Matagumpay ang naging operasyon ng kapatid niya, yun na yata ang pinaka magandang balita na natanggap niya sa boung buhay niya. Ayun sa doctor nito ay nasa recovery period pa ito ngayon at mamaya maya pa pwedeng ilipat sa private room nito. Maselan ang kalagayan nito matapos ang operasyon kaya kailangan na ingat sila sa paglapit dito at di pwedeng ihalo sa ibang pasyente. "Ate, uuwe na po muna kami." Paalam ng dalawa sa kanya. Inaasahan na naman niya na aalis ang mga ito lalo at magdadalawang araw na din na nagbantay ng straight ang mga ito sa kanyang kapatid. "Salamat sa pagbabantay sa kapatid ko a. Di ko alam ang gagawin ko kung wala kayo dito, at kung mag isa lang akong naghihintay dito sa labas. " Sabi niya sa dalawa. "Para narin po naming kapatid si josh kaya masaya kaming nakas

