----
Two weeks!
Two weeks na kaming hindi nagkikita ni Yohan. Something is wrong with him. Binanggit ko sa kanya ang tungkol sa picture nila ni Apple but he did not say anything about it. Pinaparamdam ko sa kanya na naiinis ako at sa tuwing magsisimula ulit ang panibagong away ay sasagutin niya ako ng, “Kei . . . sorry, I’m tired. Can we just talk tomorrow?”
I asked him kung ano ang problema pero wala naman daw. Bakit hindi ako naniniwala? Noong isang gabi lang ay nasigawan niya ako dahil binanggit ko na naman ang tungkol kay Apple. Nagagalit siya dahil wala naman daw akong dapat ika-selos pero nagsisimula na naman daw ako ng away.
I just want to know kung bakit ganoon ang itsura nila sa picture. He has a girlfriend! Hindi naman dapat ganoon ka-close sa babaeng pinagseselosan ko ’di ba?
Sobrang busy ba niya para hindi masagot ang tanong ko?! I have the right to get jealous!
Naabutan ko si Mommy at Daddy na kumakain, magpapaalam na nga sana ako na pupunta sa restaurant pero pinigilan nila ako para sumabay na kumain sa kanila.
“Anak, ipa-aalala ko lang sa iyo na restaurant ang business natin kaya hindi ka dapat nagpapagutom.” Si Daddy.
“Yes, Daddy. Hindi naman po ako nagpapagutom,” sagot ko naman.
“Bakit parang ang tamlay mo? Nagka-usap naman na kayo ng mga kaibigan mo ’di ba?” Si Mommy. And, she is referring to Chance’s Angels noong sinabi niyang kaibigan.
“Wala ito, Mommy. Alam mo naman na wala akong energy kapag maagang gumigising.”
“Basta alagaan mo ang sarili mo,” paalala pa ng sweet na sweet na si Mommy.
“Nakeisha,” pagtawag naman ni Daddy.
“Po?”
“Happy birthday!” sabay na sigaw nila ni Mommy kaya niyakap ko kaagad sila. Kaya gusto ko rin umalis kaagad dahil nagiging extra sweet sila kapag birthday ko at baka mag-iyakan pa kami! Simpleng pagbati lang ito pero napapasaya na nila ako.
“Thank you po! So, dinner with family later?”
“See you later, anak. Mag-iingat ka palagi.”
“Yes, Mommy, Daddy. Mamaya nalang po ulit.”
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako na pupunta sa restaurant. Tumutulong ako sa mga dapat gawin kapag marami kaming customer para hindi sila mainip sa orders at para mapabilis din ang pagdadala ng mga order nila. Medyo maraming tao ngayon, ah? Nagsimula ang pagdami ng tao noong pumunta rito si Chance.
Hanggang sa pagod na ako kaya pinagpahinga na rin ako ng mga employee ni Daddy.
Nabigla ako noong may nagbaba ng drinks sa table ko. “Hindi ako umorder—,” magsasalita pa sana ako pero nakita ko si Inno kaya hindi ko na ito tinapos. “Inno? What are you doing here?”
“Don’t worry, that’s my treat. You should try that drink. This is my new favorite place.” Too much compliments. Treat daw niya at favorite place. “Happy birthday!” dagdag pa niya. Naks, ang galing pa rin talagang maka-alala.
Kinuha ko ang libre niya sa akin. “Thank you,” sabi ko pa pagkatapos ay umupo siya sa tapat ko.
“Paano naman nangyari na naging favorite place mo ang lugar na ito? Last time I checked, you hated restaurants kaya nga ayaw mo kapag nagde-date tayo ’di ba?” pang-aasar ko pa sa kanya. Hindi naman lahat ng sinabi ko ay totoo. Ayaw lang niya na madalas kami lumabas noon dahil mas gusto niyang ipinagluluto ako. Before anything else, naaalala ko lang ito, ah? Wala naman itong ibig sabihin. Nagtaka nga rin ako na nandito siya ngayon.
He smiled and said, “I love this place and how you managed it. So . . . how is the birthday girl? Dapat day off mo ngayon.”
“Bolero. Okay lang naman ako. Gusto ko rin naman na nandito lang.” I lied. Ito na yata ang pinakamalungkot na birthday ko dahil hindi pa ako binabati ni Yohan. May kulang kasi kapag wala ang pagbati niya. Magiging masaya ka sa birthday greetings ng mga kaibigan mo pero malulungkot ka pa rin kung walang message ang inaasahan mo ’di ba?
Speaking of greetings, nagtext na siya!
From Hon: Happy birthday, Hon. Enjoying your birthday with your ex?
Kaagad akong napalingon to see him standing outside with gifts and flowers. But, something is wrong. Hindi siya nakatingin sa akin. He is looking at Inno.
Lumapit siya at dumiretso sa amin ni Inno. “What’s this?” maangas na pagtatanong pa niya. Basta nalang din niyang ibinaba ang flowers at gifts sa table.
“Yohan,” pagbanggit ko sa pangalan niya. Kaagad siyang lumapit sa akin at inilayo ako kay Inno. Magkakilala silang dalawa kaya alam kong nagseselos si Yohan sa kanya. Hindi ko naman gustong makita niya kami rito. Nagkataon lang na nagpunta si Inno at nakita ni Yohan. We are not doing anything. Hindi kagaya ng pag-akbay niya kay Apple ’di ba?
“Wait, chill lang, Yohan. Pumunta lang ako rito to greet her. There is nothing to worry.”
Pagkatapos ay nagpaalam na rin si Inno. Hindi pa rin inaalis ni Yohan ang tingin niya kay Inno hanggang sa nakalayo na siya sa amin.
Pinaupo ko si Yohan. “So, you decided to show up?” inis na sabi ko sa kanya.
“Ganiyan ang isasalubong mo sa akin?” He’s angry! Sa akin pa siya galit?
“Ano ba dapat, Yohan? Thank you sa flowers at gift? O gusto mong itanong ko kaagad sa iyo ang tungkol kay Apple?”
“What about Inno?” Come on. Paano kami magkakaintindihan?!
“Sige, sabay tayong mag-explain para lalo tayong hindi magkaintindihan. I tried to talk to you para sana magka-ayos tayo bago ang birthday ko pero ewan ko sa iyo. Tinatanong ko lang naman kung bakit kayo close, hindi mo pa masagot. Ang lagay, parang ako pa ngayon ang dapat mong tanungin dahil nakita mo si Inno? Ako pa pala ang may kasalanan?” Nakakainis siya!
“Ano ba ang gusto mong i-explain ko sa iyo? You were close minded when it comes to Apple.”
Sumingit ako. “Same with you.”
“I don’t like her and I made myself clear. Kung gusto ko si Apple, hindi na dapat ako bumalik ’di ba? Wala sana ako sa tabi mo. Pero ikaw ang mahal ko. Ikaw lang, Nakeisha,” he explained. Tama naman siya. Bakit hindi niya kaagad sinasagot ang tanong ko? May ganitong banat naman pala siya. Kung sinabi kaagad niya ito, hindi na sana ako nag-o-over-think!
“I know. Wala ka rin naman dapat ika-selos kay Inno.” Nagkatinginan lang kami. Totoo rin naman na wala siyang dapat ika-selos kay Inno. Matagal na kasing tapos kung ano man ang mayroon sa amin.
“Sorry,” sabay na sinabi pa naming dalawa pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko. Muntik pa akong maiyak dahil namiss ko siya!
Pinag-usapan namin ng maayos ang pinagtalunan namin. Kung paano kami nagkita ulit ni Inno at kung bakit ganoon ang picture nila ni Apple. At sa wakas, sa tagal ng pagpapaliwanag ng bawat isa ay naintindihan na rin namin.
“By the way, may work ka, ah? Bakit nandito ka?”
“Nag-leave ako. Let’s get married,” casual lang ang pagkakasabi niya. Madalas siyang ganito kaya iniirapan ko siya. This time, sinamaan ko siya ng tingin. Waiting for his real answer. “Of course, it’s your day! It’s my girl’s special day,” seryosong sagot naman niya. And . . . he is back!
Special day ko nga! Bakit siya ang nag-leave!? Tumayo siya para ipagpaalam ako sa mga empleyado ni Daddy pagkatapos ay sumakay sa kotse niya.
“Bakit nga pala pinuntahan ka ni Inno? May usapan ba kayo?” Here we go again. Ganito siya magselos, madaming itinatanong.
“Wala ’no. Nagkita lang kami few weeks ago sa shooting ni Chance. Nagulat nga ako na alam niya ang lugar na ito, favorite place daw niya.”
“Siyempre naman, nandiyan ka kaya favorite place na niya. So madalas na siyang magpupunta rito?”
“Ewan ko lang sa kanya.”
“Okay.”
“You have nothing to worry nga raw ’di ba? We are just friends. Matagal na kaming tapos, okay?”
He smiled and kissed me. “Naniniwala naman ako.”
“Good. Bakit tayo aalis? May dinner naman tayo mamaya.”
Humarap siya sa akin. “About that, hindi kasi ako pwede mamayang gabi. May aayusin kaming production sa Bulacan at kailangan nila ako roon. Sorry, babawi nalang ako sa iyo.”
“Okay,” sagot ko nalang. Hinalikan niya ako sa noo at humingi ulit ng tawad dahil hindi siya makakasama mamaya sa dinner namin.
Marami palang wala mamaya. Every year may dinner kami pero ngayon lang yata ako hindi excited. Kada taon may kulang naman pero ang iba ay humahabol kaya napapasaya pa rin ako. Kung wala si Yohan mamaya, sigurado ako na busy talaga siya. Hindi naman siya tatakas sa dinner kung hindi talaga siya busy. But I understand. I need to understand.
Exclusive mamaya ang restaurant ni Daddy para sa dinner namin mamaya kaya pati ang singer ay sila ang pumili. Bahala na nga mamaya. Anyway, literal na pangalan ng restaurant ni Daddy ay “Restaurant ni Daddy”. Ang tamad nilang mag-isip ng pangalan noon, eh.
Habang nasa biyahe, hinahawakan ni Yohan ang kamay ko.
“Are you still thinking about my picture with Apple? Sorry kung hindi ko kaagad sinabi sa iyo ang dahilan. Sobrang stress ako ngayon at ayoko na magkasagutan tayo. I was drunk at tinawag nila ako para sa picture. Pumayag nalang ako para matapos at maka-uwi na kami. Sorry,” pagpapaliwanag ulit niya.
“I was thinking about the dinner later. Wala ka mamaya, eh.” Halata sa boses ko ang pagiging malungkot sa mga oras na iyon. I can’t pretend. This is really important to me. Everyone is busy so I need to understand.
“Sige, susubukan kong humabol pero hindi ako nangangako. Besides, kasama mo naman ako ngayon and we are going to celebrate your day.”
“Yes, yes. Fine.”
We went to our favorite restaurant. Kung saan kami unang nag-date na nasundan pa ng maraming dates. Everything in this place is so memorable. Ang dami namin memories dito.
Nagku-kuwentuhan lang kaming dalawa habang kumakain. Masayang-masaya siya habang inaalala ang moments namin with our exes. Ang lakas ng trip ’no? Naghahanap na naman yata ng ikakaselos niya.
“Remember when Inno hugged you when he came back? I swear, that moment, akala ko magiging kriminal ako.” He laughed. “Nakita ko siya na niyayakap ka nang mahigpit! Sa pagkakaalam ko ay may date tayo noon. Nabugbog ko tuloy siya dahil hindi pala niya alam na may boyfriend ka na noon.”
“Yes, I remember that. Nabigla nga ako sa ginawa mo.”
“Ang mas nakakaasar pa ay niyakap mo rin siya! Kitang-kita ko iyon kaya badtrip na badtrip ako.”
“After ko naman siyang yakapin ay sinabi kong may boyfriend na ako. Tapos dumating ka at sinuntok mo kaagad siya!” Ang defensive ko naman yata?
“Pero hindi ko iyon pinagsisihan. Muntik ko na ngang ulitin kanina!” Baliw talaga. Nanununtok kasi talaga siya kapag nakitang sweet ako sa lalaki.
“Baliw ka. Kalilimutan mo ba si Trix? Break na kayo pero noong nalaman niyang nililigawan mo ako ay sinugod niya ako sa classroom namin para sabihin na malandi ako? Grabe iyon! First time ko na lumaban sa babae dahil pinapahiya niya ako!” Pag-alala ko naman sa ex-girlfriend niya.
He laughed again. Naiinis pa rin ako kapag naaalala ko iyon! “It’s okay, Hon. Narinig ko lahat ng sinabi mo noon at kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Ilang linggo mo kaya akong iniwasan dahil asar na asar ka kapag sinusugod ka ni Trix.”
“Sino ba kasing matutuwa na araw-araw ay iba-ibang ex-girlfriend mo ang lumalapit sa akin!?”
He holds my hand. “But I was broke when you decided to leave me. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali sa iyo. Kung nasaktan ba kita noong nagkasagutan tayo o kung may bago kang pinagseselosan. Sa tuwing pumupunta ako sa bahay niyo ay pinipigilan ako ni Tito dahil dapat daw intindihin kita. I was confused dahil hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo.” Bigla siyang naging seryoso.
“Natakot din ako sa desisyon na nagawa ko noon. Inamin ko sa sarili ko na naging tanga ako na sa lahat ng bibitiwan ko ay isa ka sa napili ko. Eventually, hindi ko kinaya lalo na noong nakita kitang masaya na may kasamang iba. And I realized na hindi ko kayang panindigan ang desisyon ko.”
“Ang mahalaga naman ay nagkabalikan tayo ’di ba?”
“I know and I'm so thankful. By the way, bakit natin ito pinag-uusapan?” I asked. Na-curious na kasi ako.
“It’s for you to realized that we’ve been through a lot at hindi babae o lalaki ang sisira sa relasyon natin. I won’t let that happened. I won’t let it happened.”
“Thank you. I love you so much, Yohan.”
“Happy birthday, Nakeisha. I love you too.”
He sealed our date with a passionate kiss.
---
“Marami ang hindi nakakaintindi sa amin. Kagaya na lamang kapag may mga nag-aaway. Isang malaking misunderstanding lamang iyon na nauuwi sa paligsahan kung sino ba ang mas sikat at mas magaling sa mga sinusuportahan namin. Nakaluungkot man pero marami talagang fangirls na hindi ma-control ang nararamdaman at pagka-inis sa mga taong against sa idol nila kaya may mga nasasabi o nagagawang hindi maganda. But let me remind you na nagagawa lang iyon ng ilan sa amin dahil sa labis na pagmamahal at suporta sa kanila.Wala naming mag-aaway kung walang magsisimula at kung magfo-focus lang sa mga taong sinusuportahan. Mahirap man gawin pero pwedeng magbago kahit kaunti basta simulan ang disiplina sa sarili. Just remember, hindi porke’t fangirl kami ay wala na kaming nagagawang iba sa buhay namin. Nagkakamali ka kung ganoon ang iniisip mo, marami pa kaming kayang gawin.Kung kaya namin ipaglaban/ipagtanggol ang idols namin, mas kaya namin ipaglaban ang mga mahal namin sa buhay.”