---
Yohan’s POV
Kanina pa ako nakatitig sa page 143 but I still can’t figure it out! Iba’t-ibang words at hindi sunod-sunod kaya hirap na hirap ako na alamin ang pagkakasunod-sunod ng mga salitang iyon.
Naalala ko bigla ang kakaibang pagsagot na ginawa niya sa akin noon. Halos ganito rin iyon.
Kahit kailan talaga si Nakeisha! May sasabihin nalang sa akin ay kailangan pa akong pahirapan!
Dati palang kasi ay napapansin ko siya na palagi niyang sinusulatan ang books sa page 143. Lapis lang ang gamit niya noon pero ngayon ay nag-ballpen na! Noong nagpasama ako sa kanya na mag-aral sa library dahil sa sobrang dami ng libro na kailangan namin pag-aralan, nakita ko nalang na lahat ng libro na may page 143 ay may mga nakasulat.
Hindi ko makakalimutan na nagalit talaga ako sa kanya noon dahil hindi naman sa akin lahat ng libro na iyon. Nagalit din sa akin ang mga may-ari ng libro dahil sa sulat na nakita nila. Humingi naman siya ng tawad. Hindi raw kasi niya alam na hindi iyon sa akin.
Kaya ang ending, sinabi rin niya sa akin kung ano ang ibig sabihin ng mga sinulat niya.
“Hindi ko alam na napaka-slow ng taong minahal ko. Gusto lang talaga kitang mahirapan. Mahal na kita kaya huwag kang masyadong maarte! 143, tapos!” Sinigawan niya ako sa sobrang inis niya sa skin dahil paulit-ulit daw ako sa pagsesermon ko sa kanya.
Naguluhan naman ako sa sinabi niya dahil wala naman iyon sa pinag-uusapan namin.
143? I love you ang alam kong ibig sabihin noon.
Mahal niya ako? Iyon lang naman ang gusto kong—what?
“Ano?” tanong ko sa kanya. Siguradong uusok na naman ang tainga at ilong niya sa akin.
“Bingi ka na rin ba? Hindi mo kasi binasa ang mga sinulat ko kaya sinabi ko nalang sa iyo.”
Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Akala niyo ba ay ako lang ang magaling magpakilig? Naku, mas magaling magpakilig si Nakeisha kaya mahal na mahal ko siya.
Ngumiti lang ako sa kanya pagkatapos ay niyakap ko siya. “So, tayo na?” pagkukumpirma ko pa sa kanya.
“Ayaw mo ba?” balik na tanong naman niya sa akin habang tumatawa. Hindi siguro niya inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ko.
Kung alam niyo lang ang pinagdaanan ko sa babaeng ito! Ubod ng taray, eh!
Nagkataon pa na ang naisip ko lang na paraan para magpapansin sa kanya ay ang tamaan siya ng bola.
Lame ’no? Napakahirap naman kasi magpapansin sa kanya! Ang dami kong ginawa pero palaging sablay kaya para mapansin talaga niya ako ay sinadya ko siyang tamaan ng bola. Iyon nga lang, napalakas masyado kaya nagsungit lalo sa akin.
Akala ko nga ay wala na akong pag-asa sa kanya dahil hindi niya ako sinagot noong kinantahan ko siya sa harap ng mga kaibigan at kakilala namin. Nagpasalamat lang siya sa akin kaya akala ko ay hanggang doon nalang.
Hanggang sa sinulatan na nga niya iyong mga libro at doon pala niya inilagay ang sagot sa akin.
Mahilig siyang magpasakit ng ulo kapag ayaw kaagad sabibin ang gusto niyang sabihin.
KAUUWI lang namin sa condo namin ngayon after ng book signing niya. Sa iisang bahay na kami tumira simula noong niyaya ko siyang magpakasal dahil gusto na raw magka-apo ng Daddy niya. Hindi na raw kasi sila bata at hindi na sila nag-aalala kay Nakeisha dahil ako ang mapapangasawa ng anak nila.
Ang sarap lang na marinig sa mga magulang ng taong mahal mo na ipinagkakatiwala na talaga nila ang anak nila sa akin. Hindi ko naman sila bibiguin sa pag-aalaga kay Nakeisha dahil mamahalin ko siya, higit pa sa buhay ko.
Pagod na pagod at masakit na masakit nga ang kamay niya kaya nakahiga siya sa kama ngayon at minamasahe ko ang kamay niya.
“Masakit pa ba?”
“Oo. Ganito pala ang feeling ng mga author na may book signing ’no? Paano pa kaya sila Chance na buong katawan ang ginagamit kapag nagpe-perform at kapag sunod-sunod pa ang events na pinupuntahan nila? Gosh, I can't imagine their tiredness!”
Minamasahe ko ang kamay niyang pagod na pagod. “Hon, ano ang nakalagay sa page 143?” Tiningnan niya lang ako pagkatapos ay umirap pa. Para saan naman iyon? Ang ganda pa rin ng mapapangasawa ko.
“Bakit?” pagtatanong ko ulit.
“So, hindi mo na naman binasa?”
“Nabasa ko lahat ng may underline pero paano ko naman iyon malalaman? Basta ang alam ko lang ay mahal mo ako pero may nakalagay pa roon na ipagpalit kaya naguluhan ako. Can you just tell it to me?”
“Fine. Massage my hand first.” Demanding as always. Ano ang magagawa ko? Mahal ko, eh. I massaged her hand. Ang dami pa ngang ni-request bago sabihin sa akin ang message na gusto niyang sabihin.
Umupo na ako sa tabi niya habang nakahiga siya sa braso ko. Pasaway, nagpabili ng madaming unan pero sa akin pa rin umuunan.
“Where’s my book?”
Ibinigay ko sa kanya ang libro niya. Hinimas pa niya ang cover nito bago buksan. That is how she admires her work and I am so proud of her.
“So, what is it?” I asked.
“Let me recall it,” sagot pa niya as she turns it to page 143.
She reads it carefully para maayos ang pagkakasunod-sunod. Parang nahirapan nga rin siya, eh. I love her!
“Mahal kita,” pagsisimula niya. “Hindi ako magsasawa na ulitin iyon sa iyo. Ngayon, papayag na akong ipagpalit mo.”
Dahil sa sinabi niya ay tumayo ako kaya napatayo rin siya at nagreklamo. “Hon! Aray ko!”
“Anong papayag kang ipagpalit kita? May pinagseselosan ka na naman ba?”
May sasabihin pa nga sana ako pero hinalikan niya ako sa mga labi. Natawa naman siya at lumayo dahil maramdaman na gumaganti na ako ng halik sa kanya.
“Hon,” she laughs. “Patapusin mo kasi ako bago ka mag-react diyan.”
Binasa ulit niya.
“Ngayon, papayag na akong ipagpalit mo. Basta, si baby ang dahilan.”
Tapos na? Ngumiti lang siya sa akin. Kaagad ko naman siyang inihiga sa kama at hinalikan.
“Alam mo naman na ikaw lang ang baby ko ’di ba?”
Bigla siyang humiwalay sa akin at inirapan pa ako. “Hindi ako makapaniwala na ang isa sa matalinong lalaki sa Engineering department na soon to be husband ko ay napaka-slow!” Nagagalit nalang bigla, eh. Ano ba ang sinasabi niya?
“Bakit?” I asked.
“Gosh, Yohan James! Magiging tatay ka na! Buntis ako!” Nakatingin lang ako sa maganda kong mapapangasawa. Ano nga ang sinabi niya?
Magiging tatay ka na.
Buntis ako.
Nanlaki ang mata ko sa gulat at tiningnan ko siya. Hindi ko napansin na may mga luha na pala sa mga mata ko. Tiningnan ko lang si Nakeisha at tumango lang siya habang nakangiti sa akin.
“Magiging tatay na ako!” sigaw ko at pagkatapos ay niyakap ko si Nakeisha at tinadtad ng halik.
Malakas pa naman ang kiliti niya kaya mas ginanahan akong halikan siya.
“Be careful, Daddy Yohan.” Mas lalo pa akong naiyak.
Hindi ko naipaliwanag ang saya noong nakilala ko si Nakeisha. Hindi ko alam na may mas hihigit pa pala sa saya na naramdaman ko noon.
Magkaka-anak na kami.
Magkakaroon na ako ng junior o prinsesa!
Being in love with a fangirl is really an exceptional feeling. She knew how to surprise you. She knew exactly what to do to make you feel special.
I am very lucky to be loved by a fangirl. Mas maswerte pa ako sa celebrity na hinahangaan nila. Mas feeling celebrity pa ako sa kanila.
I love a fangirl and I will never stop loving her.
---