sa kanila at dinala sila sa isang bakanteng lamesa.
“This way Sir/Maam.” Nakangiting turan ng waiter.
Nang makaupo na sila ng boss ay inabot na ng waiter ang menu sa kanila. Napansin ng dalaga ang pagtingin tingin at pagngiti ngiti sa kanya ng waiter. Hinayaan na lang nya na ang boss ang mamili ng kanila kakain. Nang matapos na itong mag-order ay narinig pa nito ang paninita sa waiter.
“Stop staring with my girl! Kung ayaw mong mawalang ng trabaho.
Nagulat si Sophia sa sinabi ng boss sa waiter. Dali dali naman umalis ang waiter na natatakot. Napailing na lang sya sa ginawa ng boss sa waiter.
Pagkatapos nilang mag dinner ay saka sila pumunta sa floor kung saan nanduon ang mga sinehan.
Papunta na sila sa floor kung saan nandoon ang mga sinehan ng may tumawag sa kanya.
“Sophia!”
Napalingun siya sa tumawag sa kanya. Nakilala naman nya ito agad. Isa ito sa mga manliligaw nya noong nag-aaral pa sya.
“Clarence. Tawag nya dto.
“Kamusta ka na? Lalo kang gumaganda at sumesexy. Sabi pa nito sa kanya.
Napalingon pa sya sa boss nya at nakita nya ang pag iiba ng mood nito. Bigla itong sumimangot at mukhang galit. Hindi na lang nya ito pinansin baka kasi umandar na naman ang pagiging moody nito.
“Boyfriend mo? Tanong ni Clarence sa kanya.
“Hindi.” Nahihiyang sagot nya dito baka kasi anong isipin ng boss nya.
“Kung ganoon pwede ko na pala ituloy ang panliligaw ko s’yo? Tanong pa nito sa kanya.
Sasagutin n asana nya ang binata ng bigla na lang talikod at alis ng boss nya. Nabahala naman sya baka iwan sya nito kaya nagpaalam na sa kausap.
“Sir! tawag niya dito at hinabol.
“Please just call me Terrence pag tayong dalawa na lang wala naman tayo sa opisina.” Asar na sabi nito
“Okay! Saan ka ba pupunta bakit iniwan mo ako? Inis na tanong nya dito dahil sa pang-iiwan sa kanya nito at pagpapahabol.
“I’m going to buy tickets. Mukhang wala kang balak na tapusin ang usapan nyo ng manliligaw mo.” masungit at pasinghal na sagot nito sa kanya.
Napailing na lang sya sa sinagot sa kanya ng boss. Nagseselos ba ‘to? tanong nya sa isip. Kanina pa kasi ito nagsusungit simula pa ng kumain sila. Bakit naman magseselos wala naman silang relasyon naisip nya.
Niyaya na lamang niya ang boss na pumasok na sa sinehan ng makabili na ng ticket. Hindi na rin nya pinansin ang pagsusungit nito. Baka kasi imbes na makapag unwind sila ay baka lalo lang silang mastress.
Sa loob ng sinehan ay walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Ang binata na ang bumasag sa katahimikan nilang dalawa.
“Babe?”
Lumingon pa si Sophia sa paligid ng marinig ang pagtawag. Inakala nya na hindi sya ang tinatawag pero dahil sa wala naman silang katabing iba ay napagtanto nya na sya ang tinatawag. Hindi na sya nagulat sa pagtawag ng ganitong endearment ng binata. Dahil madalas na rin naman syang tawagin ng ganito ng binata lalo na kapag silang dalawa na lang ang magkasama. Nauna nyang narinig ang pagtawag na ito sa kanya noong unang gabi na nakasama nya ang binata. Nilingon nya ang binata at tinignan sa mukha.
“Babe, Sorry! Naiinis lang ako. Kasi may iba ka pang kinausap.”
“Sorry din kung pinaghintay kita. Dapat hindi ko na kinausap pa ng matagal si Clarence.” Paghingi rin nya ng sorry sa binata.
Pagkatapos ang paghingi nila ng sorry sa isa’t isa ay wala ng nagsalita pa muli sa kanilang dalawa.
Nasusulyapan pa niya ang malalim na paghinga ng boss habang nakatutuk ang mata nito sa pinapanood. Nabigla pa sya ng akbayan sya ng binata at isandal ang ulo nya sa balikat nito. Naramdaman pa nya ang pagbaba ng kamay nito sa kanyang bewang. Kinuha pa ng binata ang isa nyang kamay at inilagay sa dibdib nito.
Nagulat man sya sa ginawa ng binata ay hindi na sya nagsalita dahil sa nagustuhan naman nya ang ginawa ng binata. Na miss din kasi nya ang napakabangong amoy ng binata at ang makulong sa mga bisig nito.
Natapos ang pinanonood nilang palabas ng ganoon lang ang kanilang posisyon.