Fangirling Mode 2

2044 Words
“Ano ba iyan? Nagmumukha na siyang tanga sa ginagawa niya kasusunod sa celebrity. Hindi naman siya papansinin ng sikat.” --- The next thing I knew, I am one of Chance Castillo’s fans club admin. Yes, admin! Not just a fans club member but an admin! Kahit ako ay nagulat kung paano iyon nangyari. Hindi nga ako makapaniwala na napilit ako ng classmate ko na si Minmin para gumawa kami ng fans club ni Chance. Classmate ko siya since first year college. Hindi pa kami close noon pero nag-uusap naman kami hanggang sa nakita niya ako na nanonood ng song covers ni Chance at narinig niya ako na pinatutugtog ko ang mga kanta niya. Second year college lang kami naging super close. Nagkakasundo kami kapag si Chance na ang pinag-uusapan, tuwang-tuwa siya kapag kinikilig ako. I just love his music! Noong una ay hindi ako pumapayag kahit na kinukulit niya ako dahil alam ko na mahirap magkaroon ng responsibilidad. Ni hindi nga ako member ng fans club ni Chance pero magiging admin pa? Parang hindi ko kaya, eh. Naalala ko tuloy ang muli naming pagkikita ni Chance at noong napag-usapan namin ang tungkol sa paggawa ng fans club. Sabado ngayon, nakikipagkita si Minmin sa akin. Namimiss na raw niya ako. Naku! If I know, kukulitin lang niya ako na maging admin ng fans club ni Chance. Ayaw raw niya na siya lang mag-isa, she needs me raw. Hindi ko pa nga sinasabi kay Ashley ang tungkol dito dahil missing in action na naman ang fangirl na iyon! Sa isang coffee shop kami magkikita ni Minmin, sobrang kaunti ng tao rito at parang pang-sosyal pa. Ewan ko rin sa babaeng iyon, gusto sa ganitong lugar. Alam ko naman na mayaman siya pero hindi naman siya mahilig sa tahimik at kaunti ang tao. Nang makita kong dumating si Minmin ay sinimangutan ko lang pero nagtaka ako kasi hindi niya napapansin na may tao sa likod niya. Hindi lang basta tao, si Chance ang nasa likuran niya! Ang guwapo naman kahit simple lang ang suot niya. Bakit ganoon? Parang ang unfair! Iba talaga ang excitement ko kapag nakikita siya. Gusto ko na nga rin gayahin si Ashley sa pagsigaw pero . . . hindi ito ang tamang lugar. Sobrang tahimik naman, hindi siya pinapansin ng ibang tao rito na parang sanay sila na makakita ng sikat na tao. Ang labo naman yata na hindi niya iyon mapansin samatalang amoy palang ng pabango ni Chance, malalaman na niya kaagad. Lumapit siya sa akin pagkatapos ay dumiretso naman si Chance. Sayang! Pinalampas niya ang chance kay Chance! “Hi!” masiglang bati sa akin ni Minmin. “Hindi mo ba napansin na nasa likuran mo si Chance kanina?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi naman kaagad nakasagot si Minmin dahil nagsalita si Chance . . . na nasa likuran ko na pala. “I heard my name. What is it?” “Chance, akala ko ba magre-restroom ka?” pagtatanong ni Minmin. “Done, Minmin.” Kilala niya si Minmin? Umupo silang dalawa sa harap ko. Bakit nandito si Chance? Napansin niya na nakatitig lang ako sa kanya. Ang guwapo! Pauli-ulit ’no? “Wait, you look so familiar. Nagkita na ba tayo?” Kung wala lang akong Yohan at kung magka-edad kami, ito ang isasagot ko – “Oo, dahil ako ang future wife mo!” Ang harot! Mala-Ashley style. “Yes, sa concert for a cause ni JR.” Siyempre, kailangan kong kumalma para mag-usap pa kami nang matagal. “Ah, Nakeisha, right? Kasama mo si Ashley ’di ba?” Isa lang ang naisip ko noong binanggit niya ang pangalan ko . . . “wala pa siguro siyang masyadong nakikilalang fans kaya natandaan niya ang pangalan ko”. But he remembered me! That’s priceless! Isa iyon sa pinapangarap ng mga fans ’no, ang makilala sila ng mga taong hinahangaan nila. Paano kung maka-usap pa kagaya ng nangyayari ngayon? Naku, feeling Top 1 na kaagad ako! Baka kilala na rin niya si Ashley dahil sa pagiging gala nito. Sa tingin ko nga ay malapit na maging manager ang kaibigan ko sa sobrang dami niyang kilala na artista o showbiz personality. “Tama po.” Kinakabahan akong kausap siya! Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko siya ngayon. Sometimes, we were interrupted because of his fans na nagpapa-picture but he politely smiles at pinagbibigyan naman niya ang mga ito. Oo nga, can I request for a photo too? I took the chance to text Minmin. To Minmin: What’s going on? Bakit magkakilala kayo? Hindi mo na pala kailangan ng fans club kasi mukhang close naman kayo! Magpicture naman tayo kasama siya! Nakita ko na ngumiti si Minmin. “Sorry, Nakeisha. Hindi ko kaagad nasabi na nabanggit ko na sa kanya na gagawa tayo ng fans club at nag-approved na siya. Meaning to say, tayo ang magiging official fans club niya!” Naubos na ang mga nagpapa-picture sa kanya kaya nakipag-usap na siya sa amin. Wala yata akong ibang ginawa kung hindi ang titigan siya. Hindi pa nakasasawa. “Hindi ko nga alam na kaya kang pilitin ng pinsan ko. Wala kasi sa itsura mo na magugustuhan ang musika ko at gugustuhin maging admin ng fans club ko,” sabi pa niya. Ano ang ibig niyang sabihin sa wala sa itsura ko?! Nahalata niya na nagbago ang expression ng mukha ko. “I mean, tahimik ka at kalmado. Not a fangirl type that everyone knew. Don’t take it negatively. Sorry, if I offended you. I was just happy na malaman na may fan ako. Not everyone can appreciate my music.” Gets ko siya kahit nahihirapan siyang mag-explain. Akala niya ay na-offend ako. Sa guwapo mong iyan? Kahit ano ang sabihin mo ay wala sa akin. Lagot ako kay Yohan! Iba-ibang klase naman ng mga fangirl. Mayroon lang talaga na sobrang saya kapag nakikita ang hinahangaan nila kaya napapasigaw, talon o umiiyak pa. To make it simple, baka ang nami-meet palang niya na fangirl ay ang masigla at maingay na kagaya ni Ashley. Unlike me, wala raw sa itsura ko. Huwag siyang pakasisiguro dahil nabubugbog ko si Yohan kapag kinikilig ako sa kanya. “Wait lang, pinsan mo si Minmin?” I asked. “Yes. Ayaw lang niyang sinasabi sa iba.” “I see.” “Pero kung napipilitan ka lang na maging admin ng fans club ko dahil sa kakulitan niya . . . huwag na natin ituloy, ayaw ko naman na isipin mong pinipilit ka namin. It’s okay.” Kinabahan ako sa sinabi niya. No! Opportunity na ang lumalapit sa akin. “No. Willing naman ako maging admin ng fans club mo. And I also want to help your fans para mas mapalapit sa iyo. Your music is so refreshing and . . . maganda talaga.” “Thanks for the compliment, Nakeisha,” sabi niya sabay ngiti pa. I melted. We talked about everything. Wala nang atrasan ito. Actually, gusto ko rin naman talaga na nakikita palagi si Chance at nakikinig ng music niya . . . hindi lang ako sigurado kung kaya kong maging admin ng fans club niya. After ko siyang mapanood nang live, madalas ko na chine-check ang gigs and shows niya kasi gusto ko ulit pumunta. Sa hinaba-haba ng pag-uusap namin, naka-isip na si Minmin ng pangalan ng fans club ni Chance. Chance’s Angels Napaka-unique, hindi ba? — Sa ngayon, mayroon na kaming 35 official members. Kaming dalawa ni Minmin ang nag-aasikaso sa Chance’s Angels na makapapasa sa form na pinapasagutan namin. Ipinakikita rin namin iyon kay Chance para bigyan siya ng pagkakataon na pumili. Mahalaga ang ugali sa pagpili namin ng members. Approved din naman kay Yohan ang ginagawa ko dahil hindi ko naman siya iiwan para kay Chance. Parang baliw. Very supportive naman siya when it comes to my decision. Isa iyon sa nagustuhan ko sa kanya. Alam din nina Mommy, Daddy at Ate Natie ang tungkol sa pinagkaka-abalahan ko. Huwag ko lang daw pababayaan ang pag-aaral ko. Nandito kami ngayon sa backstage kasama ang ilan sa mga ma-suwerteng napili namin para makita si Chance in person. Hinihintay lang namin na makalapit siya sa amin. Nakikita ko sa mga mata nila na sobrang excited sila, lalo na ang mga first time na makikita si Chance in person. “Para hindi tayo magulo mamaya, ako nalang ang magpi-picture sa inyo at cell phone ko ang gagamitin ko. Bawal po sa ang selfie dahil nagmamadali si Chance ngayon, may susunod pa siyang pupuntahan. Clear?” “Yes po!” excited na sigaw naman nilang lahat. Nakinig naman sila dahil nagkaroon ng maayos na picture ang lahat. Pati na rin ang group photo namin ay maayos. Halatang nagmamadali si Chance kaya hindi na niya nakausap isa-isa ang mga pumunta para suportahan siya. “Thank you for coming guys. Mag-iingat kayo sa pag-uwi,” paalala pa niya. “Thank you po,” paulit-ulit naman nilang sagot. “Bye. Thanks, Nakeisha!” Pagkatapos ay umalis na siya dahil sinundo na rin siya ng iba pang staff. Hindi pa rin niya nakalilimutan magpasalamat sa tuwing sinusuportahan namin siya kaya naman hindi nakasasawa. Habang kumakain kami, masaya silang nagku-kwentuhan tungkol kay Chance. All in all, masaya ang lahat! Ito lang naman ang gusto ko, ang sumaya ang aming fangirling heart. NAGULAT ako dahil biglang may yumakap at humalik sa noo ko. Si Yohan pala. “Bakit hawak mo na naman iyan?” pagtatanong niya. Hindi naman siya galit, sadyang nagtataka lang. “Nakita ko lang sa cabinet ko kanina. First picture namin iyan noong nanood kami ng mall show niya.” Ipinakita ko pa ang isa pa naming picture. “Ito naman ay first get together with Chance,” malungkot na sagot ko sa kanya. “Namimiss mo na sila?” he asked. “Sobra.” “Alam mo naman kung saan sila makikita. Bakit hindi mo puntahan?” he asked again. “Ayoko. Nahihiya na ako. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanilang lahat.” My heart is breaking right now. Pag-gising ko kanina, narinig ko ang boses ni Chance na kumakanta kaya naisipan kong tingnan ulit ang mga pictures namin noon. Commercial iyon pero rinig na rinig ko pa rin ang ganda ng boses niya. Kahit nakapikit pa ako ay nalalaman ko pa rin na si Chance ang kumakanta. Bigla ko tuloy silang namiss. Two years na pala ang nakalipas noong umalis ako sa pagiging admin at member ng Chance’s Angels. Hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa ang masasayang get together at events na pinagsaluhan namin. Tama nga sila. “A Fangirl will always be a fangirl.” Hindi man ako dumadalo sa events niya ngayon para makita ulit siya sa personal ay sinusuportahan ko pa rin siya. Sinubukan kong iwasan pero napasasaya pa rin niya ako kahit wala siyang kamalay-malay ay nananatili akong fangirl. Ganoon talaga ’no? Basta fangirl ka, kahit ano ang mangyari at kahit matagal na ay susuportahan mo pa rin sila. “Sa tingin mo, kilala pa ako ni Chance? Sikat na sikat na siya at sobrang dami na niyang fans, eh.” Sa dalawang taon na iyon, sobrang daming blessing, concert, shows at guesting ang dumating sa buhay niya. Sumikat siya nang sobra at mas lalong dumami ang nagmamahal at naka-a-appreciate sa kanya. Pero . . . hindi rin naman mawawala ang bashers. Hindi kumpleto ang kasikatan nila kapag walang bashers. 2013 – Ito ang taon kung kailan nabuo ang Chance’s Angels. 2017 – Ito ang taon na huli ko silang nakasama at nakausap. Taon din kung kailan ako umalis sa Chance’s Angels. Pagkapost ko sa f*******: group namin ng desisyon at pagpapaalam ko sa kanila ay hindi na ulit ako nakipag-usap, lalo na kay Minmin. Nahihiya ako sa kanya. Pero . . . naging masaya ako sa apat na taon na pinagsamahan namin. Fans club is not just about fangirls who are united for their idols. Fans club is also a family. Isa ang Chance’s Angels sa fans club na pwede mong tawaging “family”. 2019 – Kasalukuyang taon. Sikat na sikat pa rin si Maximus Chance Castillo. Mas sumikat na siya ngayon dahil banggitin mo palang ang pangalan niya ay siguradong kilala na siya. Noon, kailangan pa namin banggitin kung saan siya nakilala, sumikat o kung saan siya nakikita at kung ano ang ginagawa niya para makilala o matandaan manlang siya ng mga tao. Ngayon, marinig na nila ang pangalan na "Chance" ay kilala na kaagad. Ibang klase ’no? Ang galing kasi niya. Sobra. Proud na proud ako sa narating niya. Hanggang ngayon naman ay hinahangaan ko pa rin siya. Hindi na mawawala ang paghanga ko sa kanya. Sana hindi rin mawala ang magandang ugali na minahal namin sa kanya kahit na sikat na sikat na siya. “Masyado na siyang maraming nakilala at nakasalamuha para maalala pa ang pangalan ko,” sagot ko sa sarili kong tanong. Niyakap lang ako ni Yohan. Nararamdaman siguro niya na namimiss ko na talaga silang lahat. Lately talaga ay nagda-drama ako kasi dumadalas ang TV guesting ni Chance kaya mas lalo ko silang namimiss. Naiisip ko nalang na, “Dapat nandoon din ako, eh. Dapat kasama rin nila ako.” I really miss Chance’s Angels. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD