Tahimik ang boung paligid at mukhang nasa malapit siya sa isang dalampasigan, di siya nakagapos na kagaya ng kanyang inaasahan. Nagulat pa siya nang makitang hapon na at halos lubog na ang araw, alam niya e tanghali kanina nang matapos ang meet up nila nila Turo at Sara nang may biglang nagtakip ng kanyang bibig at ilong. Di niya alam kung sino ang may pakana ng pagkakadukot sa kanya ngayon. Ang duda niya ay si Ryon ang dumukot sa kanya kaya naman ay di siya nababahala. Alam naman niya na bagamat short tempered ang lalaki ay mananatili siyang safe pag nasa paligid ito. Di niya lang alam kung ano ang purpose ng pagdukot na ito. Pwedeng nagalit ito kanina sa kanya matapos na makitang may kasama siyang ibang lalaki. Yun kasi ang kabilin bilinan nito sa kanya, na walang ibang pwedeng magmay

