Fangirling Mode 10

1923 Words
--- I can’t believe this is happening right now. Before this day, I am just an ordinary schoolgirl who happened to be Chance’s fangirl, Yohan’s girlfriend, admin of Chance’s Angels and Ashley’s best friend. I had a simple yet challenging life. Do I deserve all of these? Wala sa plano na maging isa akong certified fangirl, business woman at photographer. Sinusunod ko lang kung ano ang gusto ko. Certified fangirl? Hindi ito kasama sa plano dahil bigla ko nalang naramdaman ang inspirasyon mula sa musika ni Chance hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Sinubukan kong huminto dahil maraming nangyayari pero . . . bumabalik pa rin ako sa pagiging fangirl. Tama nga siguro sila. “Once a fangirl, always a fangirl.” “A fangirl will always be a fangirl.” Business woman? Noong una ay pinagbigyan ko lang ang parents ko sa napili nilang kurso para sa akin pero dahil minahal ko na ang ginagawa ko, natuto ako sa maraming bagay at naging masaya sa trabaho. Iyon naman ang importante ’di ba? Ang maging masaya sa ginagawa mo. Nag-enjoy ako kaya inaral ko lahat para matuto akong alagaan at pamunuan ang restaurant ni Daddy. Photographer? It’s just a hobby! I love how photographer turns someone or something to be perfect. Ang sarap sa feeling kapag maganda at kuhang-kuha ang shot na gusto mo ’di ba? I was impressed with their photos so I dream to be one of them. And luckily, famous photographer and my best friend’s boyfriend, Richie, made it possible! And now, an author? Insane! I know, right! Inaamin ko naman na I had lots of inspirations on creating this book pero I’ve never thought that publishing my work is possible! The book was entitled “Certified Fangirl”. Obviously, Maximus Chance Castillo is my secret recipe. I was so depressed when I decided to leave his fans club and because of the issues with my life. It’s because we became friends and at some point, I hurt them. The only way for me to survive during those days is to let it out. Hindi kasi madali ang pinagdaanan ko noon. Pakiramdam ko nakakabigat na ako sa ibang tao. That feeling sucks! Hindi ko naman ito pinili. Sadyang dumating lang sa punto na kahit ang sarili ko ay hindi ko na rin maintindihan. Ginamit ko ang halo-halong emosyon at magulong pag-iisip para mabawasan ang depression ko. That’s how I created this book. Maybe for someone, it is just an ordinary book. But not for me. For me, it’s my life. I put so much effort, feelings and . . . just everything. I wrote every feelings I had during those times. I asked for everyone’s help just to surpass that stage. I was afraid to have people around me. Palagi akong may iniisip na kung ano-ano. Iyong tipong kahit maliliit na bagay ay pinoproblema ko pa. Thank God! He gave me people who supported me until the end. Until I regained myself again. “Hon, are you ready?” Yohan asked. Of course, I can’t do this alone. Still thankful that he supports me on everything. Everything! “No, I’m not okay. Kinakabahan ako! Paano kung wala naman magpunta at magmukha lang akong tanga sa stage?” Iyon talaga ang nasa isip ko ngayon. Wala naman akong laban sa mga magagaling at sikat na author. Hindi naman sa nakikipag-compete ako sa kanila. Iniisip ko lang na baka sa sobrang daming magaling na manunulat sa mundo ay hindi na mabigyan ng chance ang libro ko. Wala akong ideya kung ano ang mangyayari sa araw na ito. Hinawakan niya ang kamay ko. “Ngayon ka pa kakabahan? Ang dami mo na kayang pinagdaanan. Just remember this, lahat ng tao na pumunta rito ay mahal ka. Lahat ng taong pupunta para suportahan ka ay ma-a-appreciate lahat ng gawin mo. Hindi sila mag-e-expect ng kung ano-ano sa iyo dahil tatanggapin ka nila kahit ano ang mangyari. You can do it. Easy lang ito sa iyo.” Hinalikan niya ako sa noo. “Thank you, Hon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko.” He laughed. “Mababaliw naman ako kung wala ka sa buhay ko.” Nakuha pa niyang bumanat ni Yohan! “Baliw!” mabilis na sagot ko sa kanya. Ang bilis ng pangyayari sa buhay ko. Pinaghahandaan pa namin ni Yohan ang kasal naming dalawa pero nakatanggap na naman kami ng blessing. Sinubukan ko lang naman na ipasa ito sa isang sikat na publishing company dahil nabasa ito ni Yohan at nagandahan siya. Hanggang sa ipinabasa niya iyon kay Ashley na sinabihan din akong magpasa ng manuscript. Marami pang blessing ang dumating sa amin. Ang sa akin ay ang pagiging author. At si Yohan naman ay na-promote sa trabaho. May book signing kami ngayon at isa ako sa mga author na napili nila. Maya maya ay may lumapit na staff sa amin para ipaalam na malapit na magsimula ang event. Kinakabahan na talaga ako na parang anytime ay mahihimatay ako rito o kaya ay lalabas ang puso ko na sobrang bilis ang pagtibok. Lumapit sa akin si Yohan. “Bago ka mahalin ng maraming tao, tandaan mong ako ang hindi nang-iwan sa iyo.” Baliw talaga! Kinakabahan na nga ako ay bumabanat pa! Hindi nauubusan ng banat! Ibinaba niya ang isang libro sa table ko kaya tiningnan ko lang siya. “Sign the book for me, hon,” he requested. I rolled my eyes. “Tigilan mo nga ako. Kinakabahan na nga ako, nangungulit ka pa riyan.” “I’m serious. I want you to sign this book for me.” I smiled. “Okay, fine!” To my future husband, Yohan James, I seriously don’t know how to start this or if I am signing this book or just giving you a dedication as if I am writing on your notebook. Haha! I told you, I don’t know how to do this. But since I have a chance to write something for you, might as well I'’l write something that came from my heart. I am really thankful to have you in my life. I won't stop saying it because words are not enough to know how thankful I am! You are the strongest man I've ever met. I love you so much. Bahala ka nga. Just turn to page 143. Words with underline are for you! From your loving wife, Nakeisha Noreen. Pagkatapos ay ibinalik ko na kaagad sa kanya bago pa kami tawagin ng isang staff. Pinaupo nila kami sa may mahabang table. Naririnig ko na ang mga tao na kanya-kanyang pagsigaw sa pangalan namin at kapag tumingin naman kami ay kumakaway sila. Maraming tao kaya mas kinakabahan ako dahil paano nalang kung hindi naman pala ako ang pinuntahan nila rito? Baka lagpasan nila ako, eh. Nagsisimula na magbigay ng introduction ang host. Ipinapakikala kami at nagbibigay ng trivia tungkol sa amin. Hanggang sa ipinakilala na ako at binanggit ang pangalan ni Chance kaya naman nagkagulo na ang lahat. Akala yata nila ay nandito siya ngayon. Bigla nalang kami nakarinig ng nagkakagulo. May hinaharang ang mga security guards habang may mga sumisigaw na tao. Kinabahan na kami. Nagkatingin lang kami ni Yohan at tinanong ko kung ano ang nagyayari, itinaas lang niya ang balikat niya at umiling. “Nakeisha! Gusto kong makita si Nakeisha!” Hanggang sa nakarinig na kami na sigaw. Tinawag niya ang pangalan ko? Kaboses siya ni Chance pero malabo naman na hindi papasukin si Chance ’di ba? Hinarang lang din naman ang lalaking sumisigaw dahil nanggugulo siya. Nilapitan siya ng host. “Oh my god! Si Papa Chance naman pala!” Isa-isa niyang tinapik ang mga kamay ng guard pagkatapos ay pinalayo niya kay Chance kaya nagtawanan ang mga tao. What? Ano ang palabas ito? “Hi,” pagbati ni Chance sa binabaeng host na may kasama pang kindat. May angking kaharutan din ang isang ito. “Papa Chance, ano ang ginagawa mo rito?” “Nandito ako para kay Nakeisha. Okay lang naman siguro kung sisingit ako sa pila niyo at ako ang unang magpapapirma sa kanya ’di ba?” Nagsigawan ang mga tao at ang iba ay kinikilig pa. Noong sinabi ko na iba, kasama roon ang kilig na kilig na host. Pumayag naman silang lahat. Kahit hindi naman yata ay wala silang magagawa dahil nakapasok na si Chance. May nag-abot ng bulaklak at libro ko kay Chance pagkatapos ay tiningnan ako para ipakita ang mga hawak niya. Lumapit na rin naman kaagad siya sa akin. “Inagaw mo na naman ang spotlight ko!” pag-iinarte ko sa kanya pero nakangiti naman ako. “Congratulations, Ms. Author.” Ibinigay niya sa akin ang bulaklak at nagpapirma siya ng libro. Napaka-arte pa nga niya dahil ang ipinalagay pa sa dulo ay, “from your Certified Fangirl”. Maya maya ay itinuro niya sa akin si Yohan na ipinapakita naman ang kamao kay Chance. Ang ganda ko lang din minsan na celebrity ang pinagseselosan ng fiancè ko. Pero biruan lang naman iyon dahil alam naman niyang mahal ko sila . . . ayy . . . siya pala! Nagpasalamat ako kay Chance at nagpasalamat siya sa mga nagpasingit sa kanya at nagpaalam na rin na aalis. Nagsimula na ang totoong event. Hindi ko inaasahan na dumating din pala ang Chance’s Angels doon at pumila pa sila para magpapirma! Naku naman, hiyang-hiya na ako sa kanilang lahat. May mga lumapit din na hindi ako kilala pero gusto nilang mabasa ang libro na ginawa ko dahil isa rin daw silang fangirl na kagaya ko. “Hi, Ate! I also want to be like you!” sabi ng isang dalaga na ang pangalan ay Rose. “Paanong like me, Rose?” “I want to be a certified fangirl who turned to be a certified idol!” masiglang sagot naman niya sa akin. Sobrang kinilig ako. Certified Fangirl who turned to be a Certified Idol. Is she really referring to me? Hindi na ako nakasagot dahil niyakap ko nalang siya. Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang madumi kong kamay na puro tinta. Ang saya lang. Na-realized ko na baka ganito rin ang saya na nararamdaman ni Chance kapag nakikita kaming nagwawala dahil sa kanya kaya ibinabalik lang niya ang saya sa aming mga nagmamahal sa kanya. Bukod sa signature at dedication ko ay nagbibigay rin ako ng keychain at book mark sa kanila. Token of appreciation, kumbaga. Marami na ang libro ngayon pero ang swerte ko para mapili nila ang libro ko ’di ba? Alam ko naman na maraming author hindi lang sa Pilipinas, maging sa buong mundo, kaya nagpapasalamat ako na napagbigyan ang simple kong ibinahagi sa kanila. Siguro nagtatapos na rito ang kwento ng buhay ko pero hindi matatapos dito ang pagsuporta ko sa mga taong mahal ko. Hindi lang sa mga celebrity, pati na rin sa mga kaibigan at pamilya ko. Sana kahit papaano ay nagawa mong intindihin ang isang fangirl na kagaya ko. Sa panahon ngayon, madali lang manghusga ng tao pero . . . mas maganda kung kikilalanin mo muna sila. Lahat naman ng tao may kanya-kanyang trip sa buhay. May mga taong naghahanap lang ang ikaliligaya nila. May mga taong ibinabaling lang ang atensyon sa pagiging fangirl para kahit papaano ay makatakas sa problema o hinaharap na pagsubok, kaya huwag mo na sirain ang paghahanap nila ng ikasasaya. Don’t be so judgemental. We all need to escape from a toxic world. Huwag mo na kuhanin ang little escape na nahanap nila. What am I trying to say is that, you need to think before saying rude comments about someone. Kung nagiging prangka ka lang, you can always find a way to say it in a nice way. That’s all we want. Posible naman talaga na may mga fangirl na sumosobra na. Puwede mo naman iyon sabihin nang maayos dahil kaya ka naman intindihin. Ikaw? Kaya mo na ba kaming intindihin? --- “Wala raw kaming mararating sa pagiging fangirl? No, mali sila roon. Maling-mali. Marami akong kilalang fangirl na maraming na-achieve sa buhay sa kabila ng pagiging fangirl. Fangirls have strong personality. Kayang ipaglaban kung ano o sino ang sinusuportahan. Sino ang nagsabi na walang mararating ang mga fangirl? Kaya rin namin umasenso kagaya mo. You just have to accept and understand us. If you do, thank you!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD