Fangirling Mode 6

2056 Words
---- We’re here in Laguna. Kasama ko si Camilla, Lianna, Ate Lizze, at Ate Deeva dahil pumunta kami sa shooting para sa music video ni Chance. Sila lang ang nakasama ko dahil sila lang ang pinayagan ng parents at sila lang ang walang pasok ngayon. Excited silang lahat kahit na hindi naman nila first time makikita si Chance. Ang totoo niyan ay may pupuntahan talaga ako rito sa Laguna, nagkataon lang na may shooting si Chance kaya itinanong ko siya kung puwede kaming manood at pumayag naman siya kaya sinama ko sila. Nakasakay kaming lahat sa kotse ni Daddy. Pinayagan naman ako ni Daddy na dalhin ang kotse niya kaya lahat kami ay excited. “Ate Nakeisha, excited na ako! For sure, solo natin si Chance!” sigaw ni Camilla habang kinikilig. Isa siya sa baliw na baliw kay Chance. Hindi niya naitatago ang kilig niya. Same level sila ni Ashley sa pagiging expressive. Si Lianna naman ay sobrang tahimik lang at nagiging madaldal lang siya kapag nakausap na namin si Chance. Hindi rin siya madaldal sa harap ni Chance, tahimik lang din siya pero after ng picture taking kay Chance, doon na niya sasabihin kung gaano siya kasaya. Si Ate Lizze at Ate Deeva naman ay ang tumutulong sa akin sa pagdidisiplina ng mga kasama namin. Tahimik lang din sila pero makikita mo sa mukha nila kapag masaya sila. Hindi magkamayaw sa pagsigaw si Camilla habang nanonood kami kay Chance. Ilang beses na nga kaming napagsabihan kaya pinipigilan namin siya at sinasabihan na huwag mag-ingay. Bandang huli, nakapagpigil naman siya kahit papaano. Hinintay lang namin si Chance sa gilid ng sasakyan niya dahil iyon ang sinabi niya. “Pasensya na kayo kung may nasigawan kanina, stress lang si Direk,” salubong pa ni Chance sa amin. “Okay lang, Chance! Sorry kung napaka-ingay ko!” Si Camilla. Ngumiti lang kami nina Lianna, Ate Lizze at Ate Deeva. Nagpasalamat ulit sa amin si Chance at nagkaroon na kami ng picture taking. Akala ko nga ay wala na silang balak na tumigil kaka-picture kay Chance. Parang wala silang balak na umuwi, eh! Natigil lang sila noong nagyayang kumain si Chance. “Puwede ba kayo or may pupuntahan pa kayo? Kain tayo?” “Sige!” mabilis na sagot ni Camilla. Pumayag naman silang lahat kaya kumain kami kasama si Chance. Hindi ko nga akalain na may ganitong plano pala siya kasi ang sinabi ko lang sa kanila ay manonood pagkatapos ay uuwi na. Full of surprises pa rin talaga si Chance. Isa ito sa masasayang pangyayari na hindi namin makakalimutan kasama si Chance. Kapag tapos na ang schedule niya ay niyayaya niya kaming kumain o mag-coffee para maka-bonding niya kami. Real and down to earth inspiration. Iyon ang nakita namin sa kanya. Parang hindi siya sikat kapag kasama namin. Parang kaibigan lang namin na pwede namin barahin at hampasin kapag nagtatawanan. Hindi kasi siya nagrereklamo kaya hindi kami humihinto. Maraming nagugulat sa kanya na member ng Chance's Angels kapag nakakasama namin siya sa ganito kasi hindi sila makapaniwala at madalas ay na-starstruck sila sa ka-guwapuhan ng aming hinahangaan. Hanggang sa nagpaalam na si Chance sa aming lahat. “Thank you so much for coming here guys. Mag-iingat kayo,” pagpapasalamat ni Chance. Ito ang hindi niya nakalilimutan kapag pinanonood o pinupuntahan namin siya, ang magpasalamat at ang magsabi na mag-iingat kami sa pag-uwi. Ibinaba ko sila sa area kung saan kami nagkita-kita. Kung kaya ko lang silang ihatid lahat ay ginawa ko na. “Magtext kayo kapag nakauwi na kayo," pagpapaalala ko sa kanilang lahat. “Mag-ingat ka sa pagda-drive mo, Nakeisha,” sabi naman ni Ate Deeva. Nagpaalam na rin sila sa aking lahat. Masayang-masaya na naman ang puso ng certified fangirls. Ang suwerte namin ’no? I wonder kung mayroon pang ganitong celebrity or singer sa mga susunod na henerasyon. Sana ay mayroon pa. Kinabukasan, nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng bahay namin. Ako lang ang tao rito kaya wala akong choice kung hindi pagbuksan ang nambubulabog sa bahay namin. Akala ko nga ay si Ashley pero pagbukas ko ng pinto, isang babaeng nasa 40’s na siguro ang edad ang bumungad sa akin. “Sino po kayo?” magalang na pagtatanong ko sa kanya. Nakakatakot nga dahil parang galit siya. “Ikaw ba si Nakeisha?” “Ako nga po. Bakit po?” Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagulat ako noong sinampal niya ako. Sobrang lakas ng sampal na iyon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nasampal. Kahit nga sa theater sa school ay hindi ako pumapayag na ako ang sasampalin, eh. “Ikaw!” Nagulat pa ako sa pagsigaw niya. “Ikaw ang dahilan kung bakit nasa ospital ang anak ko! Napakawalang-hiya mo! Ano ba ang gusto mo? Pera ba ang habol mo sa anak ko?” Sunod-sunod na ang pagsigaw niya. Halos wala na nga akong maintindihan sa nangyayari. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil ramdam na ramdam ko pa ang sakit ng pagkakasampal niya sa akin. Naramdaman ko nalang na may humarang sa aming dalawa. “Excuse me! Ano po ang nangyayari rito?!” galit na sigaw ni Ate Natie. Hindi ko alam na pupunta siya sa bahay ngayon. Salamat naman at dumating siya, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya rito. “Kapatid mo ba ang babaeng iyan?! Pagsabihan mo nga at nagiging oportunista! Ang bata-bata pero ginagamit ang artista para magkapera! Kapag hindi gumaling ang anak ko, ipakukulong kita!” galit na sigaw ulit ng babae. What is going on? Ano ba ang sinasabi niya? “Puwede niyo po bang ipaliwanag kung ano ang sinasabi ninyo? Hindi niyo po siya kailangang saktan. Ano po ba ang ikinagagalit niyo?” mahinahong tanong ni Ate Natie. Tiningnan niya ako pero umiling lang ako sa kanya, ibig sabihin ay hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari. “Ang anak kong si Camilla, nasa ospital dahil sinama ng kapatid mo sa Laguna! Hindi nagpaalam sa akin at nalaman ko na nag-iipon siya ng pera para ibigay sa babaeng iyan! Pagkatapos ay na-aksidente siya kagabi dahil sa kagagawan mo!” Wait . . . si Camilla? Nasa ospital? “Bakit nasa ospital siya?” tanging nasabi ko lang na narinig naman niya kaya sinagot ang tanong ko. “Na-aksidente siya dahil sa iyo! Alam mo bang may mahalagang competition siya na matagal na niyang pinapangarap!? Pero dahil sa kagagawan mo, hindi namin alam kung makakalakad pa siya! Sinira mo ang pangarap niya!” Camilla is a great dancer. She competes internationally at nire-represent niya ang bansa natin kaya laking tuwa namin noong nalaman namin na gusto niyang sumali sa fans club ni Chance. Iba siya kapag si Camilla na fangirl ang kasama namin at iba siya kapag napapanood namin sa stage na nagsasayaw. Hindi pa siya ganoon kasikat pero marami na siyang medalya na maipagmamalaki. Kinausap ni Ate Natie ang Mommy ni Camilla. Galit na galit siya sa akin. Alam niyo ba ang nararamdaman ko? Parang gumuho ang mundo ko. Nakakatawa mang mabasa pero ganoon talaga ang naramdaman ko. Ano ba ang ginawa ko? Kaagad na kumalat sa internet ang pagkakatanggal kay Camilla sa kompetisyon na dapat ay kanyang sasalihan at nadawit ang pangalan ni Chance at ang Chance’s Angels. Marami akong nababasa na puro negatibo tungkol sa akin. Wala man ang pangalan ko sa article na nasa internet ay mababasa mo pa rin sa comments ang “hate messages” nila. Para akong binu-bully ng buong mundo. Nang mabalitaan kong may tumatanggi kay Chance dahil sa mga balitang iyon ay umalis na ako sa Chance’s Angels. Nagkaroon siya ng bashers at sinisisi siya sa nangyari kahit wala naman talaga siyang kinalaman sa aksidente. Iba-iba na kasi ang lumalabas na kuwento sa internet kaya nadagdagan na ito. Hindi nila ako pinayagan na madalaw si Camilla at hindi ko sinabi kay Minmin na aalis ako sa fans club namin. Nalaman nalang niya noong nag-post ako ng pagpapaalam sa kanilang lahat. Alam ko naman na kilala nila akong lahat pero ayoko lang na madamay sila sa g**o. Nalaman ko na hindi pala nagpapaalam si Camilla sa Mommy niya sa tuwing aalis kami para panoorin si Chance. Nalaman ko rin na lahat ng pera o pang-regalo namin kay Chance ay nanggagaling sa kanyang bulsa na sinasabi niyang “sponsor” ng Mommy niya. Nakakalungkot pero hindi ko naman sila tinuruan na magsinungaling para mapalapit kay Chance. Siguro nga, hindi ako naging responsableng admin o Ate sa kanila kaya hindi ko sila na-monitor nang maayos. Naging matagal ang proseso para makabalik muli si Chance sa industriya. Na-depress ako sa nangyari. Hindi ko kaagad sinabi kay Yohan. Mas pinili kong hiwalayan siya dahil sa lahat ng nangyari. NAGISING ako noong maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Si Ashley. “Nakeisha, ano ang nararamdaman mo? Bakit ka umiiyak?” “Bad dream,” maikling paliwanag ko. Nakatulog pala ako sa kotse. Nagyaya kasi siya na gumala kami somewhere pero bumalik din kami sa restaurant dahil marami pa akong aasikasuhin. Itinakas lang talaga ako ng kaibigan ko. Si Yohan naman ay sobrang busy sa work. Nag-away nga kami dahil hindi kaagad niya sinabi sa akin na kasama niya si Apple sa out of town nila. Nalaman ko pa sa iba niyang katrabaho. Balak pa ngang magsinungaling sa akin kaya asar na asar ako. Mas nakakaasar na nagalit din siya sa akin kaya walang nagtetext sa aming dalawa. Bahala siya! Umupo lang kami sa isang table na malapit sa counter. Kaunti lang naman ang tao ngayon kaya wala naman kaming masyadong gagawin ni Ashley. Tumutulong siya sa akin kapag wala siyang ginagawa. Naging tambayan na rin kasi niya ang restaurant ni Daddy. Kada may papasok ay napapalingon kami ni Ashely. Ang taas ng energy ng kaibigan ko, parang hindi nagkasakit. Speaking of sakit, tinanong ko nga kung nagkasakit ba talaga siya o iniiwasan lang si Richie. “Ayaw kong marinig ang pangalan niya,” seryoso ang pagkakasabi niya kaya tumahimik na ako. Napalingon ako sa pinto noong nakita kong pumasok si Chance! Ano ang ginagawa niya rito? Maging ang mga customer ko ay napalingon sa kanya. Halatang kilala siya ng mga ito kaya ang iba sa kanila ay nagpa-pitcure na. Napaka-guwapo naman talaga niya! “Hi, Nakeisha!” pagbati pa niya sa akin. “Ano po ang ginagawa niyo rito?” “May meet-up kami ng Chance’s Angels dito. Gusto mo bang ipakilala kita sa kanila?” Alam kaya niya na kami ang may-ari ng restaurant na ito? Hindi na nga ako nakasagot noong isa-isang pumasok ang mga Chance’s Angels. Mas marami pa rin ang kilala ko sa kanila. Ibang klase, nauna pa si Chance sa venue nila? Kaagad silang dumiretso kay Chance para batiin. Ang iba sa kanila ay napapalingon sa akin at masigla akong binabati. Ang lakas maka-feeling artista nito, ah? “Ate Nakeisha.” Someone called from behind kaya napalingon ako. Hindi ko napigilang maiyak noong nakita kong nakakalakad na ulit siya. Napatayo lang kaagad ako. Ngayon lang ulit kami nagkita at ang huli kong balita sa kanya ay hindi na siya nakasali sa international dance contest na dapat sasalihan niya. Si Camilla. Hindi ko alam kung galit pa rin siya sa akin ngayon. Nakita kong umiiyak na rin siya. Bigla siyang naglakad papalapit sa akin at niyakap ako. “Ate Nakeisha,” pag-ulit pa niya. Niyakap ko rin siya habang umiiyak din. “Ate, s-sorry!” Paulit-ulit niya itong sinasabi sa akin. Napalingon ako sa mga taong nakatingin sa amin. Halos lahat sila ay pamilyar sa akin. Chance’s Angels. Chance is not the only reason kung bakit ko minahal at tinanggap nang lubusan ang pagiging fangirl. It is also because of these people. We are united because of our idols pero hindi lang naman kami nagsasama-sama kapag may event or mall shows sila. Gumagala at nagbo-bonding din kami kapag may pagkakataon. We became friends. Sila ang mga kaibigan mo na lubusang makakaintindi sa problema mo sa usapin ng pagiging broken-hearted sa pagiging certified fangirl. Totoo naman na hindi lahat ng tao ay maiintindihan ito. Bakit sinasabi nila na masarap magmahal ang fangirl? It’s because we, fangirls, are willing to do anything to stay together. We became friends and our bond is exceptional. Isipin niyo nalang na kaya namin maghintay nang matagal para sa mga taong hinahangaan namin. What more pa kaya kung para sa taong mahal namin? Get my point? Isa sa mamahalin mo bilang fangirl ay makakatagpo ka ng mga bagong kaibigan. Not just friends. But a family, and it is called “fans club”. --- “Many people said na wala naman kaming mapapala at walang kuwenta ang ginagawa naming pagsuporta sa isang sikat na tao dahil hindi naman niya kami kilala, makikilala o papansinin. But you know what? Hindi naman iyon ang main goal ng isang fangirl kung bakit patuloy naming sinusuportahan ang aming mga idol, “bonus” nalang iyon kapag napansin pa nila kami. We support them because we wanted to and they make us happy, we are just returning the favor by giving them our full support. That’s it. Give and take relationship kumbaga. They make us happy, we support them. Period.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD