Parang ang hirap na para sa kanila ang maubos ang mga pagkain na inorder ng lalaki para sa kanila, bukod kasi sa marami iyon ay wala naman halos ganang kumain si Turo. Alam naman niya na di naman siya nagkulang sa pagsabi sa kaibigan na may iba siyang mahal. At wala siyang balak na pabulaanan ang claim ni Ryon na asawa siya nito, ayaw niya kasi na umasa na naman ang kaibigan sa kanya. Alam niyang mali na di itama ang mga maling impormasyon na sinabi ng lalaki sa mga waiter, pero ayaw niya naman na dumating ang araw na sumbatan siya ng mga ito na pinaasa niya si Turo. Alam naman niya ang pakiramdam ng isang taong pinaasa, dahil minsan sa buhay niya ay napaasa na din naman siya. At labis siyang nadurog nang di na siya maalala man lang ng taong nangako sa kanya. "Kailan pa siya bumalik?"

