Dalawa lang sila ni Tamara ang lumakad para sa misyon na iyon, walang direktiba mula sa taas kaya, walang ibang nakakaalam sa kanilang lakad kundi silang dalawa lang. Gusto nila na gawin ang kanilang misyon ng mapayapa at walang sagabal kaya naman ay tahimik silang tumulak papuntang thailand. This time ay reliable na talaga ang kanilang source na di na nila kinakailangan pa na magduda pa. Magkakaroon ng summit ang mga agent at leaders ng ibang tie up agency except nung mga agent na galing sa Pinas at Japan. "Jana ready kana?" Mahinang tanong ni Tamara sa kanya gamit ang kanilang communication device. "Yes." Mahina din niyang sagot sa babae. Maingat siyang pumasok sa function hall kung saan gaganapin ang isang party ng mga agent na nagmumula sa southeast Asia. Kinakailangan niyang gum

