Chapter 1
Note:
This was my first story so bare with the content. Haha!
*****
Hi I'm Victonara Galang. Eto ako ngayon papuntang DLSU. Ngayon kasi ang enrollment ko. I am currently a graduating student. Yes! Sa wakas, konting push nalang all my sacrifices would be worth it. Though may isa akong subject na naiwan, itetake ko na sya ngayong sem para naman hindi na hassle next sem.
"Ara!"
Parang may tumawag sakin, kaya lumingon ako pero wala naman akong nakita. Siguro hindi ako yun.
"Ara! Ara!"
Ayan nanaman siya. Sa ikalawang pagkakataon kong lumingon ay nakita ko na ang tumatawag sakin.
"Kanina pa kita tinatawag! Nagsspace out ka nanaman ba?" tanong niya.
"Uyy hindi ah. Di lang kita nakita kanina." sagot ko naman sa kanya.
"Oo na. Nakapag-enroll ka na ba?"
"Hindi pa nga eh. Pipila pa lang ako nang bigla mo kong tinawag." pano ba naman kasi madaming tao. Hindi ko naman talaga siya nakita.
"Oh siya sige sasamahan na kita."
"Talaga? Salamat Ate Kimmy. Napakabait mo talaga. Hulog ka ng langit!"
Kim: Hay nako Ara. Ayan nanaman ung litanya mong "hulog ka ng langit, dahil bawal ka doon"
Ara: Si ate talaga oh, inunahan mo naman ako. Halika na pila na tayo :) ililibre na lang kita ng lunch ayos ba?
Kim: Aba'y oo naman Wafs! Napakakuripot mo kaya! Himala na manlilibre ka ngayon noh!
Ara: Wafs nagtitipid lang ako grabe ka naman sakin.
Kim: Para kanino ka naman nagtitipid aber?
Ara: Para sa aking future.
Kim: Malapit na siguro siya.
Ara: Okay lang. Sulitin niya ung oras na hindi niya pa ako nakikilala or nakakasama kasi pag kami na, hinding hindi ko na siya papakawalan.
Kim: Oo na sige na halika na pumila na tayo. Dami mong alam wafs eh.
Natapos na kami sa aking pag eenroll at gaya ng sabi ko, nilibre ko si ate Kim ng lunch. Haaaay. Mamumulubi ako pav eto kasama ko eh. Anyway, 1 week nalang at pasukan na namin! Panibagong sem, panibagong friends!
*****
1st day namin ngayon. Excited na ako pumasok, baka kasi makita ko si crush. Ang bait bait naman kasi niya. Di niyo ko masisisi hahaha. Ang bango bango pa nakakagigil at....
"Ara!!!"
Wait! oh em geee! Ayan na siya. Narinig ko nanaman ang napakaganda niyang boses.
Ara: Uyy Thomas! :)
Thomas: Kamusta? Saan klase mo ngayon?
Ara: Actually andito na tayo sa tapat ng room ko. Hahaha.
Thomas: Talaga? Dito rin klase ko eh. Waaaah! Classmate nanaman tayo.
Ara: Talaga?! Tadhana nga naman oh gumagawa na ng paraan.
Thomas: Haha. Sira ka talaga. Wag mo masyadong ipahalatang crush mo ko ;)
What the fvck?! Did I just say it out loud?! ughhh nakakahiya -_- Pwede bang lamunin na lang ako ng lupa ngayon?
Thomas: Ang epic ng mukha mo hahaha. Tara na okay lang yan. Crush din naman kita eh. *sabay kindat kay Ara*
Ano ba yan Torres! nakakainis ka. Ayan namaman ung kindat mo my ghaaad. Namula naman ako sa sinabi niya at napayuko nalang. Mahirap na noh baka makita niya pang kinikilig ako. Ayoko na dagdagan ung kahihiyan ko today.
Ara: Wait lang Thom. labas lang ako saglit.
Thomas: Okay sige :) Tabi na tayo ha. Dito ka na umupo sa tabi ko.
Ara: Sige :)
Lumubas na ako ng tuluyan at.....
Ara: WAAAAAAAAHHHHH!
Thomas: Uyy anong problema mo?!
Ara: Wala naman hahahaha. Bumalik ka na dun.
Thomas: Okay. Baliw ka talaga *sabay gulo sa buhok ni Ara*
Well, actually kaya ako sumigaw dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko hahaha. Para na akong baliw dito pero sobrang nakakakilig talaga. Crush ka ba naman ng crush mo eh. Ako na kaya manligaw kay Thomas? Hahaha. Pero joke lang. Kahit gano ko pa siya kagusto eh hindi ako gagawa ng first move. Yan ang turo sakin ng nanay ko. Makapasok na nga sa room.
Tumabi na ako kay Thomas at dumating na ang prof namin. Introduction lang naman ngayon dahil na rin sa unang araw palang naman ito ng klase, kaya nagdismiss na din ng maaga ang prof namin.
Thomas: Arababy!
Ughh Thomas wag mo nga ko tawagin ng ganyan. kainis :">
Ara: Thomas tigilan mo nga ako sa ganyan mo. Baka may makarinig pa sayo at magkalat ng chismis.
Thomas: Ok lang. May balak naman akong totohanin ;)
Ha? Ano daw? totohanin?
Ara: Ano ulit yun?
Thomas: Wala. :) Ang ganda mo kako kaya halika na maglunch na tayo.
Ara: Weh hindi naman yan yung sinabi mo eh :(. Ano nga?
Thomas: In time you'll know. Let's go :)
Inalok naman niya ang braso niya. Choosy pa ba ako? Edi kinawit ko yung kamay ko sa braso niya. Hay nako Torres. Who wouldn't fall for you anyway?
Pagdating naman sa cafeteria ay pumila na kami at kumain. Napasarap ang kwentuhan namin ni Thomas at hindi ko namalayan ang oras. Nang bigla akong napatingin sa relo ko.
Ara: Uyy Thom! 5 minutes na lang pala mag 1 na. Kailangan ko ng mauna. May klase pa ako eh.
Thomas: Oo nga noh. Pasensya ka na Ara ha. Ang daldal ko ata ngayon.
Ara: Okay lang Thom. Ano ka ba :) Nag enjoy ako pero I have to go na.
Thomas: Okay ingat ka :)
Ara: Sure ikaw din :)
At dahil nga late na ako ay tumakbo na ako papunta sa aking room. Nandun na ang prof ko at halos wala ng maupuan hay hirap talaga malate sa 1st meeting.
Prof: Oh. It's you Ms. Galang.
Ara: Sorry Ma'am I'm late.
Prof: It's okay. There's an empty seat in the back. You can sit there.
Ara: Thank you Ma'am.
At dahil yun na lang nga ang libreng upuan ay umupo na ako doon. Introduction lang ulit pero may pinapabasa si ma'am.
Prof: Ms. Galang, can you read what's on the board.
Ara: Ughh di ko mabas. *I mumbled to myself.*
Bigla naman may inabot na papel sakin yung katabi ko. Ang weird lang kasi nakajacket na nga siya, nakahood pa.
Ara: Anong gagawin ko dito?
"Yan yung nasa board" she said in a cold tone at hindi man lang ako nilingon.
Ara: Ay ganun ba hehe. Salamat. Di ko mabasa eh. Masyadong maliit yung nasa board.
Hindi na siya sumagot. Ang sungit naman pero salamat na din dito. Binasa ko ang nakasulat at pinaupo na ako ni Ma'am. May diniscuss pa siya at dinismiss na kami.
Prof: Wait class. Before you go let me remind you that this is your permanent seating arrangement. No exchanging of seats okay?
Class: Okay ma'am.
Lumabas na kami din ang mga kaklase ko. I'm packing my things and saw something sa katabi ng upuan ko. Isang bracelet. Siguro dun to sa katabi ko kanina. Konuha ko naman iyon at ibabalik ko na lang sa next meeting namin.