Akala niya ang pamimili na ng lalaki ng mga appliances at ang mga gamit sa bahay ang pinaka malaking surpresa nito sa kanila, hindi pala dahil kinahapunan ay dumating ang maraming groceries. Sa sobrang dami ay napaluha siya may mga kasama din na mga damit nilang magkapatid. Parang naka literal na jackpot silang magkapatid sa pagsulpot ng lalaki sa bahay. "Kakausapin ko ang kaibigan ko about sa business permit mo, para makapag umpisa ka ng pagtitinda after na ipagawa natin ang tindahan mo." Sabi nito sa kanya. "Labis labis na itong mga binibigay mo sa amin Ryon." Naiiyak niyang sabi dito. "You both deserve it, at saka gusto ko na palaguin niyo ang tindahan na ito." Sabi nito sa kanya. Kung masaya siya sa mga ibinigay ng lalaki ay syempre mas masaya ang kanyang kapatid. Dinaig pa nila a

