Hindi niya alam kung paano aalis sa kanyang pwesto nang hindi napupuna ng mga tao sa labas. Di niya naman lubos akalain na pupunta doon ang mga ito lalo at di naman kaaya aya ang part na iyon ng gusali. Maraming mga hollow blocks na nakakalat lang sa paligid, bukod pa iyon sa mga malalaking tangke ng tubig o mantika di niya tiyak, sinisipon siya kaya di niya din ma identify kung may amoy ba o wala. "You should forgive yourself now Bro." Dinig niyang sabi ni Kairo sa lalaking alam niyang si Ryon. "How? Can you please tell me! Paano ko papatawarin ang sarili ko gayong alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit siya napahamak, kung bakit sila napahamak ng anak namin!" Parang umiiyak na sabi ni Ryon. Nang mga sandaling iyon ay parang dinakot naman ang kanyang puso sa sakit, di niya lang a

