Nagising siya na nasa sasakyan na siya, katabi niya ang lalaking kinaiinisan na niya ngayon. Parang ang sarap na tumalon nalang sa bintana ng sasakyan ng mga oras na iyon, sobrang nasasaktan parin siya na isipin na mas pinapaboran ng lalaki si Janine, iyon ay sa kabila ng kanyang mga naging rebelasyon tungkol sa babae. Ano naman ang magiging motibo niya kung sisiraan niya si Janine? Paki niya ba kung magsama ang mga ito. Oo may nangyari na sa kanila, nakuha na nito ang kanyang p********e. Pero alam naman niya ang kanyang boundaries, alam niya na di pang seryuso ang tingin ng lalaki sa kanya. Anumang oras o sandali ay maari siya nitong ibasura at itapon sa tabi tabi lalo na pag wala na siyang pakinabang. Ganun niya na kinondisyon ang kanyang puso at isip, although part of her ay nasasakta

