Nagmamadali na siyang nagbalik sa kanyang apartment na inuupahan upang kunin na ang lahat ng kanyang gamit upang ilipat sa hotel kung saan nandun din si Tamara. Nandun na daw ito kahapon pa at nagkachat naman sila kanina bago siya pumasok sa trabaho, Magkatabi ang kanilang mga silid sa hotel pero hinintay na muna niya na makarating ang gumamit ng kanyang pangalan upang makalipat. May isang tao na binayaran sila upang makipagpalit sa kanya ng katauhan, meaning ibang passport at visa ang kanyang dala dala sa pag alis niya. Kailangan nilang gawin iyon para di sila mapaghinalaan ng mga kalabang grupo lalo na at iba ang pakay nila ngayon. Nakahanda na ang kanyang mga isusuot mamaya sa party kaya naman ay naging madali na para sa kanya ang lahat lalo at magaling na naman siyang mag ayos ng k

