Isang text ang ipinadala ni Aling Sela, ayaw daw pumayag ng amo nito na umalis ito, kahit pa sabihin nito na kailangan ito ng pamangkin na nasa hospital, doon nagpanting ang teynga niya. Para kasing di na makatarungan ang lahat, nung tumawag ang matanda ay sinabi nito na di pa ito pinasahod ng dalawang buwan dahil baka daw umuwe ito ng probinsya. "Hi Jana, what's up kumusta na ang kapatid mo?" Tanong ng bagong dating na si Tamara, may kasama ito na dalawang babae. Tamara looks so simple with her dress, naka jeans naman ang mga kasama nito, sa tindig ng dalawang babae ay alam na niyang kagaya din ng trabaho ni Tamara ang trabaho ng dalawa. Mababakas ang awtoridad sa tindig palang ng dalawa, kaya para siyang nailang bigla. "Okay naman po Miss Tammy, naging matagumpay po ang kanyang ope

