Mabilis na nailipat ang kanyang kapatid sa LMC siguro ay dahil sa koneksyon at pera ni Tamara, Dun niya napagtanto na iba talaga ang nagagawa ng salapi, pero kahit gaano man kadami ang salapi sa mundo ay di niyon kayang iligtas ang buhay ng isang taong nag aagaw buhay na. May nakasabay silang isang babae na maraming mga alalay at halatang maraming pera pero walang nagawa ang rangya ng kasuotan niya para maisalba ang buhay ng anak nito. Saktong pasok ng kapatid niya ay siya namang labas ng bangkay ng anak nito sa ICU. Kahit pala balutin ka ng yaman ng mundo ay di mo parin mabibili ang buhay ng tao, di niya maiwasang di kilabotan at kabahan. Tulog na tulog si Josh nang dumating kanina, na settle na daw ang bills sabi ng kapitbahay s***h kaibigan ng kapatid na si Tess at si Bryan. Ang mga i

