Di na naging komportable para sa kanya ang mga sumunod na araw lalo at alam niyang nasa tabi tabi lang si Ryon. May mga pagkakataon pa nga na uupo pa ito sa mismong harap niya pag kakain na, which make her uncomfortable. Pero wala itong nabanggit tungkol sa nakaraan, di rin ito nangumusta sa kabuhayan na binigay nito sa kanila ng kapatid niya. Di niya alam kung mabubwesit ba siya o ano, kaya ang ginagawa niya ay iniiwasan nalang niya na masolo siya nito. Alam niyang luluha lang siya ng dugo kung saka sakaling patulan niya ang mga flirting schemes nito. Masyado namang obvious na di naman ito involved emotionally sa mga actions nito. Para bang laro laro lang ang ginagawa nito ngayon sa kanya, she felt pity for herself each time kasi feeling niya nagiging katawa tawa na siya sa paningin ng

