Boung period ng lamay ay tila robot lang siya, hirap siyang matulog at kumain. Di rin siya makausap ng kahit na sino, madalas siyang nasa harap lang ng kabaong ng kapatid niya. Halos wala na siyang ibang inatupag kundi ang umiyak umaga, tanghali, hapon basta pag naaalala niya ang mga pinagdaanan nila ng magkasama ay iiyak siya. Halos di na nga din niya magawang maligo man lang. "Jana maligo ka muna doon, baka dumating ang nobyo mo mamaya, nagsabi pa naman iyon na babalik sa sunod na araw." Sabi ni Nanay Sela sa kanya. Parang mabilis naman ang pick up niya sa mga ganun, parang it her way to tell her na mabaho na siya at kailangan na niyang maligo dahil mahihimatay na ang mga ito sa amoy niya. Naamoy na din naman niya ang sarili niya. " Sige Nay," sabi nalang niya na tumayo na. Yun din

