Fangirling Mode 9

2130 Words
--- Dinner with family. Routine na ng family namin ang mag-dinner sa tuwing may birthday. Since ako na ang pinag-aasikaso ni Daddy sa business niya ay sa restaurant nalang na ito kami kumain. Nandito na nga sina Nanay, Tatay, Tito, Tita, mga pinsan ko, Ate Natie at ang asawa niya, pati na rin ang baby girl ng lahat na si Lala. Nandito rin ang mga kaibigan ko. Hindi naman mawawala si Ashley ’no. Sina Minmin at Chance naman ay nag-out of town daw at bukas pa ang uwi kaya hindi makakapunta. Ang wala lang ngayon ay si Yohan. Nakailang ulit na nga ako sa kanila na may trabaho si Yohan. Paulit-ulit ang pagtatanong kaya mas nalulungkot ako na wala siya rito. Kasama ko naman ang mga mahal ko kaya nag-e-enjoy pa rin ako. Lumapit sa akin si Ashley na may kausap na naman sa cell phone niya. Kanina pa iyon tapos parang kinikilig pa! Baka totoo nga ang sinabi ni Minmin na may boyfriend na ito, ah? “Mamaya ka na nga tumawag. Busy ako,” narinig ko pa ang masungit na sagot niya sa kausap pero ang expression naman niya ay nakangiti at halatang kinikilig. Talent niya iyan. “Busy pa rin ako mamaya at bukas. Huwag ka na kasing tumawag. Ayaw mo na kinukulit ka pero ikaw itong makulit.” Ang sungit ng tono niya pero nakangiti pa rin ang bruha. Binabaan na niya ang kausap kaya hinarap na niya ako. “Sino iyon?” tanong ko sa kanya. “Si Richie. Napakakulit, eh.” Tama ba ang pagkakarinig ko? “Si Richie? Bakit siya tumatawag sa iyo? Nililigawan ka ba niya?” Inirapan niya ako. “Gulat na gulat talaga, Nakeisha?” “Totoo ngang nililigawan ka niya? Akala ko binibiro lang niya ako. Paano nangyari iyon? Halos itaboy ka niya kapag nakikita ka? Care to share it with your best friend?” I emphasized the word best friend para malaman niya na kailangan talaga niyang magkuwento! “I don’t know. Basta isang araw bigla nalang siyang pumunta sa bahay, nagkataon na wala ako roon kaya naabutan niya si Papa at ang mga kuya ko tapos nagpakilala pa siyang manliligaw ko. Kilala mo naman ang mga lalaki sa buhay ko, kaya hindi kaagad siya pinauwi nila Papa! The rest is history. Ha! Ang ganda kaya ng best friend mo!” “Bakit sinusungitan mo pero halatang kinikilig ka naman diyan?” “Malay ko ba kung seryoso siya ’di ba? Hindi lang naman ikaw ang nagtataka kasi alam mo naman na every time na nakikita niya ako ay pinapalayo talaga niya ako. Tapos biglang ganito? Weird ’di ba?” “Ashley, hindi iyan weird. Matagal na siyang may gusto sa iyo. Ewan ko ba sa inyong dalawa, ang arte niyo.” “Wow naman! Kumain na nga tayo!” Maya maya ay nagpaalam na ang mga kamag-anak namin lalo na sina Nanay at Tatay na bawal mapuyat. Nabigla nga ako na pati si Ate Natie ay uuwi na rin dahil may event sa school bukas at kailangan nilang mag-prepare ng mga gamit at kailangan din niyang matulog para makapagpahinga. “Ang aga pa, eh,” nagpapa-awang sinabi ko kay Ate Natie. Effective pa kaya? “Ipa-aalala ko lang na hindi ka na bata kaya huwag kang magpa-awa dahil hindi na iyan gagana sa akin. Happy birthday again.” Hindi na effective! “Fine! Thank you! Ingat kayo!” “Good night, baby girl!” sabi ko naman kay Lala at hinalikan ko siya. Nag-decide na rin na umuwi sina Mommy at Daddy dahil gabi na rin naman. Ang mahalaga ay nakasama ko sila ngayong birthday ko. Naiwan kami ni Ashley at ang ibang kasama namin sa restaurant para maglinis. “Ms. Nakeisha, kami na po ang bahala rito. Pwede na po kayong umuwi at magpahinga.” “Sure kayo, Grace?” “Oo naman po. Mag-iingat po kayo! Happy birthday po ulit.” “Thank you!” Nagpaalam na kami sa iba at umuwi na kami ni Ashley. Habang nagda-drive siya, napansin niya na tinitingnan ko ang cell phone ko kaya nagtanong na. ”Hindi ba nagtetext sa iyo si Yohan?” “Hindi pa. Baka sobrang busy.” “Busy talaga iyon,” bulong pa niya pero hindi ako sigurado kung tama ang pagkakarinig ko. “Paano mo nalaman?” I asked. “Sa work! Busy talaga siya sa work tsaka sinabi rin sa akin ni Richie.” I smiled. Puro Richie na siya! “Finally, umamin din siya sa iyo?” Kinikilig na naman ang kaibigan ko. “Lucky me,” sagot pa niya habang nakangiti. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa biyahe pero parang hindi kami umuusad dahil sa sobrang traffic. Nag-check ako ng account sa social media. Instant celebrity naman ang feeling ko dahil binati ako ni Chance sa Twitter at i********:. Ang dami na rin tuloy ang bumati sa akin. Napangiti lang ako at nireplyan silang lahat. Bigla akong may naalala. Oh no! “Ash, puwede ba tayong bumalik sa restaurant? I forgot my laptop!” “Huh? May bukas pa naman, eh!” “No, please. May dapat pa akong tapusin dahil may aasikasuhin pa ako bukas. Sige na. Remember, it’s still my birthday.” She rolled her eyes. Ang galing ko rin kasi gumawa ng reason ’di ba? Birthday ko pa naman talaga kaya napilit ko siya. Noong makakita siya ng U-Turn ay kaagad naman siyang bumalik. “Kaya mahal na mahal kita, eh!” I cheered. “Naku, tigilan mo ako!” “Pakiss nga, Ash!” pagbibiro ko pa sa kanya. Ayaw niya ng ganito ako dahil hindi raw bagay sa akin pero madalas siyang ganito sa akin kaya kapag ginagaya ko siya ay naiirita siya! Nagpark ulit siya sa tapat ng restaurant. Nakapatay na ang mga ilaw, ibig sabihin ay nakauwi na rin sila Grace. Nagpapasama ako kay Ashley sa loob pero ayaw na niya akong samahan. Napaka-arte! Binuksan ko ang ilaw para makita ko ang dinadaanan ko pero walang nabubuksan. Baka pinatay na rin nila ang general switch. Ginamit ko nalang ang ilaw ng cell phone ko. Dumiretso kaagad ako sa cabinet kung saan ko itinabi ang laptop ko. Nakarinig ako ng konting kaluskos, baka sumunod si Ashley. Wala naman sigurong magnanakaw o multo ’di ba? Bigla akong kinabahan noong narinig ko na sumara ang pinto sa labas. Lalabas na rin sana ako noong nakuha ko ang laptop ko pero na-untog ako sa matigas na kung ano. Nabitawan ko tuloy ang cell phone ko kaya hindi ko na makita ang paligid. Kinapa ko kung ano ang natamaan ko. “Sino ka?” pagtatanong ko sa taong nasa harapan ko. Yohan? Nagulat ako noong bigla niya akong hinawakan sa bewang papalapit sa kanya. I’m sure, this guy is Yohan. His scent, arms, hair, face (even if I can’t totally see it) and body. “Yohan, what are you doing? Turn on the lights.” I heard his laughed. Confirmed, he is my Yohan. Bigla nalang niya akong hinalikan. He is always demanding when he kissed me so I gave him what he wanted, I kissed him back. “Happy birthday, hon,” he said before kissing me again. Pinakawalan lang niya ako sa paghalik noong nawalan kami ng hangin. Niyakap niya ako ng mahigpit. “Thank you. But can you please turn-on the lights first?” He laughed. “Answer my question first.” “Ano?” “Who is Yohan?” I want to laugh. He also tries to change his voice. “Hon, puwede ba? Kilalang-kilala ko ang pagkatao mo kaya hindi mo ako maloloko. At alam na alam ko kung paano ka humalik. Sa tingin mo, hahalikan din kita kung hindi ako siguradong ikaw iyan? Minamaliit mo naman yata ako!” Narinig ko na napa-buntong hininga siya. “Fine. Pero hindi ko pa rin bubuksan ang ilaw.” “Bakit naman?” “Answer my question first.” “Ano na naman?” “Let’s get married?” That is not a question! It’s a senstence pero ginawa lang niyang patanong ang married para magmukhang question. Natawa ako! Baliw talaga siya. “What do you think, Nakeisha Noreen Ubaldo? Let’s get married.” Ngayon lang nagsink-in sa akin kung ano ang sinasabi niya. “Let’s. Get. Married.” Inulit niya pero hindi na iyon patanong. Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay na maliit na box sa kamay ko. “Take it or throw it,” sabi pa niya kasi baka kinakabahan at naiinip na sa sagot ko. Siya lang ang kilala ko na nagyayaya ng kasal na ganito ang style! But still, I love him! “Okay,” tanging sagot ko lang. “Okay? As in okay, okay?” Kahit ako ay naguluhan sa tanong niya. “Let’s get married, Yohan James Quijano.” “I love you and happy birthday, Nakeisha!” After that, hindi niya ako hinintay na magsalita. Hinawakan niya ang kamay ko na hawak ang maliit na box pagkatapos ay hinalikan ako. It was a very long and passionate kiss. Finally, binuksan na niya ang ilaw. “I want to see my future wife’s face when I put this ring on you,” he said and kissed my head. He slowly open the box. It was a simple yet elegant ring with a small diamond in the center. Simple lang talaga na bagay sa kamay ko kasi manipis lang ang singsing na ito. I bet, kahit ano ang itsura ng singsing na ito ay magugustuhan ko. Nang maisuot na niya ang singsing ko ay hindi ko na napigilang umiyak. We are engaged. It only means that he is sure with me and I’m so happy that finally, someone chose me to be part of his life. What I’m feeling right now is so . . . perfect and unexplainable! “Hey, Nakeisha, why are you crying?” “I don’t know. I’m the happiest girl in the world because of you, Yohan. You have no idea how much I’m thankful to have you back in my life. I know, I have a lots of flaws and short-comings but you are still with me. You chose to stay with me. Hindi ko na nga alam kung may tatanggap pa sa ugali ko kapag iniwan mo ako. Wala na akong makitang future kung hindi kita kasama,” I said it while crying. Hindi lang basta iyak na madaling mapatahan. I’m so surprised! I did not expect this! Pinag-uusapan namin ang tungkol sa kasal at pamilya pero hindi ko akalain na ngayon niya ito gagawin dahil alam ko na busy siya. I love him so much. “Sshh, you have no idea how blessed I am to have you. Don’t give all the credits to me because you also accepted me for who I am.” Pinahiran niya ang mga luha ko at hinalikan sa noo. “Tahan na. Hindi naman kita pinapaiyak, eh.” Natawa naman ako sa sinabi niya pagkatapos ay kinuha niya ang cell phone ko na nahulog kanina. “Ibili mo ako ng bagong cell phone! Binagsak mo iyan, eh!” “Kahit ilan pa!” Inalalayan niya ako palabas. Nagulat ako noong nakita ko pa sina Mommy at Daddy pati na rin ang mga nagsabi na hindi makakapunta like Minmin! Iba na rin ang set-up ng restaurant. Para akong nasa paradise na pinaliligiran ng flowers. Flowers that made of recycled papers! Ginawa raw niya iyon dahil hindi malalanta ang pagmamahal niya sa akin. Ang corner kung saan may kumakanta kapag may banda sa restaurant ay parang naging debut ang pagkakaayos na may upuan sa gitna. Doon ako pinaupo ni Yohan. “Bakit?” tanong ko pa sa kanya. Alam nilang lahat ang plano niya? “Akala namin hindi na kayo lalabas sa sobrang tagal niyo, eh!” sigaw naman ni . . . Francis! Yohan’s best friend. Nagtawanan naman sila. Loko talaga siya! Hindi ko rin napansin kaagad na nandito siya. Maraming tao ang nakikita ko kaya sobrang na-o-overwhelmed ako ngayon. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. What a surprised! Punong-puno ng iba’t-ibang style ng flowers ang paligid. Iba’t-ibang kulay ng lights at may mga cute na kung anumang nakasabit sa taas. “I want all of you to meet my fiancé, Nakeisha Noreen Ubaldo!” Lahat sila nag-chi-cheer sa amin ni Yohan. Kung ano-anong kalokohan, sayaw at pagbati ang natanggap namin ni Yohan. Baliw talaga. Hindi ko kaagad napansin na nandoon din pala si Chance at ang Chance’s Angels! Lumapit ako sa kanila at niyakap ko silang lahat! I knew it! Kaya pala busy silang lahat ay dahil tumulong sila sa preparation na ito. “Camilla! Napanood ko ang play niyo last week, you are so good!” sabi ko pa sa kanya. “Thank you po! Congratulations, Ate!” ganting bati naman niya. Hinarap ko naman ang iba. “Ate Deeva, Lianna, Ate Lizze and Minmin! Kayo pala ang mga kasabwat, ah! Thank you guys!” Isa-isa ko silang niyakap at hinalikan. Nag-e-enjoy kaming lahat pero nakasimangot si Chance. “Problema mo?” “You’re getting married,” sabi pa niya kaya natawa kaming lahat including his girlfriend and fiancé too. Look who’s talking. “And?” “Ibig sabihin ay hindi ka na magpapakita sa akin kasi itatago ka na ng lalaking iyan!” Lahat sila natawa sa sinasabi ni Chance. Napa-iling nalang si Yohan sa kalokohan ng idol ko. Please remind me, bakit ko nga ba siya naging idol? After ng kakulitan namin ni Yohan ay nag-party na ang lahat! “You never failed to surprise me, Hon! Thank you for everything!” “Are you ready to be Mrs. Quijano?” “More than ready, Mr. Quijano!” He sealed our conversation with the sweetest kiss. It’s from my future husband! --- “Walang kuwenta ang pagiging fangirl? Maraming beses ko na iyan narinig pero hindi ako nakikipagtalo dahil hindi naman talaga lahat ng tao ay kaya kaming intindihin. Mayroon naman kaming buhay bukod sa pagiging fangirl. Marami pa kaming kayang gawin bukod sa pagsuporta sa isang tao. Kaya namin ibalanse ang pagiging fangirl at ang buhay namin. Kaya nga masarap daw magmahal ng fangirl dahil we find ways to balance everything while enjoying it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD