Nang araw na iyon ay na revive naman si Josh at nagkamalay saglit, nagulat pa sila nang ipatawag siya mula sa loob ng room. "Miss Jana hinahanap ka po ng pasyente sa loob." Sabi ng humahangos na nurse. Malamang ay nagkamalay na ang kapatid niya kaya ipinapatawag na siya nito. Wala na siyang inaksaya pang sandali at kaagad na siyang pumasok sa loob ng room uli. Gising nga ang kapatid pero parang habol na habol na nito ang paghinga nito, gusto niyang mag iiyak nang makita niya ang sitwasyon nito, pero di niya pwedeng ipakita dito na napanghihinaan na siya. Kailangan niyang magpakatatag para sa kapatid niya na alam niyang siya ang nagsisilbing lakas. "A-ate!" Tawag nito sa kanya. "Josh, wag ka munang magsalita please baka makasama sayo." Sabi niya. Umiling ito at nagpatuloy sa pagsasa

