Maaga silang ipinatawag sa hall ng barracks, doon usually ginagawa ang mga meetings regarding sa mga pagbabago ng mga rules at ang mga misyon na bago. Medyo masakit ang ulo niya sa pag iiyak ng nagdaang gabi, idinaan niya sa iyak ang matinding lungkot na lumukob sa kanya. Lalo na nang makita ang nakakapanlumong kalagayan ng kapatid niya. Nakahiga lang ito sa kama at di na halos makakilos pa, gusto niya man itong yakapin ay di pwede dahil malayo siya. Namimis na niya ito, alam naman niyang di ito pababayaan ni Nanay Sela kaya panatag siya, pero iba parin ang nandun siya mismo sa tabi nito. Naiiyak siya sa tuwing naiisip niya na di niya man lang nagawang maalagaan ang kapatid. Hinihintay pa nila ang result ng huling CT scan ng kapatid para masimulan na ang chemotherapy treatment nito. Ti

