Mabilis siyang nagtago sa bahagi kung saan ay di siya makikita ng kung sino, Nailabas na din naman no Ryon ang motor mula sa damohan. Itinabi nito iyon sa kubling bahagi din at lumapit sa kanya, medyo bihasa na naman din siya sa pakikipaglaban kaya hindi na siya gaanong kinakabahan sa mga ganung sitwasyon. "Stay here, titingnan ko kung gaano sila karami." Bulong nito na bahagyang lumapit sa may mga tao na nakaitim. Sa kanyang palagay ay marami ang mga kalaban na nandun, kaya kinakailangan nilang maging matalino sa kanilang mga desisyon. Oo magaling si Ryon o sabihin na may kakayahan din naman siya na lumaban pero kahit gaano man sila kagaling ngayon kung mas marami ang kalaban ay tiyak na sa libingan ang kanilang kahahantungan. Sumilip din siya ng bahagya, at doon niya natanto na tama

