Halos alas onse na ng gabi nang dapuan siya ng antok, kaya naman ay pinatay na niya ang TV at nilinga ang lalaki na todo ang yakap sa balakang niya. Bigla tuloy siyang na conscious na baka nangamoy ang perlas ng silangan niya at maamoy ng lalaki. Nakaligo na naman siya pero kasi isinisiksik ng lalaki sa kanyang harapan ang ulo nito, kulang nalang ay isubsob nito ang mukha sa p********e niya. "Ryon! Gising na lilipat na tayo sa loob, inaantok na ako." Sabi niya na bahagya pang niyugyog ang balikat ng lalaki. Agad naman itong napadilat at tumitig pa muna sa kanya, halatang naalimpungatan ito. "I will carry you!" Bago paman siya nakapag isip at nakasagot sa sinabi nito ay mabilis na nabuhat na siya nito na animo' y sako ng bigas lang. "Ay Ryon ibaba mo ako!" Pagpalag niya dito. Pero wala

