---
Hindi ako makapaniwala na parang nagkaroon kami ng instant get together sa restaurant namin. Pina-reserve pala iyon ni Chance at lahat ng tao na nandoon ay Chance’s Angels. Kasabwat si Ashley kaya pala naisipan niyang magyayang umalis para magkaroon ng time na mag-prepare.
Nagkamustahan kaming lahat na parang walang nangyari. Ang nakahihiya pa ay pinagsalita ako ni Chance na parang ako ang guest nila. Just like the old times.
Nabigla ako noong tawagin ni Chance ang pangalan ko. “Any message, Nakeisha?”
Umiiling ako pero napaka-kulit ni Chance at nilapitan pa ako sa upuan ko sabay bigay ng microphone.
Inanyayahan niya akong tumayo. “Hello,” nahihiyang bati ko sa kanila. “I’m Nakeisha,” dagdag ko pa at ako na ang nahiya para sa sarili ko. Ano ba ang sasabihin ko?
Nag-iisip pa lang ako ng sasabihin ko ay naiiyak na ako.
“Unang-una sa lahat gusto kong mag-sorry sa inyo lalong-lalo na sa mga nakaramdam na iniwan ko sila sa ere. Sorry,” pagsisimula ko. Hindi ko na napigilan na umiyak. May nakita nga ako na umiiyak na rin.
Isa sa nakita kong umiiyak ay si Minmin. “Especially to you, Minmin. Hindi ako nakapagpaalam sa iyo nang maayos. Sorry talaga. Sorry sa mga napagalitan ko noon at napagtaasan ng boses. Sorry sa mga nasabihan ko ng masasakit na salita. Sana hindi na kayo galit sa akin. Sana wala na ang sama ng loob niyo sa akin. Alam niyo naman ang stress na pinagdaanan ng family natin. Namiss ko kayong lahat.”
NAIIYAK pa rin ako kapag naaalala ang mga iyon. Nasa bahay ako ngayon, pinapanood ko ang latest performance ni Camilla, pero hindi sa pagsasayaw.
She is a good theater singer!
Nakapag-usap na ulit kami. Marami siyang sinabi at inamin sa akin. Puro paghingi ng tawad ang narinig ko sa kanya. Hindi pala talaga niya ginusto maging dancer. Pangarap lang iyon ng yumao niyang ama na gustong tuparin ng Mommy niya. Noong una, masaya siya sa ginagawa niya kaya lang nagbago ang Mommy niya sa tuwing nagpa-practice siya. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang higpit nito kaya tumakas siya. Hanggang sa hindi na siya naging masaya sa pagsasayaw.
Lahat ng pagpunta niya sa events namin na may kinalaman kay Chance ay takas lang pala. Nagkakaroon na sila ng problema ng Mommy niya dahil pati ang mga taong kakausapin niya noon ay nililimitahan nito.
Humingi rin siya ng tawad sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa akin, sa fans club at paninira kay Chance, pati na rin ang pagsampal sa akin ng Mommy niya. Maraming connection ang Mommy niya kaya maging ang career ni Chance ay na-apektuhan.
But because of that accident, mas nakilala siya ng Mommy niya. Binibigyan na siya nito ng pagkakataon na magdesisyon mag-isa at hinayaan na rin siyang gawin ang gusto niya. Hanggang sa na-discover niyang maganda ang boses niya. And viola, masayang-masaya na siya sa ginagawa niya.
Iyon lang naman ang gusto ko, ang makita na kinaya ni Camilla.
Bakit? Sa lahat ng member ng fans club na Chance’s Angels, si Camilla, Lianna, Ate Lizze at Ate Deeva ang mga ka-close ko. Parang matagal na kaming magkakakilala kapag nagkakasama.
Sobrang komportable kami sa isa’t-isa. Kaya hindi ko kinaya ang sakit noong ipinamukha sa akin ng mundo na kasalanan ko kung bakit hindi matutupad ang pangarap ni Camilla.
Isang malaking tinik ang nawala sa dibdib ko noong nalaman kong masaya siya sa ginagawa niya ngayon.
Naiinip na ako sa bahay. Nandito dapat si Yohan pero hindi pa ako tinatawagan o tinetext manlang kaya nagtataka na ako. Hindi naman niya papalakihin ang issue naming dalawa, hangga’t maaari ay pinag-uusapan naming kaagad. Nagkakasalubong din naman ang galit namin pero ngayon lang tumagal nang ganito.
Hindi ko alam kung nakabalik na ba sila galing sa out of town or kung nandoon pa sila. Hindi talaga ako mapakali kapag kasama niya si Apple. Takot na kung takot pero ayoko sa kanya at ayoko na kasama niya si Yohan. Magaling siyang gumawa ng paraan para mapaikot ang isang lalaki. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Yohan, iba lang ang pakiramdam ko kay Apple.
Nagbrowse nalang ako sa social media. Bigla kong nakita ang article tungkol kay Chance. Napangiti ako!
“Kaya naman pala blooming at mukhang fresh ka, Chance,” pagka-usap sa picture.
Inamin na niyang nagkabalikan sila ni Mikee, isang singer at magaling tumugtog ng piano. Sa lahat ng naging girlfriend ni Chance, si Mikee lang ang nagustuhan ko.
I mean, she’s very supportive lalo na kapag sumasama siya sa fans niya na kagaya namin. Minsan kasi isinasama niya ang ex-girlfriend niya pero kapag nag-e-enjoy na ay biglang siyang nagpaparinig kay Chance na naiinip na o kaya ay naiinitian, nagugutom at kung ano-ano pang kaartihan.
Tanging si Mikee lang ang hindi umarte kahit halata sa mukha niyang pagod na siya. Nakikita naman niyang masaya si Chance kaya hindi niya ito pinipigilan.
Natigilan ako sa pagbabasa dahil nakita ko ang post ng katrabaho ni Yohan. Yohan's picture with Apple. Hindi lang basta picture! Naka-akbay pa ang naka-topless na si Yohan kay Apple na naka-two piece! Ganiyan na ba mag-out of town ang office!? Meeting at seminar ang pinuntahan nila roon at hindi team building! Well, that’s what he said. Bakit magkatabi sila? Bakit naka-akbay si Yohan? Alam naman niyang magagalit ako sa picture na ganito.
Mas naasar pa ako sa mga kaibigan ni Apple na nag-co-comment na bagay silang dalawa at tinatanong kung sila na ba. Like, what is wrong with them!?
To caught his attention, I liked the picture. Naghintay ako ng tawag niya pero wala.
Nagkataon na tumawag at nakikipagkita si Minmin. Pagkatapos noong pagkikita namin ay nanumbalik na ang lahat sa amin. Although hindi ako bumalik sa fans club, sumasama pa rin ako sa kanila. In-add ako ni Minmin at sinabi pa sa akin na huwag na akong mag-leave kaya kasali na ulit ako sa group nila sa f*******:.
Okay, ibig sabihin pala ay bumalik na ako sa pagiging Chance’s Angels – which is hindi ko naman tinalikuran.
“Saan tayo pupunta?” pagtatanong ko kay Minmin noong sinundo niya ako.
“Saan pa ba? Siyempre, kay Chance!” Hindi na ako nagsalita. I need a stress reliever.
Pagkadating namin, nakita ko na maraming nag-aabang at nanonood kay Chance at habang naglalakad kami ni Minmin ay naririnig ko sa ibang staff na bago magsimula ang shooting ay nandoon na sila para masilayan si Chance. I guess, shooting ito for his music video.
Tiningnan ko lang ang ibang fans, mukhang pagod na sila. Akala niyo ba ay ako ang pinaka-masuwerteng fangirl? Nope. Ah, maybe one of them pala.
Bago ko nalaman na pinsan ni Minmin si Chance, bago maging isa sa admin ng Chance’s Angels at bago matuklasan ni Minmin na fan ako ni Chance ay marami rin akong pinagdaanan at kwento ng kabiguan.
Isinasama ko pa noon si Ashley at matagal kaming pumipila bago makapasok sa event center kung saan kakanta si Chance. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makalapit noon at makapag-papicture sa kanya dahil may susunod pang event at kailangan niyang umalis. Masaya ako na nakita ko siya pero at some point nalungkot ako kasi nag-expect na ako na magkaka-usap o malalapitan ko siya pero hindi nangyari.
May times na hindi kami umaabot ni Ashley sa event na pupuntahan namin dahil sa sobrang traffic o kaya naman ay naliligaw kami. Hindi lang iyon isang beses nangyari. Madalas! Sobrang nalulungkot kami pero gumagawa kami ng paraan para mag-enjoy sa tuwing hindi kami nakaka-abot sa dapat naming puntahan.
Marami pang pangyayari na nakikita ko lang sa malayo si Chance at hindi kami nakakalapit sa kanya.
Another one, noong nagiging maingay na ang pangalan niya at nagkaroon siya ng album. May Chance’s Angels na siya noong mga panahong iyon. Ready na ang lahat na magpapirma ng album ni Chance pero nagkagulo at nagkasakitan kaya na-cancel ang event. Sobrang lungkot namin dahhil dumayo pa kami para makapagpapirma at para makita siya.
Iba-iba ang kuwento ang mga fangirl. Iba-iba ng dahilan, inspirasyon at kwento ng kabiguan. Hindi madali ang journey ng pagiging fangirl. But you will appreciate that journey dahil along the way, nagkakaroon ka ng mga bagong kaibigan.
Minsan, kaming dalawa lang ni Ashley ang pupunta pero uuwi kami na lima na ang kasabay. Get my point? Fangirls are easy to be with. Madaling makipagkaibigan sa mga taong iisa lang ang hilig. Ma-suwerte pa nga ako na may Ashley palagi sa tabi ko kasi may nakikilala kami na mag-isa lang talagang pumupunta kasi gusto lang talagang makita ang idol nila. Astig ’di ba?
Fangirls are approachable.
We all have bad sides. Hindi ko naman sinasabi na “positive” lang ang mayroon sa mga fangirl. May negative ding ginagawa/nagagawa kaya mas maganda kung kikilalanin bago husgahan.
Hindi rin lahat ng tao ay gusto si Chance. Chance has a lot of bashers. A lot! Hindi siya naaapektuhan ng mga ito pero tao lang din naman siya kaya nalulungkot siya kapag may negative comments about him. Siguro, nasanay na rin siya. Hindi naman niya ito pinapansin kasi nagfo-focus siya sa fans niya. Pero ibang usapan kapag binabanggit ang pamilya niya at si Mikee, sinasagot niya iyon lalo na ang kung below the belt na.
Sinasabihan namin ang members na kung mayroon silang hindi magandang comment sa isang artist, they can keep it to themselves lalo na kung mean comments. Baka hindi ma-explain nang maayos kaya nagko-cause ng arguments and misunderstandings. Most of the time nagkakaroon pa ng alitan between fans clubs kaya lumalaki dahil marami na ang na-i-involve. And, that’s not good.
Especially kung ang artists ng mga fans club na involve ay magkaibigan. What’s the point of that argument kung magkasundo naman ang artists, right?
As I was saying, hindi ako ang pinakamaswerteng fangirl. Isa lang ako sa mga maswerteng fangirl na nagkaroon ng pagkakataon na makilala nang lubusan ang aking idol.
“I know what you’re thinking, don't worry. Haharapin ni Chance lahat ng naghintay sa kanya after ng shooting. Kilala mo naman ang isang iyon.” Si Minmin.
“Got it. By the way, what are we doing here?”
“Wala. Baka kasi bored ka sa inyo dahil wala si Yohan. And Ashley’s busy with her boyfriend too.”
“Minmin, you don’t need to emphasize na wala siya. At wala pang boyfriend si Ashley!” Busy siya sa work ngayon. Madalas ang overtime niya.
“Go, ask her.”
“Whatever,” sagot ko nalang. Wala naman masamang magka-boyfriend siya pero siguraduhin lang niya na nakaget-over na siya Richie bago magka-boyfriend. At dapat niyang sabihin iyon sa akin!
Mukhang break-time na kaya naglakad na ulit kami papalapit kay Chance pero may nakabangga ako kaya nagulat ako. “Miss, okay ka lang?” pagtatanong niya. Tumango ako habang hinahanap si Minmin, baka maligaw ako.
“Wait! Nakeisha!” Pagkatapos niyang banggitin ang pangalan ko ay niyakap niya ako kaya nakakabigla. Kilala ko ang boses na iyon.
Si Inno, my ex-boyfriend.
“Inno? What are you doing here?” I asked.
“Assistant director ako sa music video ni Chance. Ikaw?”
“Really? Congrats, finally nakuha mo na ang gusto mo, Inno.”
“Nakuha ko nga pero nawala ka naman,” banat pa niya.
“Hoy, baliw ka! Baka may makarinig sa iyo.” Natawa pa kaming dalawa. Ngayon na nga lang ulit nagkita, nang-aasar pa! Hindi masyadong maayos ang break-up naming dalawa pero nagkaroon naman ng closure. Kahit ano naman ang paliwanag sa break-up, kung mahal mo ang taong dapat pakawalan, hindi mo talaga maiintindihan. Sa una lang naman iyon dahil habang tumatagal, maiintidihan mo ang tunay na dahilan. Puwedeng maintindihan pero hindi lahat ng naiintindihan ay kaya mong tanggapin kaagad. It takes time to heal and understand the reason why someone need to leave.
Wala akong balita sa kanya kaya nakakagulat na assistant director na siya! Nawala na si Minmin. Saan ko ngayon sila hahanapin ni Chance?
“Are you married?” he asked.
“Hindi pa,” natatawang sagot ko. Kaunti nalang, iisipin kong hindi pa siya nakakaget-over sa akin. Ganda rin ’no?
“Wait, may boyfriend ka ba?”
“Sira! Siyempre, may boyfriend ako, kami pa rin ni Yohan. How about you?”
“Wala. Pinakawalan pa kasi kita.” Inirapan ko lang siya dahil halata naman na nang-aasar lang siya.
“Nasaan ba si Chance? Pwede mo ba akong dalhin doon?” pag-iiba ko sa usapan.
“Bakit?”
“Fan ako ni Chance. Samahan mo na ako.”
“Sure, ikaw pa?” sabay kindat pa sa akin. Babaero! Don’t get me wrong, hindi babae ang dahilan ng break-up namin. He studied abroad and long distance relationship did not work with us, so we decided to have separate ways.
Hinatid na niya ako kay Chance kaya naman parang nabura na naman ang mga tao sa paligid ko. Maya maya, nagpaalam na sa akin si Inno. “I’m glad to see you again, Nakeisha.”
“It’s really nice seeing you again, Inno. Kung totoo man ang sinasabi mo na wala ka pang girlfriend, huwag kang mag-alala, makakahanap ka rin. Basta huwag kagaya ko ang hanapin mo, nag-iisa lang ako, eh,” I joked and he laughed.
He hugged me and said, “Take care.”
Nakita ko na tiningnan na ako nang masama ni Minmin pagkatapos ay nagkunwari na may kausap sa cell phone niya. “Ano, Yohan? Si Nakeisha? Kakausapin mo? Kakatapos lang niya kausapin at yakapin ang ex-boyfriend niya,” sabi pa niya pagkatapos ay tumawa.
Kung ano-ano na ang itinanong sa akin. Nakisali pa si Chance sa pagtatanong tungkol kay Inno. Pagkatapos ay binalikan ko naman si Chance sa pang-aasar. “Kaya pala ang ganda ng mood mo palagi ay dahil nagkabalikan kayo ni Mikee,” pang-aasar ko sa kanya.
“Ang arte kasi ni Chance! Magkapatino ka na, ah!” pang-aasar ni Minmin. “May bagong tsismis about you. Nakipagbalikan ka kay Mikee para mapalapit sa isang singer na nakilala mo sa bar at nakita ka pa na may kahalikan!?” pagtatanong ni Minmin. Hindi ko nabasa ang article na iyon. I should check it.
“Don’t tell me naniniwala ka? I love parties and bars but not every girl on that bar. I maybe drunk but I can still respect everyone,” sagot naman ni Chance. Kapag may ganitong tsismis about him, si Minmin kaagad ang gumigisa sa pinsan niya kaya nalalaman namin ang totoo at ang hindi.
Naalala ko ang palagi niyang sinasabi kapag may bagong tsismis about him.
“I don’t like anyone from our family to defend me if I did something wrong. Ayoko rin na makipag-away kayo kapag alam niyong tama ako kahit pa ang dahilan ay protektahan ako. All I want from all of you is your trust. Just trust me. Don’t hurt someone to protect me, okay?”
Another reason to love him!
---
“Sabi nila, hindi kami pinapansin ng mga taong iniidolo namin. Para lang sa inyong kaalaman, marunong silang mag-appreciate ng mga taong naka-a-appreciate sa kanila. Cliché mang pakinggan pero sapat na sa amin ang ma-appreciate kami kahit sa simpleng bagay.”