Ara's POV
Umagang kay ganda :)
Di pa din ako makaget-over sa ginawa ko kagabi, hanggang ngayon eh kinikilig pa din ako. Napatingin ako sa kama ng roomie ko, wala na siya, maaga siguro ang pasok niya ngayon.
Alas Otso na nang umaga kaya kailangan ko ng kumilos, ayoko naman malate sa klase ko. Kay lapit lapit ng dorm ko eh malelate pa ba ko? Syempre hindi. Naligo na ako at nag ayos. 2 lang naman ang subject ko ngayon. Magiging kaklase ko kaya si Thomas ngayon?
Ano ba yan! Thomas nanaman ikaw talaga Ara nako. Naglakad na ako papasok ng school. Nang makapasok naman ako ng La Salle ay nakita ko si Kim kaya naman tinawag ko siya.
Ara: Waffffssss!
Kim: Oyy Wafs! :) Kamusta first day?
Ara: Okay naman Wafs. Kaklase ko nanaman si Thomas. Tadhana na gumagawa ng paraan para lalo kaming maging close hahaha.
Kim: Ikaw talaga Wafs :) Hinay hinay lang. Mamaya magtapat ka ng wala sa oras kay Thomas eh.
Ara: Oo nga ate eh. Pinipigilan ko sarili ko. Mamaya kung anong kagagahan sumapi sakin. :))
Kim: Basta ha, wag mo ko kalimutan pag kayo na.
Ara: Nakoo ate, baka hanggang panaginip na lang siya hay :(
Kim: Wag ka na malungkot, madami pang iba dyan. Tara na pumasok na tayo sa mga klase natin. :) See you when I see you.
Ara: Sige. Text text na lang :)
Pumasok na nga ako sa klase ko, first meeting pa lang namin sa subject na ito pero nagdiscuss na ang prof namin.
11:30 na at nagdismiss na ang prof namin. Lumabas na din ako agad dahil gutom na ako. Wala akong kasabay kumain ngayon. Hindi ako sumasabay sa mga kaklase ko dahil gusto nila sa labas kumakain. Nakakapagod kaya maglakad! Kaya dito na lang ako sa cafeteria sa school.
Pumunta na ako doon at pumila. Nakabili na ako ng pagkain ko pero mukhang walang bakanteng upuan.
Sa pag hahanap ko ng upuan ay may nakita akong familiar na tao. Parang siya yung kaklase ko kahapon. Yung naka hood. Yung totoo? Takot ba sa tao to? Lumapit ako kung san siya naroon. Makikiupo na lang ako sana pumayag siya.
Ara: Uhm hi? Ikaw yung kaklase ko kahapon diba? Yung nag-abot ng paper sakin?
Tumingin siya sakin, pero hindi ko nakita yung mata niya, nakaharang yung bangs niya eh, hindi siya umimik ang awkward naman -___- *
Ara: Pwede bang makitable? Wala na kasi akong maupuan eh.
*Tumingin ulit siya sa akin ng matagal. Ano ba to, natatakot na ako. Dapat pala hindi ko na lang nilapitan, magsasalita na sana ako ng bigla siyang tumango.
Ara: Thank you :)
Ayun hindi nanaman siya umimik. Napakamysterious naman netong taong to. Nagdadalawang isip tuloy ako kung kakausapin ko ba siya o hindi. Naalala ko yung bracelet kahapon. Sakanya ata yun eh. Siya lang naman kasi ang katabi ko.
Ara: Ay siya nga pala, nakita ko tong bracelet na to kahapon. Sa'yo ata to?
*Dali dali niyang kinuha yung bracelet sa kamay ko. Siguro may sentimental value yun sa kanya daldal ako ng daldal hindi pa pala ako nagpapakilala*
Ara: Ara Galang nga pala. :)
*Nabigo ako dahil hindi niya ako pinansin, paalis na siya nang bigla siyang tumingin ulit sa akin. Nakakatakot talaga yung aura niya Lord help me.*
"Mika" wika niya.
Yun lang ang sinabi niya, shy type ba siya? Bigla na lang siyang umalis agad pagkasabi niya nun. So Mika pala ang pangalan niya?
Dahil tapos na rin naman akong kumain ay pumunta na ako sa aking next class. As usual introduction lang ulit. Maaga kaming pinalabas. Dumiretso na ako sa dorm. Baka andun si roomie, miss ko na siya eh. Bukod kay ate Kim at Thomas, siya yung isa pang taong mapagkakatiwalaan ko.
Nakarating na ako ng dorm at mula sa kwarto ko ay may narinig akong nagtatawanan, siguro andiyan na si roomie. Kumatok muna ako sa pinto baka kasi magulat na lang pag pumasok ako bigla. Syempre naman kahit dorm namin to ay may respeto pa din naman ako sa privacy nila. Pinagbuksan na nila ako ng pinto agad ko naman niyakap yung taong bumungad sa pinto.
Ara: Caroooooool! Kamusta ka na! Ngayon lang ulit tayo nagkita eh.
Carol: Hi Ara :) namiss din kita. Late na kasi ako dumating kagabi dahil nag hang-out kami. Ayoko naman istorbohin ka. Natutulog ka na ng mahimbing at nakangiti pa haha. Nakakahiya kung iisorbohin lang kita eh :P
Ara: eh kasi naman :">
Carol: Ay hala nagblush ang lola. Hahaha nga pala may kasama ako ngayon dito. Si Cienne at Camille. :) Mga kaibigan ko sila taga La Salle din.
Ara: Ayy hello po :) Ara Galang nga po pala.
Cienne: Hi ako naman si Cienne Cruz at eto ang aking kambal si Camille Cruz.
Camille: Hi Ara, nice to meet you, pasensya na ha. Pang pasikip lang kami ni kambal dito sa dorm niyo.
Ara: Uyy hindi naman. Okay lang :) The more the merrier. Atsaka para masaya naman dito sa dorm noh. At dahil si Carol ang may bisita, papizza ka na!
Carol: Mali atang umuwi ako ng maaga ah. Pero dahil love ko kayo, sige na nga.
Kambal at Ara: Yeheeeey! Thanks Carol!
Dumating na yung inorder naming pizza, ang daming kwento nung kambal. Nakakatuwa sila kasama. Alas otso na kaya't nagpaalam na rin ang kambal.
Cienne: Ara, Carol uwi na kami ni kambal. Salamat sa foods.
Ara: Hatid na namin kayo :)
Camille: Ay wag na Ara, malapit lang naman kami eh.
Carol: Hatid na namin kayo wag na kayong makulit :P
Camille: Sige na nga. Tara na.
Hinatid na namin ang kambal. Andito na kami ngayon sa tapat ng dorm nila. Malaki to para sa dalawang tao.
Cienne: Salamat sa paghatid :) Dito na kami. Maraming salamat ulit sa Pizza Carol. Next time ulit.
Carol: Aba aba. Kayo naman next time. Wag niyo ng asahan si Ara. Kuripot yan eh.
Nagtawanan silang tatlo. Loko to si Carol binisto naman ako sa kambal.
Camille: Haha, sige kami na bahala ni kambal next time. Ingat kayo pag-uwi.
Ara: Sige una na kami kambal :) See you next time.
Nagpaalam na kami ni Carol sa kambal at umuwi na. Dahil na din busy ako kanina ay ngayon ko lang natignan ang cellphone ko may 5 new messages. 3 galing kay Thomas, 1 kay ate Kim at isa mula kay mommy.
From: Mommy
Hi anak! Miss you na agad. Palagi kang kumain on time ha? Love you baby ko.
Si mommy talaga. Big girl na ako eh pero babyng baby pa din ako sakanya
To: Mommy
Miss you to mommy! Can't wait for the semestral break na! Love you too Mommy!
From: Wafs (4:30 pm)
Wafs! May kwento ako sa'yo. San ka?
To: Wafs
Wafs sorry kakabasa ko lang ng text mo. Kita nalang tayo bukas. Goodnight!
From: Thomas Torres
(5:00 pm) Hi Arababy! What cha doin?
(5:30 pm) Aww di ka nagreply :( Miss you!
(7:00 pm) Mukhang busy ka ah. Goodnight Arababy! Had to sleep early. Maaga pa ako bukas. As in napaka aga! Hope you had dinner na! Miss you!
Napaka naman talaga neto ni Torres oh. Matutulog nalang ako lahat lahat pinapakilig pa ako!
To: Thomas Torres
Miss you too