“Wala naman kuwenta ang ginagawa niya, ginagastusan at inuubos pa ang oras niya.”
---
“Woah! I love you, Jason Robie Rushton!” malakas na sigaw ng kaibigan kong si Ashley kaya naman hinila ko kaagad siya para umupo.
Nakahihiya siyang kasama!
Paanong hindi ako mahihiya sa kanya, halos kapapasok palang namin sa music convention hall kung saan gaganapin ang mini-concert for a cause ng asawa niya, as she claims, na si Jason Robie Rushton . . . na mas kilala sa tawag na JR Rushton. Besides, ni anino ng isang JR Rushton ay wala pa kaya pinatatahimik ko muna si Ahsley.
Ang tagal na niyang sinusuportahan si JR dahil nagsisimula pa lamang ito ay sinusundan na niya. Sa katunayan ay member siya ng fansclub na Rushtoners.
“Aray ko!” reklamo pa niya sabay irap sa akin. “Excited lang naman ako, Nakeisha! Napakasungit mo.”
“Napaka-OA mo, ah. Wala pa nga siya sa harap mo,” sagot ko naman sa kanya.
“Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ka pa nagiging fangirl.” Nagda-drama ba siya? Palaging ganiyan ang sagot niya sa akin.
“Sino ang nagsabi sa iyo? I am Yohan's number one fangirl!” Puwede naman iyon, hindi ba?
“Hindi iyon kasali. Malamang naman, boyfriend mo siya pero baka nakalilimutan mo na naiinis ka sa kayabangan niya bago naging kayo!” Sabihin ba naman iyon sa harap namin ni Yohan?
Sumama kami ng boyfriend kong si Yohan dahil for a cause ito at matagal na akong kinukulit ni Ashley na sumama sa kanya.
She also loves music at doon kami nagkakasundo. We both play guitar and piano instruments. But our course is Business Administration. Malayo sa musika na gusto namin pero kaya naman namin pagsabayin ang musika at ang pag-aaral. Hobby ko lang din naman ang pag-gi-gitara pero passion ko ang photography. Dami ’no? Ipipilit ko talaga ang gusto ko pagdating sa photography. Iyon nga lang, hindi pa ako makabili ng gustong-gusto kong camera dahil hindi pa sapat ang ipon ko. Hanggang pangarap pa rin iyon ngayon. Business Administration ang napili kong course dahil iyon ang gusto ni Mommy, na eventually ay minahal ko rin naman. Balak kasi niyang ipamana sa akin ang mini restaurant namin.
Si Yohan naman ay isang Mechanical Engineering student. Same campus kami at nagkakilala kami sa gym noong natamaan niya ako ng bola habang naglalaro sila ng basketball. Bakit ako nasa gym? Dahil sa magaling kong kaibigan na si Ashley, kinaladkad niya ako roon para sa ultimate crush niyang basketball player! Sa halip na sa canteen kami tumatambay kapag vacant ay sa gym niya ako hinihila.
Doon nagsimula ang kuwento namin ni Yohan. Doon nagsimula ang pagka-inis ko sa kanya. Doon nagsimula ang pagpapapansin niya sa akin. Ang ganda ko ’no?
Sobrang nayayabangan ako sa kanya noon. Feeling guwapo! Guwapo naman pero nakaiinis talaga noon, eh! Tumawa lang si Yohan sa mga sinasabi ni Ashley. Hanggang sa lumabas ang isang special guest na hindi ko kilala.
I asked Ashley. “Who is he?”
“He is Maximus Chance Castillo. Hindi mo ba siya kilala?” Alam niyo ang pagkakatanong niya sa akin? Pagtatanong na may panghuhusga pang kasama! Parang ang laki ng kasalanan ko na hindi ko kilala ang lalaking nasa harapan ko.
“He is a singer and composer,” dagdag pa ni Yohan kaya sabay kaming napalingon ni Ashley sa kanya.
“Hon, bakit mo siya kilala?!” nagtatakang tanong ko naman sa kanya. He smiles at inutusan pa kami na manood at makinig nalang. Nakaloloko ang ngiti niya, ah?
Napansin ko kaagad ang gitara niya. It is an acoustic guitar pero ang kulay nito ay kapansin-pansin. Isa sa mga dahilan ay dahil navy blue – my favourite color – ang kulay nito, idagdag mo pa ang mga sticker na astig at maganda ang pagkakalagay sa gilid.
Then, he started strumming his guitar. Ang lakas ng epekto sa tao dahil iyon palang ang ginawa niya ay nagsigawan na silang lahat. Nagkagulo na ang mga tao. Maging si Ashley nga ay sumisigaw. Loyal daw siya kay JR Rushton, ah? Ganiyan na pala ang loyal?
Habang tumutugtog si Maximus Chance, napatingin ako kay Yohan.
That song is very familiar.
“That’s your song!” I shouted at him at tinawanan lang niya ako.
“That’s his song, hon. Una, hindi ako composer. Pangalawa, pinagtatawanan mo nga ang pag-gigitara ko, sa tingin mo ay kaya kong gumawa ng ganiyan kagandang kanta?” Pagkatapos ay pinagtawanan ulit ako.
Nakinig lang ulit ako ng kanta niya. Nasa harapan pa naman kami kaya kitang-kita ko ang ngiti niya at damang-dama ko ang kinakanta niya. All this time, akala ko ay kanta ito na ginawa ni Yohan para sa akin at para mapasagot ako!
Itong kanta na ito ang naging dahilan kung bakit ko siya sinagot! One of the reasons. He performed in front of me at ito ang kanta na ginamit niya. Bakit nga ba hindi ko naisip na itanong kung siya ba mismo ang gumawa ng kanta? Masyado yata akong kinilig! Nag-assume kaagad ako na ginawa niya iyon para sa akin dahil . . . mahal ko siya. Nagoyo ako ng isang ito, ah!?
Inakbayan niya ako. “I really thought, it was from you,” I whispered sabay irap.
“Nahirapan naman akong pag-aralan ang kanta at hindi iyan madaling tugtugin sa harap mo, ah. Well, at least you met the guy behind that lovely song. Dapat akong magpasalamat sa kanya dahil napasagot kita.” Pinagtatawanan talaga niya ako kaya siniko ko siya.
Napatahimik kami dahil biglang tumapat sa amin si Maximus Chance at nakangiti.
Hinawakan ko ang kamay ni Yohan na sobrang higpit. Ang guwapo naman ng Maximus Chance Castillo na ito, bakit hindi ko siya nakilala kaagad? Sana parehas kaming may fangirling moment ni Ashley. Hindi ko talaga maiwasan na mapatitig dahil sa ka-guwapuhang taglay niya. Ngumiti pa siya sa amin.
Hinawakan ni Yohan ang baba ko. “Nakeisha Noreen, manghang-mangha ka sa kanya samantalang ganiyan din naman ako ka-guwapo. Ipa-aalala ko lang sa iyo na kasama mo ang boyfriend mo na kasing guwapo niya.”
“Selos?” I teased.
“Hindi ’no. May girlfriend kaya siya. Mas maganda sa iyo!” Nakatikim siya ng hampas dahil sa sinabi niya. Mahilig siyang mang-asar lalo na kapag babae ang pinag-uusapan namin, palaging sinasabi na “mas maganda sa iyo”.
Natapos na ang kanta niya pero kinakanta pa rin ng audience kahit wala na ang music kaya todo pa rin ang ngiti ni Maximus Chance.
Astig ng pangalan.
Maximus Chance Castillo.
Halata naman na mas matanda siya sa akin pero bakit sobrang kinis niyang tingnan? Clean cut, pointed nose, kissable lips, his eyes are fantastic na parang may gayuma kapag tinitigan ka. Idagdag mo pa ang napakatamis niyang mga ngiti. Ang guwapo! Napaka-guwapo at talented ng lalaking ito. Nahahawa na ako kay Ashley, sama kasi ako nang sama sa kanya. Ang puti pa niya kaya nakasisilaw ang spot-light na nakatapat sa kanya.
“Still checking him out?” pagtatanong ni Yohan.
“Sorry. Ang guwapo niya, Hon.”
Natural na sa aming dalawa ang ganito. Kapag may babae siyang tinitingnan, uunahan ko na siya at sasabihin ko sa kanya na maganda ang babaeng tinitingnan niya. Ganoon din naman siya kapag napapalingon ako sa lalaki. Para sa aming dalawa, normal naman na mapalingon sa iba lalo na kung guwapo at maganda naman talaga, pero ibang usapan kapag nakipaglandian ka na. Simple lang naman ang rule naming dalawa, puwede kang tumingin sa iba pero bawal kang magpalandi sa kanila. Parehas namin na hindi first girlfriend o boyfriend ang isa't-isa. Marami na kaming napagdaanan kaya siguro sabay nalang kaming nag-go-grow ngayon at nakatutulong ang relasyon namin para maging mature kaming dalawa. Healthy relationship, ika nga nila.
“Sige, pagbibigyan kita. Singer naman siya. eh.” Parang mapipigilan naman niya akong humanga sa lalaking nasa harapan namin ngayon.
Nakapagtataka nga, hindi naman ako mabilis humanga sa ganito dahil na-expose na ako ni Ashley sa mga artista at singer na idol niya. Iba lang talaga ang charm ni Chance.
Dahil na rin sa request ng mga tao ay dinagdagan pa niya ang kanta. Nakikita mong nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya kaya nag-e-enjoy rin ang mga taong nanonood at nakikinig sa musika niya.
Hanggang sa nagpasalamat na siya at nagpaalam. May games pa sila bago lumabas ang asawa ng kaibigan ko kaya nagpasama siyang mag-restroom. Isa siya sa mga babaeng hindi kayang pumunta sa restroom mag-isa!
Wala ngang tao sa restroom dahil enjoy na enjoy sila sa loob. Pagkatapos niyang umihi ay lumabas na kami tapos bigla siyang sumigaw ng, “Chance!” kaya napalingon ako sa kanya.
Mas guwapo siya sa malapitan. Na-excite kaagad ako. Masaya kaagad ako. Kinikilig na ba kaagad ako?
Hinila ako ni Ashley papalapit sa kanya. Hawak pa rin niya ang gitara niya. Nakatitig lang ako sa mukha niya habang kausap ni Ashley na busy sa pagpapa-cute.
Jason Robie Rushton’s self-proclaimed wife was gone.
Maya maya ay nag-request na si Ashley ng picture kay Chance. Naging passion ko ang photography dahil madalas akong gawing photographer ng kaibigan ko. I secretly rolled my eyes.
Nagpapasalamat na siya kay Chance pero sinabi niya na pipicturan din niya kaming dalawa. Ang ganda pa ng ngiti ni Chance kaya sino ba ako para tumanggi?
“Chance, puwede mo bang akbayan ang kaibigan ko?” request pa ni Ashley. Ang kapal ng mukha niyang mag-request . . . pero deep inside ang saya-saya ko.
Tumawa naman si Chance at ginawa ang request ng kaibigan ko.
Nag-suggest pa ng group picture si Ashley at ako ang pinaghawak ng cell phone niya. For some unknown reason, hindi ako nakapag-picture nang maayos! Nanginginig ang kamay ko kaya malabo ang shots at ngayon lang ako may nameet na ganito kalapit, eh.
Tao rin naman siya pero . . . bakit parang ang saya ko?
Napansin nga iyon ni Chance kaya sinabing, “Let me take care of it,” he smiles as he gets Ashley’s phone from my hand.
Pagkatapos ng picture taking namin ay nagsalita na naman ang kaibigan kong napakadaldal. “Sinagot niya ang boyfriend niya dahil sa kanta mo! Gustong-gusto niya ang first song na composed mo!”
Tinignan naman ako ni Chance. “Really? That’s so nice to hear na may magandang result naman pala ang mga ginagawa ko.”
Dahil sa pagkakatitig niya sa akin, parang nawala ako sa sarili. “Ang ganda ng gitara mo,” out of nowhere na sinabi ko!
Tinawanan lang ulit niya ako. “What’s your name?” he asked.
“Nakeisha,” mabilis kong sagot.
“Nakeisha,” pag-ulit niya sa pangalan ko habang tumatango. Ang sarap naman pakinggan. “Ikaw ang kauna-unahang bumati sa gitara ko. Thanks and nice to meet you.”
Tinanong din niya ang pangalan ni Ashley at maya maya ay dinagsa na siya ng mga babaeng nakakita rin sa kanya.
“Ang ganda ng gitara mo,” pag-ulit ni Ashley habang tinatawanan ako. “What a lame start of conversation, my friend!”
Inirapan ko siya. “Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na gusto ko siyang kausapin? Maganda naman talaga ang gitara niya!”
Pinagtatawanan pa rin niya ako hanggang sa makarating na kami sa upuan namin. Nagtanong na nga si Yohan kung bakit tawang-tawa si Ashley.
Ipinakita naman kaagad ang picture namin ni Chance.
“Natagalan kami kasi nanlalaki pa ang girlfriend mo!” sabi pa niya kay Yohan. Tinignan naman ni Yohan ang picture namin.
“Good choice. Ka-level ko naman ang lalaki mo,” pagbibiro pa niya tapos nag-ku-kuwentuhan sila pero mas marami ang tawa na naririnig namin ni Yohan mula kay Ashley kaysa sa kuwento niya.
Natigil lang ang pagdaldal ni Ashley noong lumabas na si JR Rushton. Ang smooth ng pagpasok niya sa stage. Sobrang nagsisigawan ang mga fans niya at nagwawala na rin si Ashley. Sanay na ako sa pagiging wild niya kapag nandiyan si JR Rushton. Hindi ko na siya nakausap dahil busy siya sa pagsabay sa kanta at pagtawag sa asawa niya.
Mas lalo siyang nagwala noong napansin siya ni JR at kinawayan pa. Halos mahulog siya sa upuan dahil sa kilig at saya. Sa dalas na rin siguro ng pag-attend niya sa mga ganito ay nakilala na siya. Hindi na rin naman ako magtataka dahil sa sobrang daldal niya ay makikilala talaga siya ni JR.
“JR Rushton! JR Rushton!” sabay-sabay na sigaw ng fans niya.
Honestly, ang sarap nilang panoorin kapag nagkakaisa sa mga ganito. Kitang-kita ko rin naman na masaya si Ashley sa ginagawa niya.
Pagkatapos ng concert, masayang-masayang nag-ku-kuwento si Ashley na parang hindi niya kami kasamang nanood.
“Ashley,” pagtawag ko sa kanya as I scrolled on Chance Castillo’s photos.
“How to be a fangirl?”
---