Ilang minuto ang lumipas ay tila inuugoy na siya ng antok, simula kasi nung mapansin niya ang kakaibang ikinikilos ng kanyang kapatid ay di na siya nagkaroon ng maayos na tulog. Kung makaidlip man siya ay kaagad naman siyang nagigising sa konting kaluskos lang ng mga pumapasok na mga nurse sa loob ng room. Minsan naman para siyang naalimpungatan na bigla bigla nalang napapabangon. Halos di rin siya makakain ng maayos madalas ay ilang subo lang siya, lalo na nung bago ito maoperahan. Pinipilit nalang niyang makakain kahit parang ayaw na tanggapin ng kanyang sikmura. Malaki na ang inihulog ng kanyang katawan, mabuti nga at tapos na ang kanyang mga obligasyon sa school, graduation nalang niya ang kanyang hinihintay. Habang ang kapatid naman niya ay malabo ng makabalik sa pag aaral nito. Ma

