Tatlong misyon na ang kanilang nasamahan ng solo ang mga babae, mga misyon na maski sa kanyang hinagap ay di niya inaakalang mapagtatagumpayan niya. Bagamat pinupuri siya ng mga heads sa kanyang performance sa mga misyon ay nanatili siyang lowkey lang, para sa kanya kasi she can't be the best without those people around her. Pero sa tatlong misyon na iyon ay wala man lang siyang narinig na kung ano tungkol sa mga naging kaganapan nung unang misyon nila. Nang tanungin naman niya si Tammy ay sinabi lang nito na tapos na ang mga naganap kaya dapat na mag move on at kalimutan nalang ang lahat lalo at patay na naman daw si Janine. Wala na naman ang babae para pag usapan pa nila. "Sama kana sa amin Jana, minsan lang naman ang mga ganitong kasiyahan." Sabi sa kanya ng isang luma na agent. D

