Sa isang iglap lang ay nasa isang warehouse sila, di niya parin alam kung nasaan silang dalawa ngayon pero wala na siyang pakialam pa. Bahala ito kung itutumba man siya nito ngayon, wala na siyang takot para sa buhay niya. Ayaw niyang makita ang kalagayan ng kanyang kapatid ngayon dahil ang bawat ungol nito sa matinding sakit ay tila punyal na tumatak at tumatagos sa kanyang puso. Masakit isipin na bilang ate ay wala siyang magawa dito, bukod sa ayaw niyang makita ang kapatid niya sa ganung kalagayan ay nakiusap ito sa kanya na ayaw nitong makita niya ito sa ganung kalagayan. Gusto niyang tiisin ang sakit na makita itong nahihirapan makasama lang ito sa mga huling sandali ng buhay nito, pero di niya kayang biguin ang kapatid sa pakiusap nito. Kaya kahit masakit ay ito siya mas piniling m

