Ang akala niyang nakaligtas na siya ay di pa pala, dahil nang mag krus ang landas nila nito sa isang restaurant ay tila naghahamon ito ng away. "Tingnan mo nga naman kung sino ang nandito, ang galing talaga ng asawa ko pumili ng kabet." Pasaring ng babae, siya naman ay pasimpleng lumingon kahit na alam na alam na naman niyang siya ang tinutukoy nito. Parang ang sarap pa naman patulan ng babae, nalaman niya na pa naman na malapit na maaprobahan ang divorce ng dalawa. Binigyan pa naman ng allowance ni Ryon ang babae nitong huling dalawang buwan habang naghihintay pa ng paglabas ng desisyon sa kanilang divorce. Di na rin sila nagkikita ni Ryon since then, which is okay lang naman sa kanya lalo at ayaw na din naman niyang magkaroon pa ng mga tsismis tungkol sa kanila at baka maka apekto pa

