"What are you doing woman?" Gulat akong napatingin sa mukha ng lalaking nasa aking harapan. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o ipagpapatuloy ko ang paglalagay ng kumot sa kaniyang katawan.
"I am asking you, WHAT ARE YOU DOING?" Para naman akong natauhan pagkarinig sa madidiin niyang salita.
"Ah, eh, ano kasi Master, baka kasi nilalamig ka. Nakabaluktot ka kasi habang natutulog kaya naisipan kong kumutan ka nalang." Sagot ko sa kanya. Hindi ko naman masabing hindi lang iyon ang rason kaya ko siya naisipang kumutan habang natutulog sa sofa. Sino ba naman kasing matinong tao ang hihiga duon na walang kumot habang ang suot ay isang manipis lang na cotton short. Okay sana kung hindi klaro ang kanyang kayamanan. Nakaramdam ako ng pamumula sa aking pisngi. Bakit ba kasi doon ako napatingin.
Akala ko ay magagalit ito sa akin pero di ko akalaing matutulog pala ulit siya. Inayos pa niya ang kumot na nilagay ko sa kanya. Napahinga ako ng malalim. Nanaginip lang yata ito, dahan-dahan na din akong umalis sa kaniyang tabi. Sabi nila sa tatlong magkakapatid siya daw ang pinakamahirap kunin ang loob. Nakita ko naman iyon, dahil mas madalas itong nagkukulong sa kanyang kwarto. Ang pangalawa at pangatlo kasing kapatid niyang lalaki ay malalambing at caring di tulad niya na parang hangin lang ang mga tao dito sa mansyon niya. Ipinagpatuloy ko na din ang aking mga gawain.
"Marga, sabi pala ni Senyora ikaw na daw ang mag-aasikaso sa mga pangangailangan ni Master." Iba pa ang pumasok sa utak ko pagkasabi sa "pangangailangan" kahit kelan napakadumi na talaga ng utak ko. Nag-alala ako bigla dahil maselan talaga ito sa mga gamit at sobrang arte niya.
"I-ikaw nalang kaya ang sa kanya." Natatakot pang sabi ko sa aking kasama.
"Ikaw naman daw sabi ni senyora. Mabait naman yun." Wika pa niya sa akin. Pero alam kong di ganun kadaling i-please ito. Kaya ko naman, kaso natatakot kasi akong magkamali baka pagalitan pa niya ako.
"Sige na Marga, madami pa akong gagawin." Wala na akong nagawa pa kaya no choice na ako. Napaupo nalang ako sa tabi habang inaantay ang oras ng gising niya.
Alam ko naman na mabait siya dahil kung hindi ay di niya ako ililigtas sa mga taong halang ang kaluluwa at di din siya mag-aaksaya ng pera niya para ipagamot ako dahil sa trauma. halos dalawang taon na din simula nong masagip niya ako, pero ngayon lang siya nagstay ng matagal dito sa Pilipinas. May business kasi ito sa Canada, ang sabi ni Azel ay pamana daw ito nung stepfather niya. And sa batang edad daw niya noon ay pinamanahan din daw siya ng mga properties. Ang grandfather din daw nito ay kinikilalang isa sa pinakamayaman na tao sa China kaya malamang sa malamang bilyonaryo na ito.
Hindi na din ako bumalik sa club kung saan namulat ako sa malalaswang paligid. Sinabihan ako ng psychologist na iwasan ko ang mga lugar kung saan nagkaroon ako ng masasamang karanasan para maiwasan ko din ang bumalik sa dati na halos mabaliw ako. Kaya ingat na ingat din ako kapag lumalabas kami ni Azel. Hindi man niya alam ang totoong nangyari ay alam naman nitong hindi ako pwede sa matataong lugar.
Pinapag-aral din ako ng mama ni Master. Every friday and saturday ang pasok ko. Malaking tulong na ang nagawa nila para sa akin kaya kahit na anong mangyari gagawin ko ang lahat para maibalik ko ang kabutihan nila.
"Hoy, kilos na. Wag kang mag-alala mahal ka nun." Halos magtatalon ako sa gulat nong biglang may nagsalita sa aking likuran.
"Azel naman eh, kasalukuyan palang akong nasa cloudnine pinutol mo na naman." Nakabusangot kong reklamo dito.
"Hala siya, naka ilang talon ka na ba sa daydream mo?"
"Wala pa sa sampu."
"Gaga." Sabi niya saka kami nagtawanan. Ganyan kaming dalawa. Para kaming mga may saltik. Minsan pa nga ang babastos ng mga lumalabas sa bunganga namin. Nagkaroon ako ng instant kapatid sa katauhan niya. Di man ganon kaperfect ang samahan namin pero masasabi kong isa na siya sa taong mahalaga sa akin. Wala siyang kaalam-alam sa kung anong nakaraan ang meron ako noon dahil sa bahay nila senyora ako dinala ni Master noong araw na nakita niya ako. Noong napunta naman ako dito sa poder ni Master ay ayos na ako pero alam niyang kagagaling ko lang sa hospital. Doon na din kasi ako namalagi ng halos kalahating taon. Kinuha nalang nila ako noong naging maayos na ang kalagayan ko.
------------
"Marga, alam mo may nakita akong gwapo na bisita ni Master kahapon. Para siyang hunk, tapos kapag naglakad, ay naku bongga. Para kang nanood ng hollywood movie na iyong actor eh ang astig ng datingan." Heto na naman kami sa mga imahinasyon namin.
"Oh? Bakit di ko nakita iyon?" Curious kong tanong.
"Paano mo makikita eh yang mata mo nakafocus lang sa iisang tao." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ha? Kanino naman?"
"Sus, parang di ko naman alam. Crush mo kaya si Master."
"Ano? Iyong- iyong masungit na yon?" Nasamid pa ako sa sinabi nito.
"Oo, bakit hindi nga ba totoo?" Nanayo ang mga balahibo ko sa mga pinagsasabi niya.
"Azel ah, kapag ikaw narinig ni Master malilintikan ka sa akin. At di ko crush yun. Baka mamatay pa ako sa kunsumisyon. Napakaarte, poker face, tapos akala mo naman kung sinong napakalinis." Pagkaaliw ang nakikita ko sa kanya.
"Gaga, crush lang ang usapan, pero parang aasawahin mo na kung magcomplain ka. Naku, naku Marga, iba na yata yan." Oo nga ano, pero totoo naman kasi iyong sinabi ko. Maarte naman talaga siya.
"Ah, basta di ko crush yun. May crush ako no, nakilala ko sa hospital. Friend pa nga kami sa fb." Dipensa ko sa aking sarili.
"Sus, sino naman." Tanong pa niya.
"Hmpt, huwag mo na alamin basta mabait iyon, tapos gwapo." Inirapan niya lang ako.
"Gwapo daw, baka mas gwapo pa nga ang master doon eh at tsaka alam ba niyang crush mo siya at crush ka din ba niya?"
"Bakit si Master crush din ba niya ako?" Balik kong tanong. Napaisip naman ito.
"Oo nga ano, pero halata sayo na crush mo si Master." Nagkunwari akong di na siya narinig pa. Pakanta-kanta akong tumalikod sa kanya. Maglilinis nalang ako para may matapos na akong gawain. Kahit kasi sinabihan akong ang mga pangangailangan ni master lang ang asikasuhin ko ay di ko na sinunod. Madaming gawain si Azel, kaya salitan kami sa pagluluto at magkatulong din kami sa paglilinis ng buong bahay. Wala naman kasi akong ibang gagawin. Tulog si poker face maghapon o di naman kaya ay nagkukulong sa kwarto niya. Madalas ay gabi na kung lumabas ito sa kanyang lungga. Bihira lang din kasi itong humarap sa pamilya niya kapag nagagawi sila dito tulad nalang nong nakaraang araw na bumisita sila.
Kasalukuyan akong naglilinis ng kaniyang bathroom nong dumating siya galing sa labas. Tinignan ko ang oras, wala pa namang isang oras simula lumabas ito ah. Hindi pa ako tapos maglinis nandito na naman ito.
"Marga, are you done?" Nilingon ko siya at di inimik. Nakita niyang naglilinis pa ako magtatanong pa. Bulag ba siya? Bubulong-bulong ako habang ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Nakatayo lang siya sa pinto ng kaniyang CR habang pinapanood ako.
"Ah, master gagamit ka ba ng cr mo?" Kunwaring tanong ko.
"Just continue cleaning. Call for me when you're done." Nagulat ako dahil nakikipag-usap siya ngayon sa akin ng ayos. Dahil good mood siya, para din akong nahawaan na pakanta-kanta pa ako while kinukuskos ko ang kaniyang toilet bowl.
"Oh ayan malinis ka na ulit. Pwede ka na naman niyang dumihan." Nakangiti pang turan ko. Tapos ko naman na ang kaniyang kwarto. Isusunod ko na ang guest room niya. Madalas doon siya tumambay kaya alam kong madami na namang kalat. Bitbit ang cleaning tools ay pumasok ako doon pero laking gulat ko nong makita ko ang ayos niya. Nakanganga ito, habang nakatingin sa akin.
"Master, ayos ka lang po ba?" Napakurap-kurap naman siya sa akin.
"Get out!" Ano daw? Get out? Aba eh siya ang lumayas, naglilinis ako.
"Anong get out? Ikaw ang lumabas dahil maglilinis na ako, Master." Sambit ko.
"No need, just get out." Napatunganga ako saka napailing.
"Ah eh Master, baka kasi manggising ka na naman ng madaling araw para maglinis ako. Kaya lilinisin ko na ngayon, doon ka nalang sa kwarto mo mag-day dream Master." Taboy ko pa sa kanya pero lalo lang siya nainis.
May sapi yata to, kanina lang good mood siya, tapos naabutan kong nakatunganga ngayon galit na naman. Nababaliw na yata siya.
"Sabi mo yan ah, labas na ako. Wala nang bawian. Huwag ka ding manggigising ng madaling araw." Binitbit ko na ang mga panlinis ko at nagmartsa palabas ng kanyang guest room.
Handa na akong matulog dahil magmamadaling araw na nong tumunog ang aking cellphone. Nakita ko ang pangalan ng magaling kong master ang nakarehistro sa screen. Pinanood ko muna ito ng ilang segundo bago sinagot.
"Hello master." Kunwari ay inaantok kong wika.
"Marga, clean my room." Kung kanina ay gusto ko na matulog, ngayon naman ay parang gusto kong manapak ng tao.
"Ah, eh Master, madaling araw na kaya, magpapalinis ka pa ng kwarto mo?" Nagpipigil kong saad.
"Just mop the floor of my bathroom then clean my guestroom." Nagbilang muna ako ng isa hanggang sampu bago ako sumagot. Kalma Marga, amo mo yan.
"Okay." Sagot ko nalang dito. Nakapantulog na ako pero hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng damit. Nagsapaw nalang ako ng mahabang jacket. Nakakainis pero wala akong magawa dahil trabaho ko naman talaga ito.
Magkasama kami ni Azel sa isang kwarto. Dati katabi lang namin ang kwarto ni Master pero simula noong pinarenovate niya iyong kwarto niya ay pati kwarto namin kinuha na din niya. Nagpagawa nalang sila ng maid servant sa tabi mismo ng kwarto din niya. Sa labas nga lang.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin. Sumimangot ako. Kausap niya ang kaniyang boyfriend kaya gising pa ito.
"Hmpt, nagpapalinis ng kwarto iyong amo mo." Tinignan niya ang oras.
"Mag-aalas dose na ah, ngayon pa siya magpapalinis?" Tumango ako.
Bitbit ang cleaning tools ay bumubulong-bulong akong lumabas. Nakita ko pa si Master na palabas ng kaniyang kwarto.
"Marga, I will go outside ha, just clean my room." Sinabi na nga niya kanina, uulutin na naman niya.
"Okay," Nakasimangot kong sagot. Nakita ko pa ang paglingon niya sa akin bago lumabas. Nagdadabog ako habang naglilinis. Sabagay mas mabuti nalang din na nandito ako kahit na minsan nakakasawa na ang ugali ng master namin. Kung hindi kasi dahil sa kanya baka hanggang ngayon nasa kalsada o nasa bar pa din ako o di naman kaya ay baka matagal na akong nabura dito sa mundo. Napangiti ako ng mapait nang maalala ko ang nangyari sa akin pero pilit ko din itong inalis sa isip ko. Mabilis ko ding tinapos ang mga gawain ko para makapagpahinga na din ako.
--------------------
Kinabukasan ay dumating ang aking tutor. Kakilala ito nila senyora, ang ina ng aking master. Noong una ay takot ako sa kahit kanino. Kahit sa bahay ng magulang ni master ay ayaw kong makihalubilo sa iba pero ipinaramdam nila sa akin ang halaga ko. Hirap akong mag-adjust noon dahil feeling ko lahat ng tao sa paligid ko ay katulad nila Adela at ni Nanay.
"Miss Marga?" Napakurap-kurap ako nong magsalita ang aking guro.
"Sorry po, may naalala lang ako." Ngumiti ito sa akin. Inaya ko na siya sa library. Habang naglalakad kami ay nagsalita ito.
"Did they inform you that this is your last lesson to me?" Napatigil ako. Ayaw na ba nila akong pag-aralin?
"Po? Last lesson?" Tumango ito, binuksan ko ang library. Nauna itong pumasok sa akin pero tumigil din siya saka ako nilingon.
"I can tell now that they didn't told you." Hinila niya ako at pinaupo.
"You are smart, kahit late ka na nakapag-aral ay mabilis kang maka-catch up sa mga lessons mo. And I am happy for you." Maliban kasi sa pamilya ni master ay alam din ng aking tutor teacher ang aking nakaraan. Kapatid kasi nito ang isa sa mga psychiatrist ko.
"Pero hindi ko pa natatapos ang high school ko." Malungkot kong bulong na narinig naman niya.
"End of school year na, and I let you study in advance. Naipasa mo naman lahat ng mga exams mo. So this coming school year papasok ka na sa school as a regular student dahil napabilang ka sa mga excellent student na nagjump into college base na din sa talino mo." Imbis na matuwa ako ay takot ang naramdaman ko.
"P-papasok?" Wala sa sariling wika ko. Tumango lang ito sa akin.
"Don't be afraid. Nandoon naman ako para gabayan ka and besides nandiyan din si Azel."
"Natatakot ako, baka may makakita sa akin doon tapos sabihin sa nanay ko. Ayaw ko na bumalik doon."
"You are still young and smart. Kailangan mong maging matapang para kapag dumating ang araw na magkaharap kayo ng mga taong nanakit saiyo ay kaya mo na ang sarili mo. Di ba may pangarap ka pa? Di ba gusto mo pang tulungan ang mga kaibigan mo?" Nangilid ang luha ko dahil sa totoo lang sariwa pa sa isip ko lahat ng nangyari sa akin. Nanginginig na ang aking katawan. Ito ang ayaw ko, ang bumalik ang trauma ko. Kinuha ng aking tutor ang gamot ko at ipinainom ito sa akin. Lagi kong dala-dala ito at alam din niya kung saan ito nakalagay. Sakto namang pumasok si Azel ay kumalma na ang aking pakiramdam.
"Magmeryenda muna kayo." Sabi niya na nakangiti habang inilalapag ang tray sa ibabaw ng lamesa.
"Dito ka muna Azel, tutal huling pagtuturo ko naman na ito kay Marga. At wala naman na siyang activities dahil tapos na niya lahat." Parang alam na niya kaya hindi ba ito nagulat.
"Ay oo ba mam ganda." Masigla namang sagot nito. Maging malapit na ako dito kaya palagay na din ang loob ko sa kaniya. Hindi kasi siya matapobre at sobrang bait talaga niya. Tatlong oras lang ang inilagi nito dahil kailangan daw siyang kausapin ni Master ba kadarating lang galing sa kaniyang magulang. Sa totoo lang wala akong masyadong alam sa buhay nila, hindi din kasi palakwento si Azel.
"Marga, give us something to eat." Tumango ako bago umalis. Naghanda lang ako ng orange juice at club sandwich. Malapit na ako sa may library nong marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Master Hash, the damage has been done. She needs to heal her wounds." Hindi muna ako pumasok. Ewan ko kung bakit pero parang may nagtutulak sa akin na huwag muna magpakita sa kanila.
"Gretchen, how can she heal her wounds if she doesn't even know how to face her fear. It's been almost two years and until now she is still hiding." Sagot naman ni Master.
"If that's what you want. I will watch her as your order." Hindi ko maintindihan kung sino ang pinag-uusapan nila. Nagdesisyon na akong pumasok noong nagsalita ulit ang aking tutor.
"Her friend sacrificed their self just to save her. Paano kapag nalaman niya iyon? Habang buhay iyon na dadalhin ng kanyang konsensya." Napatigil ulit ako. Kung ako din naman ang nasa kalagayan noong pinag-uusapan nila eh talagang dadalhin iyon ng aking konsensya. Pero habang sinasabi ko iyon sa sarili ko ay halos di na ako makagalaw sa sunod niyang sinabi.
"Rose died dahil di niya nakayanan ang pangbababoy at pambubugbog sa kaniya ng paulit-ulit and Josh is still in coma." Rose, Josh... No, it can't be...
Nabitawan ko ang bitbit kong meryenda nila na naglikha ng ingay. Mabilis akong nilapitan ni Master at ni mam Gretchen.
"Nagbibiro kayo di ba? Buhay pa si Rose? Ayos lang sila di ba? Hindi totoo iyong narinig ko di ba?" Nilapitan ko si mam Gretchen.
"Please sabihin mo, hindi totoo yon di ba?" Umiling lang ito at saka ako niyakap.
"I'm sorry." Iyon lang ang tanging naisagot niya.
"Hindi, ang sabi nila noon susunod sila. Ayos lang sila di ba? Iba iyong binabanggit niyo. Please sabihin niyo, na hindi ang mga kaibigan ko iyon. Master please." Blangko ang expresyon ng kaniyang mukha. Humagulgol ako ng iyak.
"Don't cry, treasure your life. Don't let their sacrifices go in vain Marga." Iyon lang ang sinabi niya bago lumabas. Para akong gulaman na napaupo nalang sa sahig. Inalalayan ako ni mam Gretchen. Wala akong ginawa kundi ang umiyak.
"Kasalanan ko ito. Kung hindi ako nagpumilit na tumakas hindi mangyayari sa kanila iyon."
"It's not your fault okay, huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gustong mangyari ang mga iyon. Kaya tumayo ka diyan, lumaban ka para sa mga taong nagmamahal saiyo." Tanging paghagulgol ko lang ang maririnig sa buong silid.