Alam niyang di maganda ang vibes na hatid ng babae lalo na nang igala nito ang tingin sa paligid na tila ba ay duda sa kanilang mga naroon. Akala siguro nito ay itinatgo lang nila si Ryon dito, okay naman sana ang babae kaya lang sa kanyang sapantaha ay may pagkabobo ito, chariz pero di niya talaga gusto ang hilatsa ng pagmumukha nito. Halatang di ito mabubuhay na walang kaperahan. "Why did Ryon cut my cards?" Tanong nito kay Yael na abala sa cellphone nito. Alam niyang bagamat naka cellphone ang karamihan sa mga lalaki ay nakikinig at nakikiramdam ang mga ito sa babae. "Ang pera naman ng kompanya ay pina freeze din niya, di man lang niya naisip na maraming mga employees ang umaasa sa kompanya. If he will continue to do this paano nalang ang operation ng kompanya, how can Tito Handle t

