chapter 3

2474 Words

Papaáno'y ang boông pag-iisip ni Kápitang Memò ay nabubuntón sa isásakdál na mulâ, nang tamáan ng kanyáng matá ay pinasikdósikdó ang loob niyá nang gayón na lang. ¡Kanyá mandín natatandâan ang húbog ng pangangatawán ng amerikánong itó!... Túnay nga kayáng ito'y si ... si ... si Stag?   Habang nagtatagál ang kanyang pagmamasíd ay lalò at lalòng nakikilála ang pinagmamasdán.   Isang matinding tikím na kinaugalían, at isáng magasláw na kilos ng nakatalíkod, at ... ¡biglang namutlâ ang natutúlos sa punò ng hagdán!   Ang tikím at kilos na iyón ay kilaláng-kilalá niya; wala kundi si Stag lang ang marunong kumílos at tumikím ng ganoon.   "At bakit itó'y nápaparíto ngayón?..."--ang kahi't di sinasadya'y naibulong sa sarilí ng namumutlâng pinunò--"Akó kayâ ang talagáng hanap?... Al

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD