Nang maihatid sa bahay si Nanay Sela ay ang kwarto ni Josh ang ipinagamit niya, dahil ginawa niyang taguan ng mga mahahalagang bagay ang kanyang silid, pera, mga mahahalagang dokumento at kung ano ano pa. May mga karne pa naman at gulay sa ref, kaya iyon nalang ang kanyang iniluto muna. Nag text nalang siya na nauna na siya sa hospital, nag chat si Bryan na pupunta ito sa hospital upang magbantay kay Josh kaya ipapasabay nalang niya si Nanay Sela. Ngunit nakasara na ang pinto ng silid ng kapatid niya pagdating niya. "Nurse, bakit di ko mabuksan ang pinto ng silid?" Tanong niya sa nurse na dumaan. Huminto naman ito sa paglalakad at hinarap siya. "Dinala po namin siya sa ICU kanina ma'am, sabi po ni Doc ay kailangan siyang ma monitor." Sagot nito. "Bakit? Anong nangyari? " Tanong niy

