Ara's POV
Tapos na ang klase ko, 5:30 na din, 6 pa naman kami magkikita ni ate Kimmy kaya nagpasya akong magpalit muna. Nang makarating ako sa dorm ay agad naman akong nagbihis at tinignan ang phone ko.
1 new message lang from ate Kimmy. Hindi man lang nagtext si Thomas, busy ang mokong.
From: Wafs
Ara san ka na? Dito na kami ni Cyd. We'll be waiting for you inside na ha? Itanong mo nalang sa front desk kung saan kami nakaupo. Baka maligaw ka eh :P
Baliw talaga to si Kim.
To: Wafs
Nagpalit lang ako ng damit Wafs. Papunta na din ako. :)
From: Wafs
Okay Eruuh! Ingat! ;)
Papunta na ako sa sinasabing resto ni ate Cyd. Mukha namang family resto lang. Hindi naman kasi ako nag damit ng pormal, wala naman sinabi si ate Kim, pero maayos naman pananamit ko, yung usual lang.
Pagpasok ko ay hinanap ng mata ko sila ate Kim, pero wala akong makitang ate Kim kaya't minabuti ko na lang na ipagtanong kung san sila nakapwesto. Agad naman akong dinala ng isang waiter sa table nila. Walang bakas nila ate Kim dito, sabi niya eh andito na sila. Asan na kaya yun.
Itetext ko na sana si ate Kim ng bigla namang nagdim yung light. Ngayon ko lang napansin na may mini stage pala sila dito. Ayos din pala tong resto na to eh. May live gig, nakakarelax yung atmosphere pag ganun. Tinext ko na si ate Kim, at sinabing nandito na ko.
"Mic test 1 2 3" Familiar yung voice na yun ah....
"This song is dedicated to Ms. Ara Galang"
Hindi ako mapakali, hindi ako pwedeng magkamali, pero bakit? Bakit naman niya to gagawin? At nasan ba siya?
It's been a long and winding journey ...
Nagsimula naman siyang kumanta.
If you could see what I see
That you're the answer to my prayers
And if you could feel the tenderness I feel
You would know
It would be clear
That angels brought me here
Nakinig lang ako sa pagkanta niya, Ang sweet naman ng taong to. May pakanta kanta pa at dinedicate pa talaga sakin hay.
Pumalakpak ako ng malakas at standing ovation pa. Haha! Napakaganda naman kasi ng pagkanta niya noh! I'm so proud. Aba't di pa siya umaalis sa harap. May next song pa ba?
"Hi Ara, how should I put this, nagpractice pa ko para sa moment na to kaso dinadaga padin ako hanggang ngayon hahaha" cute na cute niyang sabi.
Nagtawanan naman ang tao sa paligid namin at may pahiyaw hiyaw pa. Ano ba, wag nga kayo, kinikilig ako lalo eh! hahaha!
"Ano kasi Ara eh, matagal ko ng gustong gawin to kaso inuunahan talaga ako ng hiya at takot. Haay pero eto na talaga.... Ara I like you. I really do and I want to court you. I want to prove to you how much I want you to be mine. So Ara anooo.... Can I..... Can I court you?"
Medyo nawala ako sa sarili ko. Ha? Ano daw? Like? Court? What? Ano ba pinagsasasabi netong taong to? Pero wait baka nananaginip ako? Baka nakatulog ako pagdating ko sa dorm? Hala kailangan ko ng gumising. Kanina pa nag-aantay sila ate Kim. Pumikit na ko ulit at...
"Ara?"
"Sumagot ka naman oh."
"Can I court you? Medyo nakakahiya ang daming tao tas di mo sasagutin tanong ko hehe"
Naramdaman ko na lang bigla na may kumurot sakin sa may tagiliran.
"Timang hindi ka nananaginip" si Kim pala.
Wait... Ang sakit nung kurot niya, so hindi talaga ako nananaginip? Napatingin naman ako sa taong kanina pa humihingi ng sagot ko. Yung itsura niya mukhang natatae na na ewan.
Ara: Yes Thomas :) you can.
Sa pagkakasabi ko ng mga salitang yun ay biglang naghiyawan ang mga tao. At si Thomas? Ayun! Mangiyak ngiyak na akala mo sinagot ko na.
Ara: Hoy Thomas? Ano jan ka na lang? Ako pa ba lalapit? Ako mag aadjust ganon?
Thomas: Ah eh.. Sorry na... Wait lang...
Kim: Oh ano Wafs? Ayos ba? ;)
Ara: Bwisit kayo! Hahaha nakakakilig grabe! Si Thomas Torres na yun oh! My ghaaad.
Cyd: Ara, quite ka lang. Itago ang kilig mamaya na yan sa dorm :)))
Kim: Baka mapunit na din yang labi mo ohhh. Batak na batak sa ngiti mo na abot hanggang bunbunan mo eh.
Ara: Grabe ganun ba kahalata? Ang alam ko kasi hanggang tenga lang ang ngiti umabot pa sa bunbunan ko. Masyado pa lang obvious hehe. Pero kasi wala lang mapagsidlan yung sayang nararamdaman ko ate. All this time the feeling is mutual pala. Sana pala ako na nangligaw noon.
Kim: Sira ka talaga! Haha. Sumbong kaya kita sa nanay mo ha?
Ara: Joke lang naman ate! Ikaw naman di ka mabiro.
Thomas: Uhmmm Ara, flowers for you.
Nagsmile sya, ang awkward nung pagkakasmile niya malamang kinakabahan pa din to. I smiled at him, the sweetest smile that I could give and hugged him.
Ara: Ang bagal mo. Akala ko ako na manliligaw sayo eh Hahaha.
Thomas: Sorry. Akala ko kasi noon wala lang. Na masaya ka lang talaga kasama, I just realize lately na kulang ako pag wala ka :)
Kim: Ehem Ang cheesey naman, pero gutom na kami ng baby ko. :)))
Cyd: Hay nako baby, ikaw talaga, kita mong nagmomoment pa silang dalawa agaw eksena ka nanaman. Pero seriously Thomas, gutom na kami ni Kimmy. Maaga kasi kami nagpunta gaya ng sabi mo.
Thomas: Salamat sa pagtulong sakin Kim at Cyd :) Umorder lang kayo ng kahit ano. Ako ang taya.
Ara: Kaya naman pala tumulong si ate Kim, may suhol na pagkain.
Nagtawanan kaming lahat. Hinatak ni Thomas yung chair at pinaupo ako. Pagkadating ng order namin ay kumain na kami.
Wala daw siyang pasok si Thomas ngayon. Kaya pala umalis siya ng maaga eh para ipaalam sa magulang ko na liligawan na niya ako. Iba din to, pano pala kung hindi ako pumayag diba? Pero joke lang. Thomas Torres na yan eh, matagal ko na yang gusto, pero syempre kailangan mag pakipot. Hindi ko naman siya papahirapan, gusto ko lang makita yung effort at sincerity niya.
After namin kumain ay hinatid na ako ni Thomas sa dorm, naglakad lang kami. Mas gusto ko to, more time na magkasama at simpleng bonding na din. Andito na kami ngayon sa tapat ng dorm ko.
Thomas: Uhmm Ara, thank you sa pagpayag ha?
Ara: Don't thank me. I'm just giving you a chance, you deserve it :)
Thomas: Sige na pasok ka na. Baka mahamugan ka pa.
Ara: Ay grabe siya oh, ano baby lang ang peg?
Thomas: Oo. Baby ko :)
Ara: Haha. Tigilan mo ako Thomas, hindi pa po tayo :P
Thomas: Hindi PA, soon Ara. Pero joke lang, take your time. I am willing to wait :) Goodnight Ara.
Ara: Goodnight Thomas :)
Pumasok na ko sa dorm ko at naabutan ko si Carol na naglalaro ng cellphone niya. Agad agad ko siyang pinaghahampas at nagulat naman siya.
Sorry Carol pero sobrang kilig ko lang today.
Kinwento ko naman sa kanya ang nangyari at ayun, pinaghahampas din ako ng loko. Haaaaay, matutulog nanaman akong may ngiti sa labi. Papikit na ako ng biglang tumunog ang phone ko, may nagtext.
From: Thomas Torres
Goodnight Arababy! :) Can't wait to make efforts for you everyday
To: Thomas Torres
Goodnight Lover boy :)
Naisipan ko na din itext si mommy. Baka magtampo eh.
To: Mommy
Mommy, Thomas asked me kung pwede daw po siyang manligaw, pinayagan ko po siya
Nahiga na din ako at ipinikit na ang aking mga mata.